Chapter 6

0 0 0
                                    

"Ano ba ang mayro'n diyan sa librong 'yan, poorie? You're always reading."

Kasalukuyan akong kinukulit ni Andrew dahil break time namin sa practice ng sayaw.

"Reading calms me. At sa mga librong ito, wala ka. Kaya mas prefer kong magbasa than to deal with you." inirapan ko siya.

"Really? Then why are you talking to me now?"

Imbes na sumagot, I sipped on my tetra pack juice na binili ko kanina.

Next week will be the party. Kaya nagra-rush na ang lahat. Even our requirements, rush na rin.

Most of the deadlines were due this week, kaya sobrang hectic ng schedule namin.

"Babe!" a girl from STEM shouted while looking on our side.

"Tss." I heard Andrew, "I'm sorry I have to go, cutie. Gotta deal with this one, too."

So what?

Inubos ko ang juice at luminga para hanapin si Kit. After that encounter in the mall, he finally stopped bothering me.

Kit was eating banana cue with his friends. Gwapo rin naman siya. He's tall, kayumanggi ang kulay. Eyes were dark, secretive, and serious. And his hair is always nicely styled in a brush up way.

He could also pass as my type. But I was turned off when he started the 'July 8' pronunciation of my name. Isa sa siya sa mga naunang nang-asar sa akin.

He and Andrew are always together. And like Hannie and I, they are total opposite, too.

Sa kabilang dako naman, ang nabunot ni Hannie na kapareha ay 'yong binabae sa classroom. Kaya sobrang sama ng loob niya hanggang ngayon.

The practice resumed. And we were all mimicking the moves of the dance instructors at the stage.

Pinamulahanan naman ako sa paraan ng pagsayaw namin ni Kit. I don't know, maybe because I just admitted to myself na pasok ang beauty niya sa mga type ko.

Sa nalalabing araw ng practices, gano'n ang nararamdaman ko tuwing nadidikit ako sa kaniya.

Come on, Julyeight! He is worse than Andrew when it comes to girls!

It's Friday, and the party will be Friday next week.

Uwian na pero kasalukuyan akong naglalakad papunta sa faculty room. Miss Lorenzo, our PEH teacher, wasn't able to meet us. Ipapasa ko ang flash drive ko kung saan naroon ang zumba dance video ko.

Pagkatapos ko ro'n, dumiretso na ako sa may parking lot kung saan naghihintay sa'kin sina Ate Minerva at Kuya Ralph. Tutungo kami ngayon sa bahay sa Benedetta.

Dahil medyo mahaba pa ang biyahe namin, sinimulan ko nang tapusin ang ibang homeworks ko. So that when I am at home, my attention to my parents won't be divided.

It was already dark when we arrived. Nanay and Tatay were fixing the dining table.

This is what I missed more, ang kumain sa hapag kasama ang mga magulang ko at ang mga kasamahan namin dito sa bahay. Hinding-hindi ko mararanasang mag-isa.

The table were full of laughter, hindi nauubusan ng kuwento. Naudlot lang nang nagtanong si Tatay.

"Paano naman itong si Lyet, Mine? Ralph? May umaaligid ba?

"Ewan ko lang, Kuya Julius. Minsan nariring kong may kausap sa telepono. 'Honey' ang tawag." si Ate Mine na may nakalolokong tingin.

Kumunot ang noo ko, "Wala naman, Ate!" nag-isip ako kung sino iyon. "Ah! Oo nga pala! Si Hannie iyon. 'Yong nag-iisang anak na babae ng mga Rafael. Kaibigan ko po."

Hues And Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon