Shack Love Story #1

56 1 0
                                    

Hello sa mga tagapakinig lalo na kay Schro at Yuna. Gusto ko lang ibahagi ang karanasan ko sa larangan ng pag-ibig gamit ang Shack Love Story.

My name is Raye. Isa akong mananahi. I can make gowns and suits. 'Yon ang naging business ko after I finished college. Pinangarap kong maging Fashion Designer sa ibang bansa noong maliit palang ako, pero dahil sa kalungkutan na naranasan ko noon. Hindi ko naitupad ang pangarap ko na 'yon. At 'yon ang aking ikukuwento sainyo.

JHS ako nang makilala ko si Dustin. Nasa Section 1 siya at ako naman ay nasa Section 4. Intramurals namin 'yon ng Grade 9 nang una ko siyang makausap. Pinapunta ako ng Adviser namin sa classroom ng Section 1. They wanted me to make costumes for our representatives para sa Mr. and Ms. Intrams. Si Dustin at 'yong muse ng Section 2 ang representative namin para sa event na 'yon.

Teacher #1: Si Del Farro at Lagman ang susukatan mo. Sigurado ka bang kaya mong matapos ang mga costumes nila by next week?
Raye: Kaya naman po. 'Yon lang naman po kasi maitutulong ko sa Intrams, e. Hindi po kasi ako mahilig sa Sports.
Teacher #1: O siya, sinabi mo 'yan ha? Pagkinailangan mo ng tulong sabihan mo lang ako.
Raye: Sige po, Teach.
Teacher #2: Asan si Dustin tsaka Shaina? Nandito na si Fortalejo para sukatan sila.

Si Shaina ay tinawag sa classroom ng Section 2. Si Dustin naman ay nasa canteen daw kaya hinanap siya ng iba niyang kaklase. Alam niyo 'yong slowmo thing sa palabas na Must Be... Love ni Daniel Padilla at Kathryn Bernado? Nakakatawang isipin pero gano'n ang na-experience ko nang papalapit na siya samin. Matangkad siya, guwapo, at maputi. Mas maputi pa sakin. He also has this very intimidating aura pero nang magsalita siya... Bigla siyang naging mabait sa paningin ko.

Teacher #2: Buti nandito ka na. Susukatan ka na ni Fortalejo.
Teacher #1: Lumapit ka na roon, Raye.
Raye: [Di sumagot]
Teacher #1: Raye? Nandiyan na si Del Farro, sukatan mo na siya.
Raye: Ah, eh, opo. Sige po.

Sobrang nahiya ako, Schro at Yuna. Tumawa kasi ang mga kaklase ni Dustin dahil nakatulala ako kay Dustin. KAY DUSTIN. Pero kahit gano'n pa man. Nginitian niya lang ako at pinabayaan ako sukatan siya.

Raye: (Ang tangkad.) Leeg.
Dustin: Alright.
Raye: Chest. (Sobrang tangkad.)
Dustin: Okay.
Raye: Shoulders. (Ang bango niya.)
Dustin: Mmkay.
Raye: Waist. (OMG. Parang niyayakap ko siya!)
Dustin: Aren't you gonna talk to me?
Raye: Do I have to? Talikod.
Dustin: Well, it's awkward if we don't talk.
Raye: It's more awkward if we talk. (PAFALL! ISA KANG PAFALL NA NILALANG.)
Dustin: Alright.

Mabait si Dustin. Isa rin siyang Social Butterfly (according to my friends). Halos lahat, kaibigan niya. Marami rin nagkakagusto sa kanya. Not only because of his good looks, but because of his fun personality. He's the complete opposite of me. Tahimik ako at sa circle of friends lang ako maingay. Most student in campus would think that I hate people dahil mataray ako sa mga 'di ko kaclose.

Simula noong sinukatan ko si Dustin. Napapadalas ang pagpunta niya sa classroom namin. Madalas niya akong maabutan na nagtatahi. Kung hindi nagtatahi, naaabutan niya akong kumakain.

Dustin: Are you done?
Raye: Yes.
Dustin: Then, why are you still sewing?
Raye: Finishing touches.
Dustin: Are you always like this?
Raye: Like what?
Dustin: Hmm, mataray? You sound like you hate everyone.
Raye: Nagtatagalog ka pala.
Dustin: I live in the Philippines, Fortalejo. Of course, I know how to speak Tagalog.
Raye: You always speak in English. That's why I thought you don't speak Tagalog.
Dustin: Do you want me to speak in Tagalog?
Raye: [Tulala] (Kaya maraming nagkakagusto sa'yo, e!)
Dustin: Silent treatment?
Raye: You can speak any language you want.

Aaminin ko. Crush ko si Dustin. Pero dahil maraming sabi sabi na may relasyon sila ni Shaina, I just kept this feelings to myself. Kahit sa mga close friends ko sa school, wala akong sinabihan. Napansin ko na simula noong madalas si Dustin pumunta sa classrom namin, nag-iba ang pagtrato sakin ni Shaina. Kaya pinanindigan ko ang pagiging mataray kay Dustin dahil sa mga naririnig ko. Kung totoo man na magkarelasyon si Shaina at Dustin. Ayoko makasira ng relasyon.

Shack Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon