Pagkadilat ko'y bumungad sa akin ang isang puting kisame dahilan upang maalarma ako't mabilis na tumayo mula sa malambot na kumot. Ngunit pagkatayo ko ay biglang sumakit ang ulo ko't umikot ang paningin ko kaya umupo muna ako sa kama.
Habang nakaupo ako ay pinagmasdan ko ang buong silid. Walang masyadong mga gamit ang narito, tanging kama, cabinet, lamp at isang maliit na lamesa lamang ang nandito. Sa isang maliit na lamesa ay masaya akong nakita ang cellphone kong may wasak na.
Agad ko itong kinuha at tinignan ang signal, sa wakas meron na. Agad kong dinial ang numero ni mama na nag ring naman kaagad. Nag antay ako ng ilang sandali ngunit walang sumasagot sa kabilang linya. Inulit ko uli ang pagtawag at nag antay ng ilang sandali ngunit 'cannot be reach' agad ang bumungad sa tenga ko kaya yung numero na naman ni Kellia ang sinubukan ko. Pagkaring nito'y agad sinagot ng kabilang linya.
[Wtf?! Sino ba to? Dinidisturbo mo ako!] sigaw nito kaya inilayo ko ng kaunti ang cellphone sa tenga ko bago sumagot.
"Kellia ako to" masayang saad ko na biglang ikinatahimik ng kabilang linya. "Kellia nandyan ka pa ba?" tanong ko pero hindi ito sumagot. "Kellia?" ulit ko.
Ibababa ko na sana ang tawag ng bigla itong nagsalita. [Gosh, i thought you're already dead, sayang naman] sabi nito na ikinadurog ko.
"Kellia, wag ka naman munang magalit sa akin oh, kailangan ko ng tulong mo ngayon. Hindi ko alam ang address ng bahay natin..."
[Natin? Are you sure? O baka bahay namin] pakahulugang sabi niya.
"Please, Kellia kailangan ko ng tulong mo" pagmamakaawa ko.
[As if naman tutulongan kita no? No way!] parang nandidiri ang tono ng pananalita niya.
"Kellia..."
[Gosh, i will end this non sense conversation, you're just wasting my time!] sabi niya at agad naputol ang linya kaya napahagulhol nalang ako.
Bakit ganito ang trato nila Mama at Kellia sa akin? Pamilya ko naman sila di' ba... Baka nakakadiri na talaga ako tulad ng sabi nila ano? Kung buhay pa kaya si Papa, magiging ganito pa rin kaya ang trato nila sa akin? Kung hindi ako ang dahilan ng pagkamatay ni Papa, magiging ganito pa rin kaya sila sa akin?
Napahagulhol ako ng malakas sa mga pumapasok sa utak ko. Ayaw nila akong tulongan makauwi, magiging katulad nalang din ba ako sa mga taong kalyeng nadadaanan namin?
Napapunas ako ng luha ko at napaupo ng tuwid ng makarinig ako ng tatlong katok. Hindi na ako nagabala pang pagbuksan iyon dahil kusa rin naman itong bumukas at iniluwa ang isang babaeng may mahaba ang buhok.
"You're finally awake!" masayang saad nito saka tumalon sa kama kung saan ako nakaupo. Agad nawala ang mga ngiti sa labi niya ng may napansin siyang kakaiba sa mukha ko. "Umiiyak ka?" hindi na lamang ako sumagot at yumuko na lang.
"Hey..." tawag nito sa akin pero yumuko lang ako. Mabait rin ba kaya ito sa akin o pinaplastic lang ako? Magkatulad rin ba kaya ang ugali nila ni Kellia?
Dumapo ang mga palad niya sa mukha ko para ibaling ang paningin ko sa kaniya pero bigla niya nalang ang binitawan at naalarma. "Bakit ang init mo?!" tanong nito saka kinapa ang buong mukha at leeg ko. "Nilalagnat ka..." sabi nito sabay takbo palabas.
Nag-antay muna ako ng ilang sandali pero wala pa siya hanggang sa umikot na naman ang paningin ko kaya napagpasyahan kong humiga muna.
Ilang minuto akong nakahiga bago bumukas ang pinto na iniluwa ang babaeng mahaba ang buhok kanina.
"Here, drink this!" nagmamadaling utos niya. "Bilisan mo at baka mas uminit ka pa niyan" halata sa mga boses niya ang pagkaalala ganon rin ang mga mata niya.
Dahan dahan akong bumangon at nginitian siya. "Salamat..." kinuha ko ang baso na may tubig at mga gamot mula sa kamay niya. Dahan dahan kong ipinasok sa baba ko ang gamot saka uminom ng tubig. Ng matapos ko na iyon ay inilagay ko sa maliit na lamesa ang gamot at baso.
"Gosh ang tagal kong inantay na magising ka tapos malalagnat ka lang rin pala..." malungkot nitong sabi.
Ipinilig nito ang ulo niya at muling ngumiti. "Im Aira, how about you?"
"Zilena..." hina kong saad. Tumango-tango pa siya at nagisip sandali.
"How old are you?" masaya nitong tanong.
"18..." tipid kong sagot na ikinabilog ng mata niya.
"Ay! Mas matanda ka pa pala sa akin" dismayadong sagot niya.
"Bakit?... Ilang taon ka na ba..." pinilit kong makisabay sa kaniya kahit nanghihina na ako ng kaunti.
"16 pa lang ako, hayh!" sagot nito. "Hmm, at dahil wala naman akong ate. Ikaw nalang ang magiging ate ko!" masayang sabi niya saka niyakap ang braso ko. "Puro kuya lang kasi ang meron ako at mga masusungit pa! Hmp. Same age kayo nong isa kong kuya saka 19 naman yung isa" pagkikwento niya na tinanguan ko lamang. Hindi ko maitatanggi ang pagkaaliw ko kay Aira, ang daldal niya kasi...
"Ma'am Aira, dumating na po ang delivery niyo" sabi ng isang matandang boses sa likod ng pinto.
"Okay! Kunin niyo po muna yaya" pasigaw na utos ni Aira na sinagot lang ng 'masusunod po' ng yaya niya.
Binalingan ako ng tingin ni Aira at ngumiti. "Pano ba yan ate, i will go downstairs muna ha, wait for me" sabi niya na tinanguan ko lang. Saktong paglabas niya ay ang pagpasok ng mga tanong sa isip ko.
Paano ako napunta rito?
Tinignan ko rin ang aking suot na ngayoy naka pajama na at naka white oversized t-shirt.
Sino rin ang nagbihis sa akin?