Chapter 3

0 0 0
                                    

My parents were waiting for me in the living room when I went home.

They apologized to me about it. Pero nagtatampo pa rin ako sa kanila.

"Anak, kanina pa kasi kaming alas tres ng Tatay mo rito sa unit mo. Isu-surprise ka sana namin. Kaso sabi naman ni Minerva, dumadaan ka muna ng mall bago ka umuuwi, kaya..."

That was the only explanation I heard from them. I know it's normal for them since they are married. Hindi ko lang talaga matanggap na natuklasan ko pa iyon!

Of course, I forgive them after. Pinahaba ko lang ang tampo ko para dito na sila magpalipas ng gabi.

Before they travel back in our home, they sent me to school the next day first. That was why I was so happy.

Papasok pa lang ako sa classroom, dinig ko na ang ingay ng mga kaklase. Pasimple naman akong nanalangin na sana huwag akong bwisitin ng ungas na Andrew.

My prayers weren't powerful enough, dahil inaabangan na pala ako ng bwisit at nakasandal pa sa hamba ng pintuan.

"Where's your book, cutie poorie? Naiwan mo yata." asar na pambungad niya.

Hindi pa siya nakuntento roon at talagang sinabayan pa niya ako patungo sa upuan ko.

I purposely left my books at home so that I could focus more on my parents. Big deal pala iyon sa lalaking ito. I kept ignoring him until he went back to his seat.

"My little cutie saw mommy and daddy making baby..." pakantang saad niya nang makaupo.

Namula ang pisngi ko. Bagama’t nagpaparinig, hindi naman kilala ng mga kasama niya kung sino ang tinutukoy niya.

Pilit ko na ngang kinakalimutan iyon, kaso itong lalaking 'to, pinapalala pa lalo.

Tulad ng tipikal na klase tuwing umaga, inaantok ang mga estudyante pagkatapos.

Palabas na sana kaming lahat ng classroom para sa lunch break nang humabol pa ang adviser namin dahil may importante raw siyang ia-announce.

Mr. Perez talked about the upcoming acquaintance party of the whole senior high school which will be held next month.

"Class, wala pang exact date ang party niyo. For more precise information, tingnan niyo na lang ang bulletin board sa may lobby. At doon nakalagay lahat ng detalye."

Maraming tao sa lobby nang makababa ako. The students are rejoicing for the upcoming event. I am not.

I saw the canteen's full, so I had no choice but to call Kuya Ralph to drive me in my condo.

"Ate Mine, uuwi po ako. Pahanda na lang po ng lunch natin." I called her on my way home.

I ate my lunch peacefully in my condo with Ate Minerva and Kuya Ralph. They asked me if I am going back home tonight since it's Friday.

Nanay and Tatay just went home this morning, so I probably would.

We had a shortened class in the afternoon. All of the senior high students were required to attend a general meeting in the gymnasium of the campus.

I gathered all my stuff at naghanda papunta sa gym. Someone snaked an arm around my arm kaya halos matumba ako sa gulat.

"Hehe. Hi, Julyeight!" it was... Hannah... I think. "Sabay na tayo pababa. Wala akong kasama, eh."

Ito 'yong maliit na babae sa room namin pero sobrang daldal. She has a pitch black shoulder-length hair na parang hindi nagagalaw kasi ganoon lang palagi ang ayos.

"Okay, H-Hannah. But please remove the arm."

Umirap siya, "How rude. It's Hannie, short for Rahania. And I'm gonna call you Jules." hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya sa braso ko.

I nodded, "Sorry I am not good with names. Please, your hand. Remove it." saad ko, medyo napipikon na.

"I see, you don't like a clingy friend, huh?" tinaasan pa ako ng kilay ng liit na ito.

On our way to the gym, she was just asking me random stuff, which I answered... shortly.

"Bakit ang tamad mong sumagot? Ano bang mayron diyan sa laway mo? Panay ka, 'Oo', 'Hindi'!"

She said with actions that's why I laughed at that. Namumula na siya ngayon na tila kamatis dahil sa inis.

Nanlaki ang mata niya, "Woah! Guys, nakarinig na ba kayo ng tawa ng isang dyosa?!"

I didn't expect that she will say that aloud. When I said, I am always alone in our classroom, I meant it. Umiwas ako sa kaniya nang lumingon na ang ibang kaklase namin sa kaniya.

At punyeta! Ang bilis naman akong nakita ng hinayupak na Andrew na 'yan!

Andrew jogged to where Hannie is. And behind her is me. Shocks!

"Hannie, honey! Paano mo siya napatawa?" nilingon niya ako, "I've been trying to make her happy, pero di 'ata effective ang charms ko, eh."

Kinurot ni Hannie ang tagiliran niya. "Siraulo ka, Drew. Huwag mo ngang inaasar si Julyeight!" then she stopped walking and waited for me.

Hinila niya ako mula sa siko at tumakbo. She's still holding me as we were looking for a seat. Marami nang tao mula sa ibang section at strand sa gym nang makarating kami.

May assigned seat ang  bawat section namin, at doon kami lahat, bawal daw ang kahit saan-saan uupo. Automatic absent.

Sa pinakaharap kami ng bleachers naupo ni Hannie. I can hear a lot of murmurs, complaining how hot the area is.

"Ngayon mo talaga malalaman na napapalibutan tayo ng demonyo rito, eh." Hannie said out of the blue.

"Ha? What do you mean?" nanlalaking matang tanong ko sa kaniya, Tatay said that this school was a cemetery before. "You can see ghosts?!"

She bursted out laughing due to that. "Tangina, Jules!" tumawa ulit siya. "Joke 'yon!"

"I'm sorry, sabi kasi ni Tatay dating sementeryo itong school."

"Kaya takot ka? Matatakutin ka pala sa mga multo." she paused to laugh again. "What I mean, di ba, mainit sa impyerno?"

I nodded slowly, medyo nage-gets na ang joke niya.

"Puta ang hot talaga ni Ynarez, oh!"

"Ang lakas ng loob ni Alejandro na umupo riyan sa STEM. Talagang hahamakin ang lahat, makapiling lang ang kaniyang minamahal."

The crowd went louder because of a sudden scene. I did not bother to look at it 'cause all I can here is the ungas' name. So, no way! Ew!

Nilingon ni Hannie ang nangyayari sa likod at nakiusisa.

"Ba't kaya balik nang balik 'yang si Andrew kay Gail? Eh, cheater naman 'yon."

"Mr. Ynarez! Come back here, or you will be absent in my class for one week?" it was Sir Perez.

Maya maya ay narinig ko nang pinagalitan si Andrew ni Sir. Buti nga!

"You sit in front. At huwag ka nang tatakas ulit."

"Yes, Sir!" he answered at doon ako bumaling sa kanila.

Naghanap si Andrew ng bakanteng upuan. Umiwas na ako ng tingin dahil masama ang pakiramdam ko ro'n.

"Ayon! Sir, doon po ako sa tabi ni Artemio. Hindi ko siya iiwan. Promise!"

With that, I blushed so hard. Oh, please, shut up. I am supposed to hate you.

Hues And Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon