Shack Love Story #3

87 0 0
                                    

Magandang araw sainyong lahat. Masamang araw if you have a bad day. Napasulat ako rito dahil gusto ko lang makaalala. Gusto ko maalala 'yong mga panahon that I made a lot of selfish decision. Sana hayaan niyo ako magkuwento. Kung ayaw niyo man, huwag niyo nalang po basahin.... Joke lang! Peace!

Before I start, I'll introduce myself muna. I'm Claire Cuangco and I'm forever 18. I think it was around College when Yvo and I met Avery Vergara. Siguro nagtataka kayo kung sino si Yvo, 'no? Storm Yvo Del Agua. Napaka-guwapo na pakinggan pangalan palang, 'di ba? He's my bestfriend. Magkakilala na kami simula Grade 5 pa. Saming magkaibigan ako ang pinakamaingay at siya naman ang pinakatahimik. He'll only become talkative when I say stupid shit kaya maraming nagsasabi na para kaming comedic duo.

So, balik tayo kay Avery Vergara. We were invited to Xandro Vergara's birthday nang makilala namin si Avery. Doon ko na-witness kung paano na-experience ni Yvo ang love at first sight.

Xandro: Right on time, guys! Akala ko 'di na kayo makakarating.
Claire: Bumili pa kasi kami ng regalo. Kaya nalate ng 5 seconds. [tawa] 'To, oh! Gift namin. Happy Birthday, Xandro!
Yvo: Happy Birthday, bro.
Xander: Salamat, salamat! Da't 'di na kayo nag-abala.
Avery: Kuya Xan, it's time! The hosts are here.
Xandro: Okay! Wait-Tara muna rito, Ave. Claire, Yvo. Kapatid ko, si Avery.
Claire: Hello, Avery! Claire Cuangco nga pala. Nice to meet you. Ang ganda mo, ha?
Avery: Nice to meet you too! And uh, thank you, Ate Claire... [Awkward laugh]
Claire: Ay, mahiyain pala 'tong kapatid mo, Xandro. [Pinansin si Yvo] Oh? Okay ka lang, Yvo? Kanina ka pa tulala.
Yvo: [Tulala] Ah, oo. 'Kay lang.
Claire: Hindi ka ba magpapakilala kay Avery?
Yvo: Storm Yvo Del Agua...
Avery: Oh! Nice to meet you po. Uh, I forgot to say my name pala. My name is Avery Vergara.
Yvo: Avery...
Avery: Yes po, Kuya Storm?
Yvo: Yvo nalang.
Claire: Hay nako! Tara na! Pumunta na tayo roon sa table natin. Hinihintay na si Xandro tsaka Avery. Happy birthday ulit, Xandro!

I've never seen Yvo like that before. 'Yong tuliro? 'Yong mukhang in love? Ngayon ko lang siya nakitang gano'n kaya it was fascinating to see. Avery was a year younger than us. She's a Grade 12 student, taking HUMSS and the Student Council President ng SHS department. Ba't ko 'to alam? May sister complex kasi 'tong si Xandro. Masyadong proud sa kapatid kaya nalaman ko.

The party was grand. Halatang lumaking mayaman si Xandro dahil sa laki ng bahay nila. Marami ring bisita kaya hindi namin masyado nakakausap si Xandro. But Avery was there to check every guest from school kung okay lang ba sila or if they're having fun. Nang papalapit na si Avery sa table namin, nakasunod na sa kanya si Xandro.

Avery: Sasama ba kayo sa after party ni Kuya?
Xandro: Sama na kayo. Doon nalang hahabol 'yong iba.
Claire: Oo naman, go kami! Doon may inuman, 'di ba? Asaan ba raw sila? Ba't di sila nakapunta?
Xandro: Sara went out with her mom. Tas kasama ni Althea si Volt at Christoff. They didn't pass their assignment kaya ngayon magpapasa 'yong dalawa.
Claire: Kahapon pa pasahan no'n ah?
Yvo: Kasama ka ba sa after party, Avery?
Avery: Po? Uh, yes, Kuya Yvo. My friends wanted me to come kasi, e.
Yvo: Sige, sama ako.
Xandro: Good! Dapat makikita ko kayo mamaya, ha? Wait lang, balikan namin kayo. Dad's calling us.
[Tahimik saglit]
Claire: Gago? What was that?
Yvo: Minura kita?
Claire: [bulong] Crush mo si Avery, 'no?
Yvo: Yeah. I like her. So, what?

Simula nang makilala namin si Avery, Yvo was always spacing out. Yvo wasn't obvious that night kaya no'ng after party, walang kaalam alam 'yong iba naming kaibigan. Nalaman lang nila 'yon dahil sa kadaldalan ko. Yvo is known for being aromantic because he never dated anyone and I am known for dating anyone. Pero di ako pok squared ha? Malandi lang. Kaya tawang tawa ang tropa na may gusto si Yvo sa kapatid ni Xandro.

Sara: He likes who?!
Claire: Avery!
Voltaire: 'Yong president ng SHS department?
Althea: Akala ko aromantic si Yvo.
Sara: Now, he's not.
Yvo: Pake niyo ba?
Christoff: She's a perfect student, Yvo. Doon ka nagkagusto?
Yvo: ... Oo.
Claire: Kung alam niyo lang kung anong itsura ni Yvo no'ng una niyang makita si Avery. Hay nako!
Voltaire: Kung tutuusin, maganda nga naman talaga kapatid ni Xandro.
Yvo: [Bulong] Sobrang ganda...
Claire: Ano?
Yvo: Wala!
Claire: May sinabi ka, e! Ba't ka nakangiti?
Yvo: Tumigil ka nga, Claire. Wala nga.

Shack Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon