Kevin POV
Sa wakas! Naabot ko na rin yung pangarap ko!! Wohooo kami na ni Amethis!!! Ang tagal ko tong hinintay, pero ayos lng worth it naman yung paghihintay ko..
"tol! Muntanga ka jan! Ngingiti-ngiti mo?"
"wala!" Epal talaga to si Mark eh kahit kelan!
"Cge katol pa!"
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Grabe! Naka ngiti lang adick agad? Di ba pwedeng inlove lang??
Nawala yung pag iisip ko ng biglang tumunog yung cellphone ko.
Boo calling...
Speaking of! Tumawag na yung mahal ko.
"Hello mahal!"
"Mahal mo mukha mo!"
Pikon talaga nito -_-
"Pumunta ka sa bahay."
"Miss mo na ako agad?"
Ayyiee miss niya na ako.
"Che! Pinapupunta ka ni daddy"
"Bakit?"
"Aba! Malay ko?"
"Cge cge, punta ako jan mamaya."
"geh"
"Babye boo. I love you"
"tss. I love you too"
*toot toot*
Nagpaalam na ako kay Mark at pumunta kaagad sa bahay nila Amethis.
Pagkarating ko dun, maraming pagkaing naka handa sa mesa nila. Ano kayang meron? Birthday?
"Boo!!!!" Nilapitan ko kaagad siya at niyakap.
"O.A mo ha!" sagot niya sabay batok. Ang amazona talaga nito. Pasalamat siya mahal ko siya!
"Akyat ka na sa study room. Hinihintay ka ni daddy doon"
"Ano daw pala pag uusapan namin?"
Nag shrug lang siya kaya umakyat na ako sa taas. Kumatok muna ako ng isang beses bago ko binuksan ang pinto.
"Tito?" Tawag ko kay tito Ricky
"Umupo ka muna hijo"
Kinabahan ako bigla dahil napaka seryoso ng mukha ni tito. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Umupo na lang ako sa sofa kaharap ng swivel chair niya.
"Hindi na ako magpapa ligoy ligoy pa.."
Lalong kumabog yung dibdib ko.
"Mahal mo ba talaga ang anak ko?"
"Opo tito. Mahal na mahal ko po siya."
Tiningnan niya ako na parang kinikilatis.
"May pakikiusap lang sana ako sayo"
"A-ano p-po yun?"
"Gusto kung---"
Hindi ko na siya pinatapos pa. Alam ko kung san patungo tong usapan na to. Lumuhod kaagad ako sa harap niya. Ayaw ko.. ayaw kung malayo kay Amethis. Hindi ko kaya...
"Tito, wag niyo naman pong hilingin na iwan ko si Amethis. Mahal na mahal ko po siya. Hindi ko po kayang mawala siya. Paki usap po."
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko, maya maya bigla siyang tumawa ng malakas. May nakakatawa ba?
"Hijo! hahahaha h-hindi yun! hahahaha"
Halos hindi na siya maka hinga sa sobrang tawa niya. Pero ano daw? Hindi yun? whew! buti nalang! Nakahinga na din ako ng maluwag.
"Eh ano po pala tito?" Sabay kamot ko sa ulo ko.
"Ikaw talagang bata ka! Gusto ko lang namang hilingin sayo na alagaan mo si Venice."
Nako tito! Kahit di mo pa sabihin! Gagawin ko!
"Minsan na siyang nagmahal, minsan na siyang nasaktan, Minsan na siyang umasa sa isang taong pinag palit lang siya sa iba."
Naging seryoso ulit yung mukha niya.
"Nasaktan ko narin siya, dahil nung mga panahon na dapat inintindi ko siya, nagalit pa ako sa kanya"
Yumuko si tito at pinag laruan ang ballpen niya.
"Kaya sana, wag mo siyang saktan, wag mo siyang lokohin. Paki usap"
Tumayo ako at hinarap ko si tito.
"Tito, makakaasa po kayo, aalagaan ko po ang anak niyo, mamahalin ko po siya. Hindi ko man po maipangako sa inyo na hindi ko siya masasaktan pero pangako po, hindi ko po sasadyain na masaktan siya. Mahal ko po siya, mahal na mahal"
Tumayo si tito at tinapik ako sa balikat.
"Salamat hijo, yun lang ang gusto kung marinig mula sayo."
Lumabas na kami ni tito ng study room at pumunta sa dinning area para kumain. Pagkatapos naming kumain pumunta kami ni Amethis sa may lanai nila.
"Anong pinag usapan niyo ni dad?"
"Wala naman"
"Anong wala?! Eh ang tagal niyo kaya sa loob!"
"May sinabi lang siya sakin"
"Ano??"
"sekreto!"
"hmmpf! Ewan ko sayo!"
Tumalikod siya sakin. Owww nag tatampo ang boo ko.. Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likod niya.
"bitaw!" sigaw niya sabay tapik sa kamay ko.
"ayaw!" mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.
"wag ka nang magtampo boo, sinabi niya lang sakin na ingatan kita"
Nakita ko sa perephrial view ko na ngumiti siya.
"Nga pala boo, about dun sa grupo mo.."
Napansin kung mapasinghap siya.
"b-bakit boo?" sagot niya ng hindi tumitingin sakin.
"Sabi mo, gusto mo ng umalis dun, naka alis ka na ba?"
"h-hindi pa. hindi ganun kadaling iwan yung grupo ko. Nag hahanap pa ako ng tyiempo."
"Sana naman boo, makakita ka kaagad ng tiempo. Ayaw ko kasing mapahamak ka."
Humarap siya sakin at hinalikan niya ako sa labi, smack lang naman.
"Malapit na boo, konting tiis nalang"
---
Venice POV
Tinatanong na ni Kevin kung kailan ko balak umalis sa grupo.
Sa totoo lang, gusto ko na talagang umalis, pero hindi ko rin naman kayang iwan ang grupo ko sa ere.
Sorry boo, kailangan ko lang tapusin ang laban naming ito, pangako, pagkatapos ng gangwar, aalis na ako..
BINABASA MO ANG
Play Boy falls for Ms.Gangster
Teen FictionBakit kung kailan ka pa nag mahal saka ka pa lolokohin? Hindi ba pwedeng mahalin ka nalang rin niya? Just when you thought that everything is in right place, destiny played a trick. would they conquered this destiny's trick together or should just l...