01

46 5 10
                                    

Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin nang buksan ko ang pintuan ng bahay namin. Pulang-pula ang mukha at tainga ni Ante Jessie, halos pumutok na ang ugat sa leeg sa sobrang galit.

Nalalasahan ko ang dugong namumuo sa labi ko, masakit pero nanatili akong tahimik.

"Anong nabalitaan kong may boyfriend ka na raw?" makikita ang pagkadismaya at galit sa kanyang mga mata.

Ang babaw ng dahilan sa tingin ng iba para ikagalit ang ganyang bagay pero dahil nasa probinsya kami at natural na may galit sa akin ang kamag-anak ko kaya ganito na lang nila ako pagalitan. Natural lang.

"Sumagot ka! Tinatanong kitang malandi ka!" dinuro-duro ang noo ko.

Napayuko ako sa pangalawang beses na lumapat muli ang kamay niya sa pisngi ko. Gusto kong mangatwiran pero hindi ko ginawa.

Ayoko kong magsalita. Wala namang mababago nasaktan niya na ako. Magpaliwanag man ako o hindi sarado pa rin naman ang isip ni Ante sa mga sasabihin ko. Kaya wag na lang.

"Ha! Ano Nya! Tutulad ka na rin sa Nanay–" I cut off what she was going to say.

"Hindi ako siya" buong tapang kong sagot, diretsong tumingin sa mata niya.

Ikumpara na niya ako sa lahat wag lang sa taong kinamumuhian ko. Magkamukha lang kami pero magkaiba kami. Hinding-hindi ko tatahakin ang daan niya at kailanman man hindi ko susubukan iyon.

"Aba't–" She was about to slap me again when a strong arm stopped her. It was Uncle Ben, my Aunt Jessie's husband. Mukhang kagagaling lang mula sa trabaho.

"Mamaya na yan" tumingin sa akin "May lalaki sa labas, boyfriend mo daw Nya" madiin ang pagkakasabi nang bitawan niya ang braso ni Ante Jessie.

Napalunok ako marahas sa kakaibang tingin ni Uncle Ben. Hindi ko gugustuhin pangalanan sa paraan ng pagtingin niya kaya naman dali-dali na akong lumabas ng bahay.

Napahawak ako sa dibdib ko sa lakas ng tibok nito.

"H-hi? Rio, right?" pilit kong huwag ipakita na kinakabahan ako sa maaaring mangyari.

Tumango ito. "Ayos ka lang?"

Hindi...hindi ako okay

Gustong-gusto kong isagot sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong maging kaawa-awa dahil lang sa hindi ako ayos.

"Anong ginagawa mo dito?"

Hindi ko na kasi siya nakita ng mag-uwian kanina. Matapos ang nangyaring kahihiyan sa mga taga-Stem ay umalis na kami. Hindi na naman ako tinanong ni Anne habang sina Gwen at Renn naman ay pumasok na sa kanya-kanyang nilang klase kaya hindi na napag-usapan.

Napa-ayos ng tayo ang kausap ko.

"Tinakbuhan mo kasi ako kanina" ramdam ko ang pilit niyang pagtawa "Kaya naman nagtanong-tanong ako kung saan ka nakatira" napakamot sa kanyang batok.

"Tinakbuhan kita dahil ayoko sayo. Masyado mong sineseryo Yung relasyong hindi naman dapat. People around us against to this relationship so, let's break up." mabilis kong desisyon. Walang pag-aalinlangan.

Mukhang nagulat ito sa dire-diretso kong sabi.

"A-ano? Bakit? Wala naman ganyangan Nya."

"I don't know—maybe I'm the problem or it's not me you meant to be" kibit balikat kong sagot na ikinakunot ng noo niya.

"Wow! Sabi mo mahal mo'ko kaya bakit ganito na tayo?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"I did" tumawa ako ng mapakla "Because you said you loved me. And there are more important things than you" I said before I left him dumbfounded.

Glitter of the Rain (Childhood Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon