[2] New Things, Baby Steps

31 1 0
                                    

Chapter 2

*New Things, Baby Steps*

The next days were quite normal.

Masaya naman. Madalas ko nang makasama yung BBC. Nakakatawa nga silang kasama e, puro tawa ka lang sa kanila.

Napansin ko na madalas silang magbatukan, magsampalan, at magsigawan pero sabi nila ganyan daw talaga sila maglambing.

Grabe, siguro kung matagal na nila akong kasama malamang bugbog sarado na ko sakanila.

Pero kahit ganyan sila, sabi nila going strong daw ang friendship nila.

Magt-two years na nga daw ang barkadahan nila sa March 18 e.

Isa lang masasabi ko, pag kasama ko sila, nakakalimutan kong may cancer ako :)

After nung day na nagkakilala kami, my new found friends and I exchanged our numbers. And yes, magkakatext kami the past few days.

Long story short, nagyaya silang gumala this Saturday. Syempre nagpaalam ako kay mother dear at nung una ayaw nya kong pasamahin.

It took me a few minutes to make her say yes. Kaya ayun, basta wag lang daw ako magpagod..

*Saturday*

Andito nako sa meeting place namin at inaantay ko nalang silang dumating.

Ang sunud-sunod na pumunta sa meeting place namin:

Shaira, Rosalie, Yukuri, Alaine, Mye, Bernadeth, Nadine, Ailine at panghuli naman si Kristine.

Sya talaga daw palaging late eh. Haha E ang lapit lapit na nga ng meeting place namin sa bahay nila e!

So ayun, pumunta na muna kami sa SM. Grabe, ang tagal ko nang hindi ako nakakapunta dito..

Ever since kasi nalaman nilang may sakit ako, my family isolated me from the rest of the world.

Ang sarap sa feeling. Para akong na-free sa cage kung saan matagal nakong nakakulong.

[Now Playing: All Night Long by Demi Lovato]

Unang pinuntahan namin sa mall ay yung Penshoppe.

Dun gusto nila Bernadeth at Rosalie e.

Tsaka gusto ko na rin, bigla ko kasing nakita dun yung picture ni Zac Efron. Ang HOT! Haha Kabirthday ko pa naman yun.

Nagtingin tingin kami ng mga kung anu-anong mga ek ek na favorite suotin ng mga girls like dresses, hats, blouses at marami pa.

May nabili naman akong magandang t-shirt at hat na bagay na bagay sakin ^^,

Si Alaine naman, ayun nawili na sa mga dress. Lahat ng sinukat nya binili XD

Sunod naman ay sa Bench.

Nakuuu, ang tagal namin dun.

E kasi naman po, itong si Mye at Nadine halos lahat nalang sinasabing maganda at gustong bilhin.

In the end, marami nga silang nabili. Pati perfumes at colognes dun pinacquiao na. Haha

Halos dalawang oras kaming nagshop for clothes at bigla namang nagsuggest si Shaira na bumili naman kami ng sapatos.

So pumunta kami sa Parisian.

Ang cucute ng shoes nila! Woooo! Bet na bet :)))

Kung matagal kami sa bench, mas matagal kami dito sa Parisian! Sabi nga nila e, shoes are a girls best friend.. next to the diamond XD

Ang daming nabiling wedge ni Ailine at Kristine. Kailan kaya nila masusuot lahat yan?

Pagkatapos ng madugong pagbibili ng clothes at shoes, nagsuggest si Nadine na manuod na muna kami ng movie. Everybody agreed.

Perspective With A Point (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon