CHAPTER 4

8.4K 222 5
                                    

KAGAYA ng sabi ni Levi ay kinabukasan ay dumating na lalake dito.

"Ma'am pirmahan niyo lang po at isuot itong singsing. Pinapasabi po ni Mr. Esteban na huwag na huwag mo daw po aalisin yung singsing pag sinuot mo."

Napanguso ako at pinirmahan na lang yung marriage contract. Kinuha ko yung maliit na box.

Binuksan ko yung box at nagulat ako ng makita na malaki yung mismong diamond. May napansin ako na may nakalagay na pangalan.

Mrs. Annjane Popcorn A. Esteban

Napalunok ako dahil sa nabasa ko, hindi ko akalain na may asawa na ako.

"Alis na po ako, Mrs. Esteban."

Ngumiwi ako. "Thank you po, ingat po."

Isinuot ko yung singsing. Huminga ako ng malalim. "May asawa na ako." Mahinang saad ko.

"Gwapo sana kaso ang cold naman niya at seryoso."

Napailing ako. "Kung ano-ano na lang nasasabi ko."

Narinig ko na lang na may kumatok kaya tumayo ako at binuksan yung pintuan.

May limang lalake nakaitim sila, yumuko sila. "Good morning ma'am."

Ngumiwi ako. "G–good morning, ano po meron?"

"Pinapakuha na po yung mga gamit niyo." Sabi nung nasa unahan.

Napailing ako. "Ako na ang bahala."

Umiling siya. "Kami po ang mapapagalitan kay Boss pag po hinayaan ka po namin."

Huminga ako ng malalim. "Okay po, meron po ba kayo gusto makain?"

Umiling sila at ngumiti bago pumasok, hinayaan ko sila na kunin yung mga gamit ko.

"Kailangan na po namin pumunta ng mansion at kailangan niyo po sumama."

Sumunod ako sa kanila, napatingin ako sa apartment ko.

Pinasakay nila ako sa pinakaunang kotse dahil tatlong kotse ang nasa harapan ng apartment ko.

Pagkalipas ng 45 minutes ay pumasok kami sa isang village. Huminto kami sa isang napakalaking mansion dito sa loob ng village.

Napatingin ako sa mismong labas ng gate, napansin ko nasa pinakaitaas ito. Madami din bantay.

Mukhang kahit may magnakaw dito hindi makakalabas ng buhay.

Napalunok ako sa iniisip ko. "Ma'am kailangan niyo na po pumasok." Sabi nung babae na nakauniform.

Ngumiti ako. "Okay."

His Fake Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon