Chapter 1

19 7 0
                                    

(Her pov)

"Sebastian, anong gusto mong gift sa Birthday mo?" kabadong tanong 'ko sa aking asawa. Napatingin ito sa'kin at binigyan ako ng matalim na tingin pero hindi ako nagpatinag.

"Your existance, gusto kitang mawala na parang bula. Hindi ko gusto ang presensya mo." biglang sagot nito na naging sanhi ng pagkadurog ng puso 'ko. Ganun na lamang ba ang galit niya sa'kin? Tumango na lamang ako at umalis na sa harap niya dahil naaasiwa siya kapag matagal akong nandoon at nakaharap sakaniya.

Dalawang linggo na lang ay birthday na ng asawa ko kaya naman ay pumasok na 'ko sa kwarto 'ko at tinawagan ang kilala kong gumagawa ng cakes.

"Hi kevin, Favor naman oh"

"Sure ano yun?"

"Ahm, ano, I need cake kase next week, Friday. It's Sebastian's 27th birthday gusto ko kulay nung fondant parang gold na may silver. Gusto ko yung makinang ayoko ng plain. I will pay you naman kevin kaya pretty pleaseee?" pakiusap ko. Narinig ko 'tong tumawa sa kabilanng linya.

"Sa kabila ng lahat ng ginawa niya nakuha mo pang mag celebrate? Eli, seriouslsy?" Hasik nito sa'kin and I even hear him 'tsk'.

"Don't be mean. Isang araw lang sa isang taon magka-birthday 'no. Dali na babayaran naman kita bukas. Pupunta ako diyan." pangungulit ko rito. I heard him sigh means payag na siya!

"Yeah yeah. Let's talk about your ideas tomorrow. Call me if you need anything." ani nito and he ended the call.

Kinuha ko ang mga painting materials ko at inayos ito malapit sa bintana. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang nag-iisang picture naming mag-asawa na magkasama, nakangiti siya at nakangiti ako, malaking pasasalamat ko sapagkat hindi seryoso ang mukha nito. Nagsketch muna ako at ng matapos ay sinimulan ko na ang pagpipinta.

Nang mapagod ako ay iniligpit ko na ang mga gamit ko na nakakalat at nagpahinga na. 

Nagising ako sa isang kalabog. Napabalikwas ako ng marealize ko ang kalabog na iyon ay nang gagaling sa pintuan ng kwarto ko.

Napatingin ako sa wall clock ko, shit! Late ako na gising, buiset.

Agad-agad kong binuksan ang pintuan at nakita ko ang isang demony- hehe si Sebastian.  Galit at nakakunot ang nuo nito.

"bakit hindi ka pa nagluluto babae?!" bulyaw nito kaya napakamot nalang ako sa batok ko at yumuko. 'bat kase hindi ako natulog agad kasalanan din naman niya lagi ko kayang iniisip 'yang tukmol kong asawa.

"ah eh ano kasi.." magpapaliwanag ko ng bigla itong umalis kaya itinikom ko nalang ang bibig ko at pinusod ang buhok kong napaka gulo.

Nang makarating kami sa kusina ay agad-agad kong inilabas ang itlog at ham na paburito niya. Nilito ko na ito at nagsangag ng kanin. Bakit walang katulong? wala ayaw niya eh letse siya.

Nang matapos ako ay agad kong inihain ang mga niluto ko sa hapag kainan. Agad akong tumakbo at nagtimpla ng kape niya.

"you may go now" ani nito at kumain na. Letse naman oh! gutom na din ako hmpk!

Umakyat na lamang ako at pumasok sa kwarto ko. Sino nga ba ako? Ako si Elizabeth Sy. Ang alalay at ang asawa ng isang sikat at mayaman sa Pilipinas kundi si Sebastian Sy.

'Bat ko nga ba pinakasalan iyan? Nangailangan ng tulong ang kumpanya namin kaya lumapit ako sa Sy Company. Um-oo sila sa proposal ko ngunit ang kapalit ay ang magpatali ako sakanya. Sa nagdaang dalawang taon. Laging ganito ang set up buti nga at hindi niya ko pinagbuhatan ng kamay ngayon dahil late ako nagising dahil madalas ay sasabunutan at sasampalin niya ko.

Sa nagdaang dalawang taon minahal ko si Sebastian kahit na ganun siya alam kong may kabutihan ang asawa ko, shy type lang talaga 'yan

Hays, tama na ang kwento basahin nalang ninyo ang mangyayari saakin.

Bumaba na ko dahil baka tapos na si Sebastian at baka ibalibag na naman niya saakin ang mga hugasin.

Napabuntong hininga na lang ako at dali-daling pumunta sa kusina. Nakita ko ang asawa ko na nakangiti habang may kausap sa telepono. Tumatawa ito at ang mga mata nito ay kumikinang na para bang in love na in love ito. Hindi ko namalayan na napapatagal na pala ang titig ko sakanya kaya tumingin ito saakin at agad naman akong yumuko at kinuha ang mga pinagkainan na plato nito sa lamesa.

Habang hinuhugasan ko ito ay nabigla ako ng maramdaman ko ang presensya nito sa likod ko.

Nagpaggap ako na hindi ko alam na naduon siya. "Eli, hindi ka ba napapagod?" biglang tanong nito na ikinalamig ng buong katawan ko. Ngayon ko lang narinig ang boses niyang malumanay at hindi malamig. Normal na boses ngunit walang mababakas na emosyon doon.

Ngumiti ako bago sumagot hindi naman niya nakikita na nakangiti ako hindi ba?

"hindi ko alam, sebastian but if one day that.." sagot ko at inilagay na sa dapat paglagyan ang mga ginamit kanina. "I get tired of hoping and loving you. Let me go, i don't care if you realize that I matter to your heart." Mamaya pa ko kakain dahil pinagbawalan niya kong kumain kapag naririto siya sa bahay.

"tss, umasa ka." iyon na lamang ang naging sagot nito at pinagbuhatan ako ng kamay.

Hinila niya ko sa buhok at kinaladkad papunta sa living room at ibinalibag na parang sako sa carpet. Napadaing ako dahil sa sakit ng balakang ko.

"KAILAN KA BA SUSUKO HUH ELI?!" biglang sigaw nito at sinampal ang kaliwang pisngi ko at naging dahilan ng pagkamanhid nito.

"Masakit sy!" lakas loob kong sagot dito. Napamaang at nagtiim bagang at tinadyakan ako sa tiyan dahilan upang umiyak na ko.

"magsasawa ka rin sa'kin, eli. Pipirmahan mo rin ang divorce paper natin" ani nito at tuluyan na nito akong sinaktan. Sa dami yata ng sampal at suntok ay wala akong naramdaman kundi ang kirot ng puso ko.

Nang magsawa ito ay iniwan niya ko sa sala na nakahiga at naliligo sa mga sugat ko na may dugo. Nalalasahan ko na ang dugo sa bibig ko dahilan siguro ito sa pagsampal niya.

Ngumiti na lamang ako.. Isang mapait at malungkot na ngiti ang pinakawalan ko at tumingin sa kisame. Hinding hindi ko pipirmahan iyon dahil hindi ko pa balak. Secret na nga lang baka sabihin niyo pa sakanya. Sayang ang suprise ano!

Hindi ko namalayan na nilamon na ko ng antok at sakit ng katawan.

Her giftWhere stories live. Discover now