Chapter 7

3.5K 103 0
                                    

Venice POV

bwesit! san na ba yung notebook ko? kanina pa nawawala, oh well! wala naman yung laman kaya okay lang. HAHAHA

pagkarating ko ng bahay, ang daming tao! mga business partner seguro ni daddy.

"ohh, ito na ba yung kapatid ni Charles at Shone?"

sabi ng isang matandang lalaki.

"oo siya nga, by the way Mr.Lopez, don't mind her. -- I'm soo proud of MY SON Charles! he close the deal with Mr.Bautista!"

proud na sabi ni daddy.

"ohh! congratulation Mr.Lim! I heared na future lawyer pala yung bunso mo?"

"hahaha. oo, those kids of mine, they never fail to make me the happiest father on earth"

Umalis na ako doon at umakyat papuntang kwarto ko, pagkasara ko ng pinto, nag uunahang bumuhos yung luha ko.

kinuha ko yung vase sa gilid ng study table ko at tinapon sa sahig.

" I HATE YOU DAD! I REALLY REALLY HATE YOU! I LOATH FOREVER!!! ARRGGGHHHH!"

(A/N: soundproff po yung room niya, walang makakarinig kahit mag disco sa loob)

sigaw ako ng sigaw ng mabalingan ko yung whole body length mirror ko.

"I HATE YOU DAD! I HATE YOU!"

*booogggssshhh*

sinuntok ko yung salamin, at sa sobrang lakas ng suntok ko, wasak!

umiiyak parin ako habang tinitingnan yung nabasag na salamin. unti-unti kung pinulot yung mga piraso, mabuti pang mamatay!

hihiwain ko na sana yung pulso ko ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko. Nakita ko si kuya, napatingin siya sa hawak ko at ng mapag tanto niya kung anong gagawin ko, nanlaki kaagad yung mata niya at tumakbo palapit sakin.

"Venice!"

inagaw niya sakin yung basag na salamin na hawak ko at niyakap ako.

"Venice! ano ba! wag na wag mung gagawin yan!"

tinulak ko si kuya at tumakbo palabas ng bahay. nagmaneho kaagad ako, hindi ko alam kung san ako pupunta.

Ang bilis ng pagpapatakbo ko, may biglang nag over take na kotse, sinubukan ko siyang unahan pero hinaharangan niya ako.

*booogssshhh*

binanga ko yung likurang bahagi ng kotse niya. napahinto ako dahil huminto yung kotse niya. Lumabas yung nag mamaneho..si.. si.. si Kevin na naman?

"HOY! ANO BA TALAGANG PROBLEMA MONG BABAE KA?!!?"

galit na galit niyang sigaw.

"HOY BABAE! LUMABAS KA DIYAN SA KOTSE MO!"

lumabas ako ng kotse, natigilan siya bigla nang makita niya ako, parang nakakita ng multo.

Bumalik kaagad ako sa kotse ko at nag maneho.

Pinahinto ko yung sasakyan ko sa isang pamilyar na lugar, malawak na paligid, sobrang tahimik, tangging kaloskos ng mga dahon lang yung maririnig mo, naglakad ako papunta sa lugar kung saan naroroon ang taong kakampi ko.

Hindi ko ininda yung sakit sa kamay at paa ko. Pagkarating ko, umupo kaagad ako sa mga damo at hinimas ang puntod ng lola ko.

"Lola, kamusta ka na po? sana ok ka lang diyan, masaya ka na seguro jan ano? Ang daya mo naman Lola.."

Nagsimula na namang tumulo yung mga luha ko. ni yakap ko yung tuhod ko.

"Lola, ang daya daya mo, alam mo namang ikaw lang yung kakampi ko eh, iniwan mo pa ako! Sana sinama mo nalang ako."

Ramdam na ramdam ko na yung malamig na hangin sa paligid, madilim na rin.

"Lola, alam mo, sobrang proud na proud si daddy kay kuya at kay shone... Ako? isa lang akong malaking failure para sa kanya, *sob* *sob* sabi pa niya, wala akong silbing anak...Ginawa ko naman ang lahat para mapasaya siya, pero wala parin"

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa may narinig akong tunog ng cellphone, tiningnan ko yung phone ko, wala namang message o kaya tawag? hulu! may cellphone na ba pati multo? Lumingon lingon ako sa paligid ng may makita akung nakatayo.

Mommy! Help me!! sigaw ng utak ko. oo, matapang ako, pag tao ang kalaban ko, pero ibang usapan na pag multo!

"si..si-no...y..yan??"

I manage to ask kahit sobrang takot na ako. nanginginig yung tuhod ko nung unti unti siyang lumingon.

pagharap niya

te..teka? si Kevin?

Kevin POV

BORING! is the best word to describe what I'm feeling right now! Ano bang magandang gawin?

*ting!* (light bulb :p)

tama! iinum nalang ako!

Nagmamaneho ako ng sasakyan ko papunta sa bar nang may makita akong pamilyar na sasakyan. Si Amazona! Ang bilis ng pagpapatakbo niya. ma hamon nga ng karera! WAHAHAHA

Nag over take ako sa kanya, nag pupumilit siyang maka una pero hinaharangan ko siya. wahahaha akala mo ha!

*booogggssshh*

p**ang **a! binanga niya yung kotse ko!!!

hininto ko yung sasakyan ko at binaba siya.

"HOY! ANO BA TALAGANG PROBLEMA MONG BABAE KA?!!?"

hindi siya lumabas ng kotse niya!

"HOY BABAE! LUMABAS KA DIYAN SA KOTSE MO!"

nakita kung bumukas ang kotse niya, nanlaki yung mata ko sa itsura niya, ang gulo ng buhok niya, magang maga yung mata niya kakaiyak, may tumutulo pang dugo mula sa kamay niya, ang laki din ng sugat sa kamay niya, at naka paa lang siya, yung mata niya, punong puno ng sakit at galit.

Sa sobrang pagkatulala ko, hindi ko namalayang humarurot na naman siya. Dali dali akong sumakay sa kotse ko at sinundan ko siya.

Play Boy falls for Ms.GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon