Prologue

0 0 0
                                    

Upon growing up, Nanay and Tatay taught me to value everything I have. That no matter how generic the phrase "time is gold" is, it is always true. Kaya't habang may oras pa rito sa mundong ibabaw, pahalagahan ko na raw ito.

Dapat ay palagi lang akong handa sa anumang maaring mangyari. Sapagkat hindi naman natin hawak ang kamay ng orasan.

I am learning morally everytime my parents are telling things such these. I just don't like it if our topic will suddenly change into something like this.

I mean, yes, I am learning. Pero pakiramdam ko lagi ay may kaakibat ang bawat na leksyon na iyon. Parang iiwan na nila ako. At iyon ang pinaka ayaw ko sa lahat.

Mas gusto ko na lang na matutunan ang mga bagay na 'yon sa libro kaysa sa kanila mismo.

"Makinig ka sa mga bilin ko, Lyet. Para din naman sa'yo ito."

Like the usual, I will just shrug my shoulders as my response.

"Tapos ka na, Miranda? Dalian mo at hinihintay na tayo ng driver sa baba." Tatay said.

"Uhm, tapos na 'Tay. Nakikinig na lang po sa seremonyas ni Nanay."

Nanay glared at me with squinting eyes. And Tatay laughed at that.

"Naku! Yus, huwag mo akong tinatawanan diyan, baka nga ikaw pa ang maunang maghanap kay Julyeight kapag nakalipat na 'yan!"

No, 'Nay. I will be the first one to miss the both of you when I arrive at my condo in Santo Domingo and start to live by myself.

Medyo malayo ang papasukan kong paaralan sa Benedetta, ang aking hometown, that's why I needed a nearer place.

Well, who would want an almost three-hour ride just to go to school daily? Definitely, not me!

The school where I am enrolled, Santo Domingo Community School and Colleges, is a public school, but the quality of education there is enough to produce successful people for the next generations. The Pride of the Province as they say.

I guess.

Habang nasa byahe papuntang condo, siksikan kaming tatlo nina Nanay at Tatay sa backseat ng sasakyan. Nakapulupot sa akin si Nanay na inaasar naman ni Tatay.

This will be the first time that I will be away from them. Nasanay akong lagi nila akong bitbit saan man sila mapunta.

Kaya ako pinaulanan ng mga pangaral ni Nanay kanina.

Next week pa ang pasukan, pero ngayon pa lang ay lilipat na ako. Mayroon din kasing dadaluhang business meeting ang mga magulang ko sa Manila.

"Senior high na ang Lyet namin." saad ni Tatay sa kunwaring malungkot na tinig.

"Kaya nga! Parang kanina lang pinapalitan ko lang siya ng diaper. Imagine, two years from now, college na siya, Yus!"

I don't know if my parents were really emotional or they were just teasing me.

My previous school, Holy Angel Montessori, was an all-girls school, but when I was in grade six, they opened it for boys, too. And now it's already a co-ed school.

And, also, I had already experienced how it is to study with guys around. Kaya hindi na ako maiilang sa bago kong paaralan.

"Basta kung may makilala ka, Miranda, ipakilala mo agad sa amin, ha?"

Umirap ako sa aking ama dahil sa sinabi. Ayaw ko rin sa ganito. They are not strict to me, I am never suffocated from their way of parenting.

Well, I like that they are like this to me. Sabi nga nila, naranasan din nilang maging bata.

Of course! Who didn't?!

Ayaw ko kasi na parang ayos lang sa kanilang mag-boypren ako kahit na bata pa. Gusto kong higpitan din nila ako kahit konti, lalo na sa mga ganitong bagay.

A moment later, we finally arrived in the building.

I carried my shoulder bag with the book I am currently reading in it. While Tatay and our driver carried my stuff.

As I look around, I noticed how it is more civilized here than in our municipality. Oo nga pala, ito ang sentro ng probinsya.

We went inside the building and rode the elevator. Nang makalabas, nasa tapat na kami ng pinto na may nakasulat na "410" sa taas ng peephole, naluha na si Nanay.

"Julyeight, ang mga sinabi ko sa'yo!" saad niya bago kami tumuloy.

Sapat na sa akin ang unit. Mayroong tatlong kwarto. Gagawin ko na lang sigurong study room ang isa. At ang isa naman ay guest room.

There's a large television in the living room, ngunit mas pipiliin ko na lang na panoorin ang labas mula sa napakalaking glass na wall.

My parents stayed and helped me arrange my stuff. We didn't notice the time until we saw the majestic view in the living room, tila lahat ng makikinang na bituin ay nahulog mula sa kalangitan.

Agad naman nagpa-deliver si Tatay ng dinner nang napagtantong gabi na, at kailangan na rin nilang umuwi dahil mamayang madaling araw ay tutungo na sila sa Manila. Pagkatapos kumain ay hinatid ko na sila sa baba.

"'Nay, 'Tay, mami-miss ko kayo. Pero uuwi po ako tuwing Biyernes hanggang Linggo sa atin."

I hugged my parents, holding back my tears.

"Ano ka ba, Lyet! Mabilis na lang 'yan. Saglit na lang ga-graduate ka na, oh!"

"Sus, Ulya! Huwag kang maghahanap ng Julyeight sa bahay pag-uwi natin, ah!" asar ni Tatay kay Nanay at bumaling sa akin, "Mag-iingat ka rito, anak. Mahal ka namin."

Pinanood ko muna ang sasakyan nila hanggang sa hindi ko na ito matanaw bago ako nagpasyang bumalik sa unit ko.

I jogged a little when I noticed that the elevator was closing. I put my hand in the middle to stop it. Pero agad ko ring inalis ang pagsangga ko nang may marining akong tinig.

Mula iyon sa dalawang taong naghahalikan sa loob at halos walang pakialam sa kung sino man ang makarinig sa mga ungol nila.

Ang lalaki ang nakaharap sa pinto ng elevator, pero bago pa man niya maiangat ang tingin, tumalikod na ako at nagtungo sa stairs.

I would rather tire my self to death climbing the stairs than ride the elevator with two horny people in it.

Hues And Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon