Thank You For The BrokenHeart.

324 14 14
                                    

Everything i know about love,i learned from you.You were my only,you were my first,

Sobrang masaya ako nung araw na yun.

Nung araw na sinagot kita.Pakiramdam ko nun ako na yung pinakamasaya at pinakamagandang babae nung mga oras na yun.

Oo,natakot ako,kasi ikaw ang first boyfriend ko,pero binigyan mo ako ng assurance.

Natatakot ako kasi hindi ko pa alam kung paano nga ba talaga ang magmahal,pero pinakita mo sakin,kung gaano kasarap at kasaya ng feeling na inlove ka.

Sayo ko natutunan kung paano magmahal,ng walang halong takot.

Minahal kita ng buong buo.

Nagtiwala ako sayo,kasi ganun naman talaga dapat eh,diba?

Pag nagmahal ka,dapat kasabay nun yung pagbigay mo ng trust.

Ang saya saya natin nung nagsisimula pa lang tayo.Hindi man lang tayo nag aaway.Lagi tayong magkasama.

Kaya naman  umasa at naniwala ako na tayo na talaga hanggang huli.

Nung isang beses,hiniram ko sayo cellphone mo,sakto naman may nagtext.Binasa at binuksan ko yung message,feeling ko naman i have the right to do that,kasi im your girlfriend.Isa pa,baka importante yung text.

FROM : 09123456789

Hi sweetie :*

Yan,yan yung nabasa ko dun sa text.Na shock ako kaya naman tinanung kita.

"Jet,may nagtext sayo oh.Sino yung sweetie?"

"Ha? Ah,wala yun.Wag mo na pansinin"

"Weh? E sino nga yun Jet?"

"Wala nga lang yun.Nakitext lang kasi sakin yung tropa ko kanina.Baka ayan yung tinext nya,ngayon lang nagreply"

"Jet,baka naman niloloko mo na ako" Umayos ka nang upo tapos tinignan mo ako sa mata.

"Kelly,listen ..Hindi kita niloloko,ok? Trust naman.." Sabi mo tapos kiniss mo ako sa noo at inihilig mo yung ulo ko sa mga dibdib mo.

Yan yung isa sa mga gustong gusto ko sayo eh.Parang napaka sincere mo.At napaka sweet  mo pa.

Tumagal tayo ng 2months.

2months na hindi ko pinapansin yung sinasabi ng kaibigan ko tungkol sayo.

Tsismis kasi ng kaibigan ko na may iba ka daw.

2timer ka daw.Niloloko mo lang daw ako.

Syempre hindi ako naniwala.

Inisip ko kasi,baka inggit lang yung kaibigan ko satin,wala kasi syang boyfriend eh.Kaya akala ko sinisira lang nya tayo.

Nag away pa nga kami eh.

Pero hindi ko nalang inisip yun.

Mas sayo ako naniwala.

Kasi nga,sabi mo diba,TRUST.

Isang buwan pa ang lumipas.Medyo nagbabago ka na.

Thank You For The BrokenHeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon