Kevin POV
Nandito ako ngayon sa may park kasama itong babaeng hindi ko alam ang pangalan. Nagyaya kasi ng date, kawawa naman kaya pinag bigyan ko na. May naramdaman akong humalik sa pisngi ko at pag lingon ko nakita ko yung babaeng kasama ko na hinahalikan ang pisngi ko. Hinawakan ko yung mukha niya at hinalikan ko siya sa labi.
" I love you boo"
bigla nalang pumasok sa isip ko yung mukha niya. Kaya naitulak ko yung babaeng kahalikan ko.
"What's wrong honey?"
tanong niya sakin habang pinupulupot ang kamay niya sa leeg ko.
"Nothing."
Ano bang to!!! Putcha naman oh! Bakit bigla bigla nalang sumisingit yung bwesit niyang mukha!
Pakiramdam ko talaga kanina pa may sumusunod sakin. Pag lingon ko sa likod ko may nakita akong babaeng nag mamadaling umalis. Parang siya yun ah. Pero ano namang ginagawa niya dito? Nakita niya kaya yun? Aishh! Pake alam ko naman sa kanya! Tumayo ako at naglakad na pauwi.
"Honey! Where are you going?" Tanong nung babae
"Going home."
"Can i come?"
"No. And ohh---" Nilingon ko siya sabay ngiti.
"Let's break up."
Napangaga naman yung babae dun kaya umalis na ako.
"Let's break up."
Biglang nag flashback sa isip ko yung mukha niya nung nakipag hiwalay siya. Amputa!! Ba't ko ba siya iniisip? Ang babaeng katulad niya hindi na dapat iniisip, dahil wala siyang kwenta!
Pag uwi ko sa bahay tinawagan ko kaagad si Mark at pinapunta ko dito. Gusto kung uminom. Dapat talaga mawala na sa isip ko yung babaeng yun! At dahil ang tagal nung mokong nauna na akong uminom. Maya- maya pa dumating nadin ang kupal.
"Parang nakita ko si Venice sa labas kanina. Kaso nag mamadaling umalis."
Pss. Ano namang gagawin nun dito? Baka na realize niyang mahal niya talaga ako. Sorry nalang siya dahil hindi ko na siya babalikan kahit anong mangyari. Isa siyang manloloko!
"Oh? Natulala ka jan?"
Epal talaga nitong si Mark eh kahit kailan.
"Wala."
Umupo narin siya at nag bukas ng beer. Nag kwentuhan lang kami, tungkol sa sports, sasakyan at mga chicka babes.
"Pero tol, hindi mo ba naisip na baka may dahilan si Venice kaya siya nakipag hiwalay?"
Bakit na singit na naman sa usapan yung babaeng yun?
"Ewan. at wala rin akong pake alam kahit na ano pa yung dahilan niya!"
At ang loko tinawanan pa ako.
"Affected ka masyado tol ah!"
"Hindi na noh! Naiinis lang ako dahil kung kailan ako nag seryoso saka pa ako niloko, ginago!"
Amputa lang dahil niloko na nga ako, sobrang sakit parin.
"Mahal mo pa?" tanong na naman ni Mark.
"Ang babaeng katulad niya hindi dapat minamahal. Dapat sa kanya sinasaktan, niloloko."
"Hindi mo ba naisip na baka siya yung karma mo? Sa dami ba naman ng babaeng niloko mo?"
"Pss. Karma karma! Makikita ng karma na yan! Do-doblehin ko yung ginawa niya sakin!"
----
Nagising nalang ako at nakita ko na nakatulog na pala kami sa sahig ng mokong. Tiningnan ko yung orasan at alas 4 palang pala ng madaling araw. Dahil wala naman akong magawa, lamabas ako sa may terrace at nag sindi ng yosi. Parang may nakita akong anino sa labas ng bahay kaya tiningnan ko itong maigi. Mahirap na dahil baka magnanakaw ito. Kung magnanakaw man ito, parang ang liit naman yata ng katawan nito. Kawawa naman to pag na bugbog ko. Te-teka? Mukhang babae yun ah! Nak ng! Nakakatakot naman to, baka stalker ko ito. Bigla itong lumingon sa direksyon ko at nagulat siya ng makita niya ako, nagulat din ako dahil hindi ko ito inaasahan. Dali- dali siyang tumakbo paalis.
Ano ba talagang ginagawa niya? Bakit ba? Naguguluhan na ako! Ano ba talaga ang gusto niya?
BINABASA MO ANG
Play Boy falls for Ms.Gangster
Fiksi RemajaBakit kung kailan ka pa nag mahal saka ka pa lolokohin? Hindi ba pwedeng mahalin ka nalang rin niya? Just when you thought that everything is in right place, destiny played a trick. would they conquered this destiny's trick together or should just l...