Chapter 2

15 6 0
                                    

(Eli's Pov)

Nagising ako na masakit ang katawan ko. Pagmulat ng mata ko ay nakita ko lahat-lahat ng pasa ko sa katawan. Napangiti ako ng mapakla dahil nakahiga pa din ako sa carpet hindi man lang niya ko inilipat? umaasa ako kahit papaano.


Tumayo ako na masakit pa din ang balakang ko. Buiset, ang sakit! kahit masakit ay pinilit kong umakyat papunta sa ikalawangpalapag.


"shet,  ang sakit."bulong ko sa sarili ko at naglakad papunta sa kwarto ko. 


Nang makarating ako ay agad akong naligo at ginamot ang mga sugat kong may tuyong dugo. Nilagyan ko ng concealer ang mga pasa ko na match naman ang skin tone ko.

Tinignan ko ang sarili ko parang walang nangyari sakin kanina lang. Tinignan ko ang wall clock. Tae, 2 pm na!

Dali-dali akong bumaba at nagluto ng pagkain niya. Nag-iwan din ako ng sulat na aalis lang ako at may bibilin. Naalala ko kase na sinabi ko kay Kevin na magbabayad ako.Ngayon na lang sinet ang pagkikita namin para makapag-plano ako ng party para sakaniya.


Nang makarating ako sa shop ni Kevin ay binati ako ng guard nila dahil pamilyar na ang pagmumukha ko rito.


"Lesley, nasaan yung boss mo?" tanong ko dun sa kahera nila. "ay ikaw pala ate eli. Nasa office niya po" ani nito. "thank you" saad ko at ngumiti. Tinungo ko ang office ng kaibigan ko na para bang ako ang may-ari nito.


Kumatok ako ng tatlong beses. "Come in," the person said who is behind this door.


Kaya naman agad akong pumasok. "Hi kevin." bati ko at nang makalapit ako ay agad niya kong niyakap. Pinipigilan kong hindi mapadaing dahil yung mga sugat ko kumirot dahil nga bago pa 'yong iba.


"ahm, bitaw na kevin. I-i cant breath" pag-iinarte ko kaya kumawala na ito sa yakap."maupo ka" alok nito kaya umupo na ako. "napadaan lan-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng maputol iyon dahil sa sinabi nito.


"eli, sugat ba 'yan?" ani niyo at hinawi ang buhok ko. Dahilan upang makita niya ang sugat ko sa kaliwang pisngi ko. hindi ko matakpan iyon ng maayos dahil sa bago at namumula pa kaya idinaan ko na lang sa pagtatago gamit ang buhok ko.


"a-ano hin--" hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko. "Sinong may gawa niyan?" malumanay ngunit bakas sa boses nito ang pagtitimping nagtanong. Hindi ako makasagot sapagkat para akong napipi at walang salita o tamang salita na umiikot sa aking isipan. Yumuko na lamang ako at pinipigilan 'wag maiyak.


"HINDI KA BA SASAGOT HUH, ELIZABETH GLAIVE?!" biglang sigaw niya. Iyon ang pangalan ko noong dalaga pa 'ko.


"a-ano lang naman 'to k-kevin.. May hindi lang kami pagkakaintindihan"

"ako ba niloloko mo?"

"hind-"

"at sa'kin ka pa nagsinungaling?"

"alam kong mali kaso anong magagawa ko? mahal ko 'yong tao, Kevin." nakayukong sagot ko rito. Rinig ko ang sunod-sunod na paghinga nito animo'y pinapakalma ang sarili.

Her giftWhere stories live. Discover now