Chapter 10 The kiss

186 7 1
                                    

Raizen’s POV

“pre… usap naman tayo saglit oh”

“oh sige teka lang, renoa baba niyo na to lagay niyo sa sasakyan… please ayan yung elevator oh, tapat nyan yung sasakyan… ha? May surprise ako dun sayo…”

utos ko kay renoa sumunod naman sinama na niya si aika

“ok sige… inuto mo pa ako… sige, una na din ako sa room ah… bye…”

“gueh… ingat”

Ayun nga sumakay na sa elevator sina renoa at aika…

“ano yun pre?” tanong ko sa kanya

“didiretsahin na kita… gusto ko sanang ligawan si renoa… kung ok lang sayo”

alam ko na ayan ang sasabihin niya dahil sinabi na nya yan dati nung hindi ko pa siya pinapakilala si renoa sa kanya

“ha? Bakit ka nagpapaalam sa akin? Oo naman… basta ba seryoso ka sa kanya eh,”

“pero diba may promise kayo sa isa’t isa?”

“ok lang sa akin yun, di ko naman hawak buhay niya eh, nasa kanya pa din naman yung desisyon eh, diba? So good luck pre… pero it doesn’t mean naman na susuko ako, liligawan ko din siya… may the best man win…”

Inabot ko yung kamay ko then he shake it…

“sige may the best man win”

“kung sino man sagutin niya… basta walang magbabago… friends pa din tayo ah, tsaka bigayan, pag dumidiskarte ako, wag ka muna lalapit, then vice versa ah…”

“oo ba… walang problema, para hindi din mainis si renoa”

“ok… tara pasok na tayo”

“tara”

Tama naman ginawa ko diba? Wala naman sigurong mali kung hayaan kong manligaw siya… kasi alam ko hindi naman siya papayagan ni renoa eh… bwahaha… kasama sa promise namin yun no, after ng foundation ng school grad ball naman at dun ko na siya tatanungin kung pwede ko na siya maging girlfriend… hahahaha… konting panahon na lang… oh diba?

“sige tol, dito na ako…”

“gueh… kita kits na lang”

Dumeretso na kami sa mga room namin… pagpasok ko naman ng room…

“RAIZEN!”

“bakit? Kailangan sumigaw?”

“thank you” tas inangat niya yung dalawang lalagyanan ng gummy bears niya… ngumiti ako, tas lumapit siya sa akin

“teka! Madami yan ah, asan yung iba?”

“nandun pa… hindi ko kayang bitbitin lahat yun noh…kaya itong dalawang maliliit lang… thank you talaga”

Lumapit yung mukha niya sa akin at saktong pagharap ko nagdikit yung mga lips namin… mga 5 seconds ata… pareho kaming nagulat…

“s-sorry” sabi ko

“ahh! Bakit ka humarap?”

“malay ko ba…”

“tara na nga dun” tas Tumingin siya sa klase, parang gusto na nilang mangasar “subukan niyong ibuka yang bibig niyo, magiging huli niyo na yun” tas naglakad na papunta sa upuan niya… ang tapang talaga nto eh, pero namumula siya…pati ata ako… takte! Paanong hindi? First kiss ko yun, pati niya..

“ok ka lang?” tanong ko

“oo naman”

“sorry ah… hindi ko alam eh”

Words that are hard to say(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon