Dali dali akong nagtungo sa pintuan ng may kumatok. Pagkabukas ko ay bumungad sakin ang nakabihis kong ina.
"Zel, magbihis ka na rin. May pupuntahan tayo" masayang saad niya.
"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko pero marahan niya akong pinapasok sa kwarto ko saka sinabing. "Secret, malalaman mo rin mamaya. Go, fix yourself" saka niya sinarado ang pintuan.
Napabuntong-hininga nalang ako't nagsimula ng maligo. Pagkatapos non ay dumeretso ako sa walk in closet ko at pumili ng isang jeans at oversized-tshirt. Ayokong magsuot ng mga magagarang damit, hindi ako komportable.
Matapos kong magbihis ay isinuot ko na ang aking white rubber shoes, saka ko inipitan ang buhok ko't ginawang messy bun ito. Nilagyan ko ng kaunting cream ang mukha ko saka ko pinaulanan ng pabango ang buong katawan ko. Kinuha ko muna ang cellphone ko at inilagay iyon sa bulsa ng pantalon ko bago lumabas.
Ng makababa ako'y nakita kong naghihintay si mama sa salas, tila malalim ang iniisip nito kung kaya'y hindi niya napansin ang pagbaba ko.
"Ay ang unfair naman, bakit kayo lang?" biglang tanong ni Kellia na kagagaling lang sa kusina. Napalingon naman si mama sa kaniya.
"Oh darling, don't worry may aayusin lang ako--i mean kami" ani mama saka niya ako nginitian. "Di' ba Zilena?" biglang tanong niya kaya dali dali akong tumango.
"Okay fine, mag-ingat kayo" ani Kellia saka ngumiti, nginitian ko rin ito pero inirapan niya lang ako.
"Let's go Zel" sabi ni mama saka naunang lumabas, sumunod rin ako.
"Ako ang magmamaneho ngayon manong, magpahinga ka muna" utos ni mama kay manong eddy.
Pansin ko ang pagkunot ng noo ni manong, "Bakit po madam? Hindi ba't ayaw niyong nagmamaneho kayo—"
"Oh that? Forget it. This day is special for me manong eddy kaya ganito ako, go magpahinga ka na manong, you need some rest" pagputol ni mama kaya wala nalang nagawa si manong kundi sundin ang sinabi ni mama.
"C'mon Zel" sabi niya saka pumasok sa sasakyan, sumunod naman ako't pumasok sa likod.
Ng nasa loob na ako'y kumunot ang noo ni mama na para bang maling mali ang ginawa ko. Sumakay lang naman ako, papagalitan na naman ba niya ako?
"Zel, you should sit here..." aniya sabay turo sa passenger seat. "...Beside me"
Tumango lang ako't bumaba at lumipat sa passenger seat.
"Here we go" masayang sabi niya saka pinaandar ang makina.
Bakit ibang iba ngayon ang mamang kaharap ko sa mamang nakasanayan ko na? Parang may malaking pinagbago sa kaniya ang araw na ito, ito ang unang beses na nakita kong sobrang saya niya, kasama ako.
"Ma, why are you so happy?" biglang tanong ko, pagbasag sa nakakataas balahibong katahimikan.
Mula kanina hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. "Ohh, don't mind me Zel. Im just happy kasi dumating na ang isang bagay na matagal ko ng hinihiling" sagot niya. Napa tango-tango nalang ako.
Itinikom ko nalang ang bibig ko at hinayaan siyang magmaneho hanggang sa,
"Ma, anong daan ba itong tinatahak natin?" biglang tanong ko, iba kasi ang daan na dinaraanan namin ngayon. Ang lawak ng mga punong kahoy, wala ring kataotao ang lugar na ito.
"Just watch and wait Zel, you're too excited" tanging sagot niya kaya hinayaan ko nalang siya.
Pero para kasing mayroong mali e. Hindi rin mapakali ang sarili ko, malakas ang kabog ng dibdib ko. Parang may hindi magandang mangyayari.
Nadagdagan ang pangamba ko ng biglang lumakas ang simoy ng hangin na sinundan ng mga naglalakasang kulubog na di nagtagal ay nasundan na rin ng ulan.
Sumilip ako sa bintana at kita kita ko ang papalapit na bagyo ngayon, base sa binalita sa tv kagabi.
Nilingon ko si mama na nakangiti pa rin hanggang ngayon. "Ma, delikado na yata rito. Umuwi na kaya tay—"
"Shut up, As*hole" biglang sigaw niya na ikina lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi, mali, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko na para bang isang ihip na lang ng hangin ay lalabas na ito.
"Ma, umuwi na tayo..." pagmamakaawa ko pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin sa pagmamaneho.
"Ma, tabi na po. Ako nalang ko ang magmamaneho, delikado na po dito" pero hindi niya pa rin ako sinagot hanggang sa kinalabit ko na siya kaya siya napalingon sa akin.
"Ma, please..."
Nawala ang ngiti sa bibig niya kasabay ng pag hinto ng sasakyan. "What?" tanong niya.
"Ma, masyado na po tayong malayo sa pinanggalingan natin. Umuwi na po tayo, delikado na rit—"
"Yes Zel, you are too excited." sabi niya saka napabuntong hininga. "Ayaw ko pa sanang mag stop kaso mapilit ka baby e" dramatikong sabi nito. "So, bye sweetie" matamis na sabi niya saka binuksan ang pinto ko at tinulak ako palabas na ikinagulat ko.
Nadapa ako't hindi agad nakatayo dahil sa gulat. Hindi mapasok sa utak ko ang nangyari, totoo ba ito?
Bago pa man masirado ni mama ang pinto ay mabilis ko itong pinigilan. "Ma, anong ginagawa mo? Bakit mo ako pinalabas?" sigaw ko dahil tiyak na hindi niya ako maririnig sa lakas ng ulan.
"What? Itatanong pa ba yan? Simple, simula ngayon dito ka na titira" sagot niya saka tumawa ng pagkalakas lakas na nasundan ng kulog.
Itinulak niya ako uli saka sinarado ang pinto at binuksan ang bintana. "Bye bye dear, enjoy!"
Dali dali akong tumayo at kinatok katok ang pinto sa kotse. "Ma, ma! Papasukin niyo ako, ma!"
Umiling uling lang siya saka tunawa ng tumawa habang tumutulo na ang mga luha ko ngayon at giniginaw ang katawan. "Maaa!"
Kumaway kaway lang siya sa loob ng kotse saka inistart ang makina at iniwan akong nag-iisa sa gitna ng madilim na lugar na ito.
"Ma, hintay!!" malakas na sigaw ko at hinabol ang sasakyan sa abot ng makakaya ko pero nauwi lang ako sa pagkadapa sa lupa kaya napahagulhol nalang ako.
"Ma, bakit mo ako iniwan dito? May nagawa ba akong mali?" tanong ko sa sarili ko habang nakadapang umiiyak.
Bakit niya ako iniwan dito? Bakit? Bakit niya ako dinala at iniwan dito, bakit?
Walang lakas akong tumayo sa pagkakadapa at sumigaw. "Tulong! Tulongan niyo po ako!"
"Tulong! Kung may nakakarinig man po sakin tulongan niyo po ako!"