CHAPTER 22

7.3K 225 12
                                    

PAGKARATING ko ng Davao ay dumeretso kaagad ako sa may palengke.

"Five po." Nakangiting sabi ko at itinuro yung durian.

Inabot ko kaagad yung bayad. Tinulungan ako ng ale na isakay sa taxi yung mga durian.

Sinabi ko kaagad kung saan hotel, hindi naman siguro ako hahanapin non.

Pagkalipas ng ilan oras ay nakarating kaming hotel.

"Thank you po, Manong."

"Kung umuwi na kaya ako?" Tanong ko sa sarili ko.

Napalunok ako, hindi ko alam kung ano mangyayari sa akin sa oras na nakauwi ako.

"Parang nagsayang ako ng pamasahe kung uuwi ako." Mahinang bulong ko.

Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na sa hotel buhat buhat yung mga durian.

"Tulungan na po kita, Ma'am." Saad nung bell boy.

"Thank you." Sabi ko.

Napaupo kaagad ako ng makarating kami sa hotel room ko, binigyan ko ng tip yung bell boy para sa pagtulong sa akin.

"Thank you."

In-on ko yung phone ko, para akong namutla dahil sa mga text ni Levi.

Levi: Sweetheart! Where the hell are you? I can't believe you escape the guards!

I'm mad right now! Big time!

Laxman is crying! Damn it! Go home now!

Huwag mo hintayin pwersahan kita iuwi kung nasaan ka man ngayon.

Fuck! I'm calling you! Bakit nakaoff ang phone mo!

Wala ka sa apartment mo! Wala ka din sa bahay ni Tatay! Where are you?! I'm worried.

Pag nakauwi ka, ewan ko na lang kung ano magagawa ko sayo. Get ready, sweetheart. You can't escape this time!

Parang ayoko tuloy umuwi sa mansion, kasi naman e!

KINABUKASAN ay umuwi kaagad ako dahil sa kaba, hindi ako nakatulog.

Humarang kaagad yung guard sa tapat ng Empire Village.

Ibinaba ko yung bintana. "Manong pwede na po ba pumasok?" Nakangiwi na tanong ko.

Nanlaki ang mata niya. "Ma'am Annjane!" Gulat na bulalas niya.

Kinakabahan na tumawa ako. "Baka po hinahanap na ako."

Napakamot siya ng ulo. "Ma'am Annjane! Umuwi na po kayo, napagalitan po kasi kami dito sa guard house ng Empire Village dahil hinayaan ka po namin makalabas."

"Pasensiya na po manong." Nahihiyang paumanhin ko.

"Okay lang po, sige na po." Saad niya at hinayaan yung taxi na sinasakyan ko makapasok sa loob ng Empire Village.

Pagkarating sa tapat ng mansion ay bumaba kaagad ako at ibinaba ko din yung mga binili ko na durian.

Hindi pa ako nakakatapak sa gate ng mansion ay tumakbo yung mga bantay papalapit sa akin.

"Ma'am Annjane!"

"Sorry po sa pagaalala." Nahihiyang saad ko.

Kinuha nila yung mga binili ko. Para akong nagpanic dahil doon. "Sandali lang po! Saan niyo po dadalhin yung mga durian ko?"

"Ilalagay lang po namin sa kitchen area para ipahiwa po yung sa loob. Para na din po makain niyo." Sabi nung isang lalake.

Pasimple akong napakamot sa ulo ko, ilan months na ako dito hindi ko pa din alam mga pangalan nila.

Napansin ko yung iilan ay hindi sila daretso kung maglakad.

"Anong nangyari sa inyo?" Nagtataka na tanong ko.

"Wala po ma'am."

Hinayaan ko na lang sila, pagkapasok sa mansion ay napahiga kaagad ako sa sofa.

"Popcorn! Nako bata ka! Nasaan ka?" Narinig ko kaagad si Nanay Dola.

Pagod na itinaas ko yung kamay ko. "Nandito po ako."

"Nako! Saan ka ba nanggaling? Hinahanap ka ng mag-ama mo!"

"Pasensiya na po nanay." Pagod na saad ko.

"Saan ka nanggaling? Galit na galit si Levi dahil tumakas ka."

"Davao po, bumili ako ng durian."

"Ano? Ang layo ng davao? Bakit hindi ka na lang nagpabili?" Tanong niya.

Napabusangot ako na parang naiiyak. "Walang gustong bumili, Nanay dola."

Para akong nasusuka bigla, napasapo ako sa bibig ko. Kahit na pagod ay pilit ko bumangon ay pumunta sa powder room.

Nanghina ako bigla ng mailabas ko. "Okay ka lang ba popcorn?"

Pinunasan ko ng tissue yung bibig ko at nagmouth wash. "Okay lang po, Nanay dola."

Inalalayan niya ako makabalik sa sofa, humiga naman ako. "Ayaw mo ba sa kwarto niyo magpahinga?"

Umiling ako. "Nanghihina na po ako."

"Siguro ay buntis ka." Saad niya.

Para akong nanigas dahil sa sinabi ni Nanay. "Hindi ko po alam." Mahinang saad ko.

"Ipapabili kita ng PT kay Helyo."

Tumalikod ako ng higa at pumikit na lang. "Gisingin niyo na lang po ako Nanay pag okay na po yung durian."

His Fake Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon