Shack Love Story #2

106 0 0
                                    

Magandang araw sainyong lahat. Pati na rin kay Yuno at Prozac. Maraming salamat at may ganito kayong programa para sa mga taong kagaya kong mahilig magsulat. Gusto ko lang i-share itong story ko sainyo sa pamamagitan ng Shack Love Story. Sana magustuhan niyo.

I go by the name of Christine Torres but most people I know calls me Christi. I'm a music lover. Mahilig ako magsulat ng mga kanta at 'yon ang naging hobby ko hanggang sa naisipan namin ng mga kaibigan ko na magbanda. My brother owns a Recording Studio kaya I always go there with my friends to create our own music. Pinagkakitaan din namin ang pagkakaroon ng banda. Now, we do gigs in bars, mini-events, weddings, or any places we can perform.

Nandito kami ngayon sa Recording Studio ni Kuya Carlo dahil may gig kami sa The Cabin sa Makati. Nga lang namomoblema kami ngayon dahil dumating ako sa Studio na medyo paos.

Brian: Sino kakanta sa The Cabin mamaya?
Samantha: Sino ba vocalist natin?
Brian: Si Christi.
Samantha: There's your answer.
Brian: Paos nga si Christi. Paano kakanta 'yan kung paos?
Benedict: Add nalang natin 'yong duet niyo ni Christi. Para hindi siya lagi ang kakanta.
Brian: Sige, isulat ko. Asaan na ba 'yong listahan ng kakantahin natin sa The Cabin?
Samantha: Ito, Brian. Ayusin mo sulat mo. [sigh] Ba't ka naman kasi napaos, Christi?
Christi: As usual.
Brian: Malamang, nag-away na naman sila ni Alex.
Samantha: Kailangan ba dapat nagsisigawan kayo ni Alex tuwing nag-aaway? Alam naman niyang mahalaga ang boses mo sa banda tas lagi kang inaaway.
Christi: Hayaan mo na, nanyari na. Paos na 'ko. [sighs] Tska ilang buwan palang naman kami naging ganito, Sam. Lilipas din 'to.

Kita ko sa mga mata nila ang pag-aalala sakin. Kaibigan din kasi nila ang boyfriend ko, si Alex. Marami kaming magkakaibigan, actually. Hindi lang kami nina Sam, Alex, Brian, Kuya Carlo, at Benedict. I have other friends din and madalas silang manood ng mga gigs namin.

No'ng break namin sa rehearsals that day, kinukulit ako ni Sam na ikuwento sa kanya kung bakit na naman kami nag-away ni Alex. Ako kasi 'yong tipo ng tao na mag-oopen up lang ng problema pagmatagal nang lumipas. Kaya sinabi ko naikukuwento ko sa kanya next time. Napabuntong hininga lang siya at sinabing... 

Samantha: 'Di ko alam gagawin ko sa'yo, Christi. Brian Castro! Bili tayo ng alak! 
Brian: Sa The Cabin ka nalang kaya uminom ng alak. 

Hindi naman talaga kami madalas mag-away ni Alex. It happened a few months ago. Hmm... Ano nga ba unang pinag-awayan namin ni Alex? Pinakialaman ko kasi 'yong cellphone niya. Hindi naman gano'n si Alex dati, 'yong nagagalit agad. Hinahayaan niya lang akong gamitin 'yong cellphone niya. Pero no'ng araw na 'yon nagalit siya sakin. Pinalo niya 'yong kamay ko para mabitawan ko 'yong cellphone niya at malakas pagkakapalo niya sa akin kaya nagkaroon ako ng pasa sa kamay. I forgot most of what I said and what he said kasi ayoko nang maalala pa, Yuno at Prozac. Pero naalala kong nakipagkita ako kina Sam noon ng paos.

Nang palabas na kami ng Studio, biglang may tumawag sakin. Napairap ako nang makita ko ang pangalan ni Alex sa screen. Kahit ayokong sagutin, sinagot ko pa rin 'yong tawag niya.

Christi: Bakit?
Alexander: Anong bakit? Asaan ka?
Christi: May gig kami, 'di ba? 
Alexander: Saan? Kasama ko sina Denmark. 
Christi: The Cabin sa Makati. 
Alexander: Lilipat kami. Kita nalang tayo roon.
Christi: Sige. Nasaan ka ngayon?
Alexander: Wala ka na roon.  

Akala ko naman magsosorry siya sakin dahil nga nag-away kami pero gago pa rin siya at binabaan lang ako ng tawag. Padabog akong pumasok ng kotse. Hindi na nagtanong mga kasama ko dahil alam na nila kung bakit ako nagdabog. 

Brian: [clears throat] 
Samantha: Ang tahimik, 'no?
Benedict: 'Di ko dama.
Brian: Gusto niyo music? Patugtug tayo ng music, sige. 
Samantha: [Bulong: Ang bobo mo talaga, Brian! Itugtug mo nalang!] 
Brian: [Bulong: Ito na nga, e. Kaya ka iniwan ng jowa mo, e. Pangit kasi tabas ng bibig mo.]
Samantha: [Bulong: Tangina mo talaga.] [Pinalo palo si Brian] 
Brian: Aray! Isa rin 'yan kung ba't ka iniwa— Sam! Masakit! Nagdadrive ako!
Benedict: Kunwari wala tayong naririnig, Christi. 
Christi: Mhm, kunwari wala. 

Shack Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon