I can hear my heart beating fast. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang namumulang mukha ko sa mga kaklase ko. Nag-follow lang naman siya sa akin kaya bakit ganito na ako? Ang oa ko!
He had a thousand followers kahit na mabibilang ang mga post niya. Tapos ako? Ako na mas marami ang post kesa sa followers.
Mabilis kong naitago ang cellphone ko nang pumasok ang subject teacher namin. Kahit nasa klase hindi ko maiwasang maisip si Archie. Ang simple lang naman ng ginawa nya kaya bakit ang laki ng epekto nun sa akin.
"Ms. Montoya, are you listening?"
I automatically stand up. "Sir"
My classmates laughed. I bit my side cheek. Nakakahiya ako.
"If you don't want to listen in my class the door is open for you"
I shake my head. "No Sir"
He raised his eyebrows. "Okay. Now sit back and listen if you don't want me to get out of yourself"
Naging maayos naman ang takbo ng klase ko. Pwera na lang sa ako ang pinag-iinitan ng teacher namin. Kaurat.
Hinintay ko munang makalabas ang lahat bago ako. Normal lang ang paglalakad ko sa corridor. Nasa hagdan, sa gilid na may railings kaya kita mo sa taas ang papaakyat.
Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway ng makita si Archie at yung babaeng nakabunggo ko, Hazel.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit otomatikong napabalik ulit ako sa paglalakad at nagtago sa loob ng classroom na nadaanan ko. Ewan ko pero para kasing isang malaking pagkakamaling makita nila ako.
Pigil hininga ang ginawa ko para lang hindi nila malaman na may iba pang tao bukod sa kanila.
Tanging boses nila ang maririnig ko. Nag-e-echo pa kaya kahit malayo na sila ay rinig mo pa rin.
Nanatili pa rin ako duon para kahit papaano mahimasmasan ako.
Bakit ba kasi ako nagtatago?
Tahimik na sa labas kaya dahan dahan ang lumabas. Kahit ang paghakbang ay pinipilit kong wag makagawa ng ingay.
Nakayukong nakatingkayad ako pababa ng may mabunggo akong bagay.
"Nya?"
Kung hindi lang ako nakahawak sa railings ng hagdan ay paniguradong nahulog na ako.
"A-archie" humigpit ang kapit ko sa laylayan ng uniform ko. "Anong ginagawa mo dito?"
Napalingon ito sa paligid. "I forgot something. Ikaw?"
"Ahmm" kinutkot ko pa ang damit ko sa kaba "Nag ano nag- nag-cr ako oo tama nag-cr. Para magbawas, alam muna"
Naguguluhang nakatingin lang ito sa akin. "Ha? May cr dito sa taas?"
"Oo duon" itinuro ko sa kanya ang parte ng restroom malapit sa amin na ikinatango niya lang.
"Sige. I have to go please wash your hands and sanitize" saka ako iniwan. Napanganga ako sa bilin niya.
Hindi ko pa rin naibababa ang kamay ko nang lagpasan ako nito. Tangina.
"Ano ba naman Nya" napasabunot ako sa inis.
"Nag-cr? Seryoso ba?"
Naguguluhan na ako sa sarili ko. I don't know what do I call to myself. Kung hindi ba naman lutang at bakit iyon ang naging dahilan ko.
Anong klaseng palusot yun?
Kanina pa ako tinititigan ni Anne. Mukhang naguguluhan na sa akin kakabulong ko.
BINABASA MO ANG
Glitter of the Rain (Childhood Series #1)
RomanceCHILDHOOD SERIES 1 When I met her it feels like everything was going to be okay. I'm happy because of her. I love the way she makes me feel. Just her and only her. I never find a woman like her again. It was beautiful to see her smile despite the pa...