Chapter 2

9 1 0
                                    

Piper POV
"Besh ano kamusta ka na? Ilang linggo na kitang hindi nakikita ano ba kasing nangyari. May problems ba?

Kausap ko ngayon sa telepono si Misty na hanggang ngayon ay walang kibo ewan ko ba kung anong nangyari dito bigla nalang nawalan ng kibo dati naman na siyang ganito pero ngayon mas lumalala pa.

"Hoy Misty andyan ka pa ba? "

"Hoy hoy"

Toot... toot... toot...

Bigla nalang naputol ang kabilang linya. Babaan daw ba ko hays.

Nakalipas nanaman ang isang linggo ng wala nanaman kaming komunikasyon ng aking bestie na si Misty. Hindi na ko nakatiis at pinuntahan ko na siya sa bahay nila.

"Good morning ate ganda" bati sakin ng kapatid ni Misty na si Tempest na halatang lalaking magandang lalaki.

" good morning den baby where's your ate Misty? "

"Well she's in her room nothing new"

Ano na kayang ginagawa ni Misty sa kwarto niya di ba siya nababagot dun? hay nako yari talaga siya sakin hindi pwedeng hindi kami magbobonding ngayon. Aayain ko siyang pumunta sa bar para naman may thrill ang walang kakulay-kulay niyang buhay.

"MISTYYYY GOODMORNINGGGGG" sabi ko pagkapasok sa di ko alam kung ano itatawag dito muka kasing di na to kwarto.

"Misty ano bang nangyayari sayo para namang dala mo na lahat nang hinanakit sa mundo" pano ba naman kasi pagpasok ko sa kwarto niya nakita ko siyang nakaupo sa couch niya na tutok na tutok sa pinapanood niya sa tv at nung makita naman niya ko binigyan niya lang ako ng napakatalim na tingin tas di na ulit ako tiningnan.

"Ano ka ba naman Misty tinatakot mo na ko ha umayos ka naman aayain pa naman kita mag bar ngayon"

"Okay" Malamig niyang tugon

Nagulat naman ako sa sagot niya dati kasi hindi siya pumapayag agad agad pag-inaaya ko siya pero ngayon pumayag agad siya anong himala ang nangyari.

Alas-otso ng gabi ng magsimula na kaming mag-ayos ni Misty nakasuot lang siya ng over size tee at syempre pantalon di na ata natutong mag damit ng ibang style tong kaibigan ko na to. Habang ako naman ay nakasuot ng red bandage dress na hapit na hapit sa katawan ko pinartneran ko nalang ito ng black na takong para hot na hot ang dating ng ate niyo diba.

Si Misty ang nagpresintang magdrive saming dalawa hindi naman na ko nakipagtalo kasi ayaw ko din naman na magdala pa ko ng sariling kotse na tiyak di ko din naman madadrive pauwi.

Nagpark na si misty sa parking lot netong "The Gray's bar" isa ito sa pinaka sikat na bar sa lugar nila kaya't dito ko naisipang dalin si Misty.

Agad niyang niyaya ang kaibigan papasok sa nasabing bar "Tara Misty babe let's have fun tonight and party as if it's our last woohoo!!!" Hiyaw ko sakanya at tuluyan na nga kaming pumasok sa loob.

"Piper wag kang masyadong mag-pakalasing ngayon hindi ako magdadalawang isip na iwan ka dito" May diin na bulong ni Misty sakin napairap nalang tuloy ako sa sinabi niya.

" whatever basta I'm here to have fun so don't even think of stopping me Misty" bulong ko din sakanya.

Umupo na kami ngayon dito sa couch na meron dito sa loob ng bar hindi ko na piniling kumuha ng vip room kasi mas gusto ko na makasalamuha ang iba pa na nagbabar kasama namin. Agad akong umorder ng iba't-ibang klase ng hard drinks. Pagkadating ng mga inorder ko ay sabay kaming nagcheers ni Misty at sabay nilagok ang inumin na hawak namin.

Evil's eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon