Chapter 3

11 1 0
                                    

Third persons POV:
Imbis na tuluyang umalis si Piper sa bar tulad ng balak niya, nagbago bigla ang desisyon niya ng dahil sa narinig na boses.

Bumalik si Piper sa loob ng bar para lang masaksihan ang pagloloko ni Tyrian. Naabutan niya itong nakaupo sa isang upuan habang kandong ang isang babae at nakapalupot ang kanyang kamay sa bewang neto. Wala pang nakakapansin sakanya dahil may pader na tumatakip sakanya.

Minabuti ni Piper na lakasan ang loob niya at magpakita sa siraulong si Tyrian. Agad siyang tumikhim upang maagaw ang atensyon ng lahat.

"Oh andito pa pala ang chicks mo Achilles kala ko tinakasan ka na" sabi ng isang lalaking nakasalamin.

Hindi naman na binigyang pansin ni Piper ang sinabi ng lalaki dahil nakatitig lang siya kay Tyrian na hanggang ngayon ay mukhang hindi pa napapansin ang kanyang presensya dahil masyado itong tutok sa pakikipaglandian sa babae. "Masyado ka naman atang nagsasaya Tyrian? Bakit ikagagalit ba niyang babae mo kapag tumigil muna kayo?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Piper.

Napatigil naman si Tyrian sa pakikipaglampungan sa babae at medyo nagulat ng makita si Piper na nakatayo na pala sakanilang harapan at titig na titig sakanila. Nang makabawi siya sa gulat ay agad naman siyang nagsalita "oh Piper andyan ka pala" pilit niyang ginagawang kaswal ang pananalita niya ngunit maririnig pa din ang panginginig sa kanyang boses.

"Mabuti naman at napansin mo na nandito ako Tyrian" sarkastikong saad ni Piper.

"Ano nga palang ginagawa mo dito Piper, anong oras na bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong ni Tyrian sa kanya

"Ei kung sayo ko kaya itanong yan ano kayang palusot ang sasabihin mo hmm" kunyaring nag-iisip pa na tanong ni Piper.

Napipikon na si Tyrian sa mga sinasabi ni Piper kaya't di na siya nakapagpigil at pinatulan na ito "oh ei ano nga ba ang pwede kong sabihing palusot sayo sigurado naman akong hindi ka maniniwala"

Napangisi naman si Piper dahil halata niyang napipikon na sakanya si Tyrian "sino ba naman kasing tanga ang maniniwala pa sa palusot mo eh harap harapan ko na ngang nasaksihan ang kalokohang ginagawa mo. So don't even bother to explain yourself jerk!"

Ramdam naman ng mga kasamahan nila ang tensyong nabubuo sa pagitan nila Tyrian at Piper kaya't agad pumagitna sakanila si Achilles.

Adonis POV:
"Damn man ang hot nang dinalang chicks ni kuys" bulong ko sa kambal kong si Atlas

"Tss manahimik ka nga dyan nagkakainitan na't lahat puro kalokohan pa din yang nasa isip mo" pailing-iling na sabi niya.

"Para namang ako lang ang maloko satin" singhal ko sakanya.

"Guys guys chill masyado kayong hot" pumunta na sa gitna si Achilles para maputol ang tensyon na namumuo sa pagitan ni miss sexy at netong kaibigan naming isang pang loko"

"Simulan mo nang maghanap ng tataguan dahil pag-naabutan niya kayo sigurado akong hindi na muli kayong sisinagan ng araw!"

                                       *******

Hinala na ni Achilles si miss sexy kaya't wala na itong nagawa kundi sumunod sakanya. Kasalukuyan na kaming nakaupo sa isang mahabang lamesa habang nag-iinuman. Pati si miss sexy nakisali na din, ewan ko ba kung pano siya napapayag ni Achilles na makipag-inuman samin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Evil's eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon