Chapter 4

12 7 1
                                    

(Eli's POV)

Nagising ako ng tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. "Panibagong araw na naman." bulong ko sa sarili ko at tumingin sa orasan. 8 am palang limang oras lang ang na i-tulog ko. 

Bumaba na ko pero bigla akong nakarinig ng mga boses."Tarantado ka pala sebastian eh. Hindi mo naman mahal diba? iwan mo na siya!" Boses iyon ni Kevin. Dumungaw ako ng kaunti at nakita kong nakaupo na sa sahig si Sebastian. 

Kaya dali-dali akong tumakbo. "Kevin!" sigaw ko para makuha ang atensyon nila. Nakita ko ang pagpalit ng emosyon sa mata nito na kanina ay galit na galit at ngayon ay malumanay na. "Bat mo siya sinuntok?!" Sigaw ko at tinulungan tumayo ang asawa ko.

 "because he deserve my punches Elizabeth." aniya at casual na tumayo. May sugat din sa sa labi, ano 'to? nagsuntukan sila?! 

"Ano kayo?! bata? Kevin umuwi ka na at magpatulong na gamutin 'yang nasa labi mo. Ingat ka, tawagan mo 'ko kapag nakauwi ka na." aniya ko at tumalikod. Paakyat na kami ng narinig ko itong nagsalita.

"Oo, nangako akong hindi ko siya sasaktan pero hindi kaya ng kamao ko na hindi masuntok 'yang asawa mong walang kwenta. Atleast, masasabi 'ko na naipaghiganti ko ang kapatid ko. Alis na 'ko." ani nito at nagsimula ng lumakad palabas. "Sebastian, tandaan mo 'tong sasabihin 'ko. Willing akong makulong kapag napatay kita." aniya at pinaharurot na ang motor nito.

"Sorry kev.." bulong 'ko na alam 'kong ikinalingon ng asawa ko. Hindi ko na lamang pinansin at inakay ang asawa ko papasok sa kwarto nitong makalat.. nagkalat ang condoms and underwears ng babae nito, si Maya. .Mapait akong ngumiti at inihiga ang asawa ko sa kama nito. 

"Wait lang, k-kunin ko yung first aid k-kit" utal-utal na saad ko dito. Tumango lang ito at ipinikit ang mata niya. Umaasa ako na magsasabi ito ng thank you mamaya. Kinuha ko na ang first aid kit, panglinis at isang maliit na palanggana.

 Bumalik na ko sa kwarto niya at sinimulan ng linisin ang mga sugat at pasa nito sa mukha at iba pang parte ng katawan niya.Natigilan ako sa paglilinis ng sugat niya ng magsalita ito. 

"Hindi ka ba talaga susuko saakin liza?" Ngumiti ako dahil tinawag niya ulit ako ng liza. Siya lang ang tumatawag saakin na liza dahil lahat ng kilala at magulang ko ay tawag saakin 'eli' 'eliza' o 'elizabeth'. 

"H-hindi" sagot ko kahit pigil ang pag piyok ng boses ko. Napabuntong hininga ito at hindi na lamang ako pinansin.

Nang matapos ay sinabi niyang matutulog siya at hahayaan niya kong linisin ang mga dumi sa kwarto niya. Habang naglilinis ako ay nakita ko ang picture frame na nasa sahig. Nagkalat ang mga bubog marahil ay sa pagkakabagsak nito. Pinulot ko iyon at laking gulat ko na ako pala iyon. Hindi masama ang mga ganun? ang sabi ng matatanda kapag nabasag ang isang frame may mangyayaring masama sa taong nasa litrato? wala naman siguro. 

Baka nahulog lang diba? Praning lang talaga ako. Habang pinupulot ko ang mga underwears ay nakita ko ang isang kortina na nakasabit sa dingding. Para bang may nagtulak saakin na tignan iyon kaya tinignan ko iyon at hinawi ang makapal na kurtina. Sumilay ang ngiti sa labi ko.

"Hindi mo pala tinapon ito.. akala ko tinapon mo. Sa ganito kasimpleng 'paraan' ay natutuwa ang puso ko, Seb." aniya ko. Hindi pabulong iyon at hindi pasigaw. Normal lang na baka sakaling marinig niya kaso natutulog na ito. 

Umupo ako sa isang mini chair niya at pinagmasdan ang portrait. Nakangiti kaming dalawa.. eto yung araw na nagbago siya ang kasal namin."Sa susunod na biyernes pipirmahan ko iyon. Sana masaya ka dahil pwede mo ng ipakilala si Maya kila mama at papa (parents ni seb). Pwede ka na rin ikasal at hindi niyo na kailangan magtago sa mga tao. Palihim na magde-date. Oo, seb alam ko lahat sabi k-ko naman sayo s-stalker mo ako." aniya ko at tumayo na para isara ang kurtina at naglinis na. Kinumutan ko muna ng maayos si sebastian at lumabas. Sana sumaya kayo.. lalo na ang parents ko. Sana mahalin at bigyan niyo 'ko ng atensyon na hinahanap ko.

Her giftWhere stories live. Discover now