Chapter 9 Lets be friends again

172 7 0
                                    

Cedric’s POV

“guys teka lang ah, samahan ko lang si renoa, bibili daw eh”

Takte tong si raizen, parang nananadya ah… pero siguro eto na din yung tamang time para makausap ko tong si aika namimiss ko na din naman siya eh… nung araw na iniiwasan ko siya, para akong ewan nun…

*flashback*

“may gusto ako sayo, ang manhid naman eh… di mo ba ramdam?”

“ah, eh Pasensya ka na ah… hindi eh”

Tas hinalikan niya ako, Pagkatapos nun, Tumakbo ako… nahihiya ako eh… first kiss ko kasi siya…at may gusto din ako sa kanya nun… hindi ko lang maamin… kaya naman nagulat ako nung umamin siya… hindi ako prepared eh… after kong mahimasmasan bumalik ako kung saan ko siya iniwan kaya lang wala na siya eh, siguro umuwi na… tapos pag nagppractice kami naiilang ako sa kanya, kasi naman alam niyo yung kinikilig na ewan, hindi ako makapag concentrate… hanggang sa isang araw sinabi na lang sa akin ng manager namin na nagQuit na daw si aika… gusto kong magwala nun, gusto ko siya Ibalik sa grupo kaya lang nahihiya ako pag nakikitako na siya… at hanggang ngayon ganun padin nararamdaman ko

*end of flashback*

“ehem. Aika… kasi ano”

“alam ko naman cedric na iniiwasan mo ko… kasalanan ko naman yun eh, sorry dun sa nagawa ko…”

“hindi naman yun eh… kasi  paano ba to..”

“ano ba yun? Sabihin mo na sa akin…”

“let’s be friends again, kung ok lang sayo?”

“t-talaga? Seryoso?”

“oo… ayaw mo?”

“hindi ah… gusto ko1 gustong gusto ko… hahaha… thank you cedric”

“pero may favor sana ako… pwede mo ba akong tulungan kay renoa? Pinsan mo naman siya diba? Gusto ko kasi siyang ligawan eh”

“a-ahh g-ganun ba? o-oh s-sige ba! w-walang problema…”

Nginitian niya ako, pero pilit naman… oo gusto ko yung pinsan niya naalala niyo ung sinabi ko kay raizen na kapag nagkita kami ulit ni renoa liligawan ko siya, siguro tadhana na to, imagine si raizen pa yung nagpakilala sa akin sa kanya… kaya ok diba? Haha

“thank you” then niyakap ko siya…

“walang problema”

“ano ba mga gusto niya?”

“mahilig siya sa gummy worms at gummy bears pati soya milk ayan ang weakness niya…”

“talaga? Favorite flowers? Or kahit ano?”

“hindi siya mahilig sa ganyan, alam mo na… may pagkaboyish kasi siya eh… pero eto lang ah… sasabihin ko sayo, may gusto siya kay raizen, ay hindi pala gusto… mahal niya si raizen, mula pa nung mga bata sila, at may promise sila na liligawan siya ni raizen after high school, kaya kung ako sayo wag ka masyado umaasa ha? ”

Ouch naman! Hindi pa ako nanliligaw basted na agad ako, pero ok lang yan… don’t loose hope…

“ok lang… challenging ang panliligaw sa kanya…”

“ok kung ayan ang gusto mo eh… basta binalaan na kita ah…”

“oo… thank you ulit, ligpit na tayo, para pagbalik nila ilalagay na lang ni raizen to sa sasakyan niya”

“ok”

At ayun nagligpit na kami, pagdating nung dalawa aba at nagtatawanan pa ah… ang ganda talaga nitong si renoa eh, well maganda din naman si aika eh, actually magkamuka sila halos, pinagkaiba lang mas masayahin yung mata ni aika kay renoa naman para ang tapang pero pag ngumiti naman… panalo…haha

“nagligpit na pala kayo?”

“oo, nainip kami ni aika senyo eh, ang tagal niyo kasi”

“eto kasi eh, ang daming binili, uubusin ata yung tinda sa canteen, pati pera ko… hahah”

“naman eh… nakakita kasi ako ng gummy bears eh… bayad mo na yun sa 4 na corn dog na binili ko sayo… kala mo diyan…”

“oo na… hmmm… ang cute mo talaga eh no” sabay kurot sa pisngi ni renoa, bagay pala sila, pero syempre mas bagay kami… hahaha

“pre… usap naman tayo saglit oh”

“oh sige teka lang, renoa baba niyo na to lagay niyo sa sasakyan… please ayan yung elevator oh, tapat nyan yung sasakyan… ha? May surprise ako dun sayo…”

“ok sige… inuto mo pa ako… sige, una na din ako sa room ah… bye…”

“gueh… ingat”

Ayun nga sumakay na sa elevator sina renoa at aika…

“ano yun pre?”

“didiretsahin na kita… gusto ko sanang ligawan si renoa… kung ok lang sayo”

“ha? Bakit ka nagpapaalam sa akin? Oo naman… basta ba seryoso ka sa kanya eh,”

“pero diba may promise kayo sa isa’t isa?”

“ok lang sa akin yun, di ko naman hawak buhay niya eh, nasa kanya pa din naman yung desisyon eh, diba? So good luck pre… pero it doesn’t mean naman na susuko ako, liligawan ko din siya… may the best man win…”

Inabot niya yung kamay niya then I shake it…

“sige may the best man win”

“kung sino man sagutin niya… basta walang magbabago… friends pa din tayo ah, tsaka bigayan, pag dumidiskarte ako, wag ka muna lalapit, then vice versa ah…”

“oo ba… walang problema, para hindi din mainis si renoa”

“ok… tara pasok na tayo”

“tara”

Mabait talaga tong si raizen eh, hindi siya selfish, kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit nagustuhan siya ni renoa… ang swerte pero sana biyayaan niya ako ng swerte niya, mukhang di niya alam na mahal siya ni renoa eh…

“sige tol, dito na ako…”

“gueh… kita kits na lang”

Then we parted ways na… diretso na agad ako sa room, well ganun pa din busy pa din sila para foundation ng school…

Words that are hard to say(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon