03

21 5 0
                                    

Hindi madali ang maging mahirap. Imbis na magpahinga pagkagaling sa school ay maghahanap kung saan pwede magtrabaho. Iisipin kung saan kukunin ang pera para sa pag-aaral lalo sa tulad kong wala ng magulang para tustusan ang pag-aaral ko. It's not enough that we rely on Ante Jessie, but we'll find that they are allowing us to settle down here for free.

"Ate Nya?"

"Bakit?" inangat ang tingin ko sa pintuan. Nakasilip ang ulo ni Ejay habang si Kuya Ayan ay nasa likod lang niya.

Nakangiting tumakbo sa akin kasabay ang mahigpit niyang pagkayakap sa binti ko. Tumatawa naman akong ginulo ang buhok ni Ejay.

"Bakit?" napakamot si Kuya Ayan sa kanyang kilay.

"Ikaw muna ang magbantay sa kanya may bibilhin lang ako" sabi niya.

Sabado ngayon kaya dapat siya ang mag-aalaga kay Ejay.

"Sige. Mamaya pa naman ako aalis"

Pumayag na rin ako dahil tapos ko na rin naman gawin ang mga bilin sa akin ni Ante Jessie. Hindi naman malikot si Ejay kaya makakapag-aral  rin ako.

"Ate. Color ako" nakangiting binigay ko naman sa kanya ang coloring book.

Ilang oras kami sa kwarto ko, napaliguan ko na rin siya ngunit hindi pa rin nakakabalik si Kuya.

Sabi may bibilhin lang bakit ang tagal naman.

Nilinis ko na lang ang mga kalat ni Ejay sa sahig habang hinihintay pa rin ang pag-uwi ni Kuya Ayan ngunit natigilan ako sa nakitang papel. Drawing ni Ejay.

Si Kuya, Papa, ako at siya ang nandoon na magkakahawak ng kamay. Nakapaloob sa bahay may nakasulat na alam mong bata ang sumulat dahil sa itsura ng pagkakasulat.

Pamilya

Pamilya. Isang salita lang pero malaking bagay na para sa akin.

Maayos naman ang pagkakakulay kahit lagpas ang iba kaya lang may kulang.

Wala si Mama.

I don't know what should I say. He didn't draw his mom.

Galit ako. Oo pero ayokong makalakihan niya ang ganun kasi hindi madali. Mahirap at lalong masakit ng may kinikimkim kang galit sa magulang.

Pinasadahan ko ulit ng tingin bago itinuloy ang pagliligpit ko. Mamaya ko na lang siya pagsasabihan kapag nakauwi na ako.

Tanging simple beige t-shirt lang yata pantalon ang suot ko. Inayos ko na rin ang pagkakatali ng buhok ko para madali na lang ilagay ang hair net kapag nasa trabaho na ako.

Tumingin ako sa orasan.

'3:20 pm'

Ilang minuto na lang at mala-late na ako dahil hanggang ngayon wala pa rin ang si Kuya.

Gaano ba kabigat ang binili niya kaya siya natagalang ng mahigit tatlong oras?

Sinamaan ko ng tingin ang pinto at duon ibinunton ang inis. Hindi dapat ako malate dahil sabado ngayon. Maraming dapat gawin sa trabaho kapag weekends.

Bumukas ang pintuan kaya mas lalong sumama ang tingin ko. Napatigil sa pagsipol si Kuya ng mapansin niya ang tingin ko.

"Bakit?" hindi ako sumagot. Unti-unting lumapit sa kanya na mas lalong ikinakulo ang dugo ko.

Mabilis ko siyang kinapitan sa tainga saka hinila palabas para hindi magising si Ejay sa lakas ng boses siya. Bakla yata 'to?

"Aray! Ano–aray tama na!" binitawan ko na ang tainga niya nang makuntento ako. Pareho kaming nagsamaan ng tingin. Walang gusto magpatalo.

Glitter of the Rain (Childhood Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon