CHAPTER 1

14 2 0
                                    

CHAPTER 1

"Isabella Margarette Reyes, with highest honor..." rinig ko ang palakpakan ng mga batchmates ko at may pagsipol pa ang isa sa mga kabarkada ko nang tawagin ang pangalan ko sa stage.

Yun oh honor student na naman ang ate mo girl kahit puro kaplastikan ginawa ko ngayong taon. Todo ngiti ako habang naglalakad patungo sa teacher ko na alam kong inis sa section naming.

"Congratulations Ms. Reyes...." sus plastic.. CHAROT!

"Thank you po ma'am!" sagot ko habang inaabot ang sertipiko na hawak nya.

-

"SA WAKAS! GRADUATE NA TAYO AAAAHHHH!" napahawak ako sa tenga ko dahil sa sigaw ni Lelang, isa sa mga kabarkada ko.

"Ate nyong Isa with highest honor na naman kina-career ang pagiging anak sa kuto ni Einstein" at nagtawanan sila dahil sa sinabi ng baklang si Jed.

"Siraulo ka! anak ako ni Romina, hindi kuto ni Einstein!" inayos ko pa ang buhok ko dahil ginulo-gulo nila, ang ganda ganda ng pagkakaplantsa ni mama dito e tsk.

"Baka ikaw talaga bes ang tunay na Mondragon! HAHAHAHAHA" another tawanan na naman dahil sa baklitang 'to, inirapan ko na lang sila at nagdiretso kay mama at sa mga kapatid ko na naghihintay sa may gate ng school.

"ATE!"

"ANAK!" kumaway kaway ako kina mama habang tumatakbo patungo sa kanila. "Oh ano kumusta? naimbita mo ba sina Angelique para sa tanghalian mamaya?" ay shuta oo nga pala!

"Ahh hindi po e hehe.." sumama ang timpla ng mukha nya habang nagkakamot naman ako ng ulo "pero itetext ko po sila! Sasabihin ko pumunta mamaya, arat na mader" narinig ko ang tunog ng pag-ngiti nya habang nagdiretso naman ako sa paglalakad dahil magluluto pa kami.

"Alam nyo bang honor student daw yang anak ni Romina?" hay jusko heto na naman sila, mga marites.

"Naku oo mare! Pakiramdam ko kasintahan nya yung isa nyang guro kaya nakapasa!" kadiri naman po..

"MAKIKIRAAN PO! LALAMPAS NA PO YUNG PINAG-UUSAPAN NYO THANK YOU!" sinadya ko talagang lakasan ang boses ko at ipaalam sa kanila na naririnig ko ang mga kadugyutan nila. Napatungo sila nang marinig at makita ako, huh kala nyo ha.

Pagkadating naming sa bahay nagsimula na kaming magluto ng spaghetti at syempre pansit na pang-pahaba daw ng life.

'May pagkain kayang pang-pahaba ng pasensya? Maikli pasensya ko e hays..'

"Ma..."

"Oh?"

"Sa Manila na ako magco-college..." narinig ko ang paghinga ng malalim ni mama, una pa lang talaga ayaw nya na akong papuntahin sa Manila. Ayaw nya daw kase wala namang mag-aalaga sa akin dahil wala kaming ni isang kamag-anak doon at pangalawa, masyado daw delikado lalo na kaka-19 ko pa lang noong December, baka daw mamatay sya sa pag-aalala kapag lumuwas akong mag-isa.

"Bakit ba kailangang sa Maynila, Margarette?"' jusko po, second name na itinawag sakin kelangan ko nang magdasal huhu' tumikhim muna ako bago ko sinagot ang tanong nya...

"Ma, kase doon pwede akong magtrabaho tapos malaki pa ang tyansa na magandang unibersidad ang mapasukan ko don lalo na at magaganda naman ang grades ko tapos honor student pa, pwede akong maging scholar ma.." napaluha ako ng konti pagkatapos kong magsalita, punyetang sibuyas 'to.

Napatigil naman si mama sa paghahalo, tumingin sya sa akin at kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha at mga mata nya, 'mahal na mahal nya talaga kami..'

Loving the Star (On-going)Where stories live. Discover now