Chapter 4: That Girl (Cassandra Ally Salvador)

608 3 0
                                    

Chapter 4: That Girl

(Cassandra Ally Salvador)

#Anthony'sPOV

--Homeeeee

Ang cool niya lang. Siya pa lang ang unang babaeng nakasuntok sakin ha. Ang angas pero ang lakas ng impact. Di ko pa pala siya naitext. Maitext nga..

Teka, ano nga ba'ng magandang sabihin? Hm?

"Hi!"

Send to: Cas Salvador

Magrereply kaya yon?

Hahaha. Paglolon ku neman ta. Ikitan na. Masubukan pin. (Liligawan ko naman yon. Makikita niya. Masubukan nga.)

Beep Once..

Cas: "Sino to?"

"Yung sinuntok mo kanina. Hehe. Pasensya ka na."

"Loko loko ka kasi. Ayan tuloy. Sensya na rin." (Hahaha. Nakonsensya ko ata)

"Sorry na nga e. Pano ba ko makakabawi niyan?"

(Follow up text)

Anthony: May boyfriend ka ba?

"Treat mo ko lunch bukas. Hahaha. Wala ako'ng boyfriend." (Ayos! Hahaha.)

"Osige. Liligawan kita ha?"

"Nakakaloka ka. Kakakilala mo lang sakin ha."

Tawagan ko na nga lang..

Calling Cas Salvador....

Cas: Hello.

Oh? Haha. Tumawag na ko para mas maayos.

Loko loko ka talaga. Haha. E bakit ba?

Wala ka'ng boyfriend. Wala ako'ng girlfriend.

Talaga lang ha?

Oo naman.

E ano naman ngayon?

Officially, manliligaw mo ko. Ok?

Hahahaha! Nakakatawa ka.

At nagkwentuhan lang kami magdamag. Dun ko rin nalaman na galing si Cas sa isang broken family. Only child siya pero may kapatid sa papa niya. Mama naman niya e may kinakasama na rin at nagbabalak ng magtayo ng sarili niya pamilya.

Tama ako. Malakas ang loob niya at personalidad. Matapang siya para harapin yung mga bagay bagay.

Pareho'ng nasa iba'ng bansa ang magulang niya kaya lumaki siya sa magulang ng mama niya pero nung high school e nagdesisyon siya sa tiyuhin niya manirahan. (kapatid ng tatay niya)

At kahit ganoon pa ang nangyari sa buhay niya, panay ang tawa niya. Masiyahin din siya. Hindi siya yung tipo'ng maloloko basta.

Liligawan ko siya. Tapos.

;

First True Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon