Chapter 11 A day without him

173 7 1
                                    

Renoa’s POV

So kahapon nga… official na… manliligaw ko na si raizen… kinikilig ako… kaya lang wala naman siya ngayon… di ko alam kung saan siya pupunta… hindi niya sinabi sa akin… haixt… namimiss ko na siya kaagad… 3 days lang naman siyang mawawala kaya ok lang…Mabilis lang yun…

Pagpasok ko sa school iba yung atmosphere, wala kasi si raizen eh… lalo na sa room… grabe… parang may kulang… wala naman kaming ginagawa kaya yun naupo na lang ako sa upuan ko…

“si raizen?”

Bwiset ah…

“nakikita mo?”

“I’m just asking… may masama ba? nagaway kayo?”

“of course not… may inaasikaso lang siya… 3 days siyang mawawala kaya sana pati ikaw 3 days din mawala yang bunganga mo, I mean hindi lang pala 3 days life time na…”

“kung makapagsalita ka ah… pagmamay-ari mo si raizen?”

“hindi pa pero malapit na”

“ahahaha… Nagpapatawa ka… hahaha… what do you mean? Nanliligaw ba sayo si raizen?”

“yeah, kahapon lang nagstart…”

“prove it…”

“just wait…” tinignan ko yung watch ko, and 5 minutes na lang tatawag na si raizen…

After 4 mins and 55seconds nilabas ko yung phone ko then hinarap sa mukha niya

“5…4…3...2…1”

*calling… raizen (roaming)*

Sinagot ko then niloudspeaker ko pa…

“hello”

“renoa! Miss na kita…” syempre ako naman kinikilig… wahaha… yung clown naman na to halata mong inggit na inggit… wahaha

“asan ka ba? bakit roaming number gamit mo?”

“nasa states ako… may kakausapin lang…”

“ahh… sino naman?”

“parents mo… para maging legal panliligaw ko sayo, kahit naman pumayag ka na ligawan kita syempre hindi ko pwedeng I by pass parents mo… baka katayin nila ako… alam mo na”

Oh my god… hindi ako nakapagsalita… so sineryoso niya talaga yung sinabi niyang liligawan niya ako ng formal… wahhh! Help me… kinikilig ako… hahaha

“sus ikaw talaga… kotongan kita eh, kala ko kung saan ka pupunta eh… sana sinama mo ako…”

“wag na baka pag nandito ka sagutin mo ako kaagad, sayang naman yung mga plano ko diba? Kaw talaga… o sige na… may aasikasuhin pa ako eh… bibili pa ako ng gifts para kina tito at tita… sige… balitaan na lang kita kung napasagot ko na sila ha? Bye… I love you”

“o sige… ingat ka… mwah”

Then he hung up… kinikilig pa din ako… pero bago yan ibabaon ko muna tong clown na to…

“naniniwala ka na ngayon? hahaha”

“haixt..”

Aba may pag walk out… hilahin ko buhok nito eh… pero hayaan na… kailangan mabait na ako… may nanliligaw na sa akin eh… hahaha… ang saya ko talaga… hahaha… akalain niyo yun, pumunta pa siya ng states para lang hingin yung blessings nina mama… ang sweet diba… wag na kayong magtaka kung bakit parang Makati lang ang states sa kanya, samantalang yung iba ang dami dami pang nilalakad na papers… siya plane ticket lang… well ms. Author explain

Words that are hard to say(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon