CHAPTER 2

12 2 0
                                    

CHAPTER 2

"Gusto mo ba?" napatingin ako kay Allan na nasa tabi ko ngayon sa loob ng sasakyan, papunta na kaming Maynila ngayon at inaalok nya ako ng pringles na hawak nya, marahan naman akong tumanggi dahil nakakahiya.

'hindi ko pwedeng ipahalata na favorite ko yon at nung isang araw pa ako nagca-crave non noh!'

"Have you been in Manila before?" tanong nya ulit.

"Ahm yes? I think? but I was just 4 or 3 years old nung pumunta kami..." natatandaan ko yon, sabi ni mama sa akin noon pupunta daw kami ng Maynila para bisitahin ang papa ko pero hindi ko matandaan kung nakita nga ba namin sya.

Hay naalala ko na naman tuloy si mama andami dami nyang ibinilin sa akin bago kami umalis, kulang na lang pati paghinga ibilin nya.

"Oh mag-iingat ka doon ha? wag kang magpapaulan tapos yung mga gamit mo palagi mong iingat, wag mong kakalimutang uminom ng tubig tapos kapag may problema wag kang magdadalawang isip na tumawag, susunduin agad kita---" natawa ako sa bilin nya kaya napakunot ang noo nya sa akin.

"Hindi pa nga ako nakakaalis parang gusto nyo na akong pauwiin..." napatawa din sya pero niyakap ako kalaunan.

"Pero mag-iingat ka nga doon ha? isipin mo na lang na palagi kaming nakasuporta sayo dito sa probinsya..." pinigilan kong maluha bago ako umalis dahil baka hindi na ako payagan ni mama kaya nakangiti akong nagpaalam sa kanya at patuloy syang kumakaway sa akin hanggang sa mawala sya sa paningin ko.

"Hey..." napamulat ako nang tawagin ni Allan ang pangalan ko 'nakatulog pala ako?' "We're here, let's go eat..." 

Sumama ako kay Allan palabas ng van, nasa parking kami ngayon ng isang sikat na fast food. 

'Wow, ngayon lang ulit ako nakapunta dito ah? may dalawang taon na ata akong hindi naggaganito...'

"What's your order?" umorder lang ako ng rice and chicken at burger, hindi ko pwedeng gastusin ng gastusin ang pera na binigay ni mama at ang ipon ko, mahirap na.

Tahimik lang akong kumain habang nag-uusap si Allan at ang pamilya nya sumasagot kapag tinatanong at pagkatapos ay kakain uli na parang hindi ako nag-eexist sa lamesa nila. 

"Uy! magkano babayaran ko sayo?" tanong ko kay Allan habang pabalik kami ng van, tapos na kaming kumain at babyahe ulit kami papunta sa bahay nila, doon na kami maghihiwa-hiwalay.

"It's on me, libre ko na sayo." ngumiti sya ng matamis sa harap ko.

'na-ah di na ako marupok, self pigilan mo!'

Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya, nagpatuloy kami sa pagbabyahe hanggang sa bahay nila gabi na rin kami nakarating at pagod na halos kaming lahat. Hangang hanga ako dahil ang laki pala ng bahay nila dito! Bumili lang sila ng may kalakihan ding bahay sa probinsya pero hindi ganitong kalaki! Nagmukha tuloy akong bangag dahil titig na titig ako sa harapan ng bahay nila.

"Allan, why don't you invite your friend for dinner?" napalingon ako kay tito dahil sa sinabi nya.

"Do you know someone here that you can stay for a while?" umiling ako sa tanong ni tita dahil wala nga pala akong matutuluyan!

"You can stay with us for the mean time, we have guestrooms naman and it's pretty spacious, you can stay until you find some apartment or dorm." lalong nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ng mama nya!

"N-naku hindi na po! ayos lang po!" they gave me a smile of assurance, it's like they are telling me that it's okay. 

"Just accept it Isa, I will help you find a dorm or apartment na affordable na malapit sa school na papasukan mo para hindi hassle..." sino ba naman ako para tumanggi diba?

Loving the Star (On-going)Where stories live. Discover now