edited 2

0 0 0
                                    

"BEST, look at this. Sa tingin mo, magugustuhan ito ni Girlie?" Nasa timbre ng boses ni Anthony ang excitement. Inilahad nito ang palad sa harap ni Mica at tumambad sa paningin ng dalaga ang isang makinang na engagement ring.
Wow. Nasa plano na talaga ni Anthony na pakasalan si Girlie, reaksiyon ng isip ni Mica. May kung anong tumusok sa dibdib niya. Kung alam lamang ni Anthony na kanina pa hindi mapakali ang kalooban niya. Mula pagkabata ay kaibigan na niya si Anthony - Guwapo, mabait, mayaman. Mga katangian ng isang lalaki na tipikal na hinahanap ng isang simpleng babae na tulad ni Mica. Kaya naman nang magising siya isang umaga na may pagtingin na siya sa kaibigang lalaki ay hindi na iyon pinagtakhan ng dalaga.
Subalit ang ganoong damdamin ay pinananatili lamang niyang lihim. Lihim din siyang nasaktan nang maging girlfriend nito ang isa sa malapit niyang kaibigang babae na si Girlie.
Subalit sa ngayon ay doble ang nararamdaman niyang sakit. Hindi lamang sa sarili kundi maging para kay Anthony rin.
Hindi niya gustong patayin ang excitement at sayang nadarama nito ngayon. Sa paanong paraan ba niya masasabi rito ang huling naging pag-uusap nila ni Girlie?

"I'm leaving now with Jojo. Ikaw na ang bahala kay Anthony, Mica. Alam kong kaya mo siyang i-comfort. I tell him already that I don't love him anymore... Ayaw niya 'kong pakawalan. So, gumawa na 'ko ng paraan. Sa totoo lang, hindi ko na dapat sinasabi pa sa 'yo ito. Pero kaibigan din kita, Mica. At hinihiling ko sa 'yo na ikaw na lang ang magsabi sa kanya... Pero pakiusap, hayaan mo munang makalipad ang eroplanong sasakyan namin ni Jojo..."
Sa mga sinabing iyon ni Girlie ay nais sumbatan ni Mica ang kaibigan. Utang-na-loob pa ba niya na marinig ang mga ipinahayag nito sa kanya?
"Bakit kay Jojo pa?" May hinanakit sa tinig na tanong niya. Nasasaktan siya nang mga sandaling iyon, subalit ang nadaramang sakit ay mas para kay Anthony. Hindi niya gustong ma-upset ito sa lovelife. Batid niya kung gaano nito kamahal si Girlie na halos sambahin na ang babae. Tiyak na guguho ang mundo ni Anthony oras na malaman nito ang planong iyon ni Girlie.
"Bakit kay Jojo pa na pinsan ni Anthony?" ulit ni Mica sa tanong. Dobleng dagok ang nakaambang maranasan ni Anthony dahil malapit na pinsan nito si Jojo. Hindi gustong isipin ni Mica ang magiging miserableng anyo ni Anthony sa nakatakda nang sapitin nito.
Hindi pa man ay pinangingiliran na ng luha si Mica. Biglang bumigat ang pakiramdam niya. She always wanted the best for Anthony. Doble ang saya niya kapag nakikita itong masaya. Kahit pa nga noong naging girlfriend na nito si Girlie ay naisasan-tabi niya ang labis na jealousy. Alam niya kung saan ilulugar ang sarili.
At ngayong si Girlie din ang magiging dahilan ng pagkawasak ng puso ni Anthony, ay nais na niyang mamuhi sa kaibigang babae.
"Hindi ko na kailangang i-explain sa 'yo kung bakit kay Jojo pa ako sasama." Nagkaroon ng iritasyon ang tinig ni Girlie. "Basta ang masasabi ko lang, si Jojo na ang mahal ko ngayon."
At sa huling sinabi nito ay alam ni Mica na tinatapos na Girlie ang kanilang usapan.
Hanggang sa umalis na ang kaibigang babae at naiwan siyang kasalukuyang tigagal.
Noon naman siya nakatanggap ng mensahe sa CP na nanggaling kay Anthony. Ayon dito ay iniimbitahan siyang kumain sa paborito nilang restaurant at may ipapakita raw itong kung anong bagay sa kanya. Nais daw nitong hingin ang opinyon niya.
Sa text pa lang ay ramdam na ni Mica ang excitement na kalakip ng mensahe ni Anthony.
At nang makita niya ang bakas ng tuwa sa mukha nito nang katagpuin niya ito nang gabing iyon, naisip ni Mica, kailan kaya niya muling makikita na ganoon kasaya si Anthony oras na masabi na niya rito ang ipinapasabi ni Girlie.

"UY, best, hindi ka na kumibo d'yan," untag sa kanya ni Anthony. "Para kang natulala, ah. Tinatanong ko kung magugustahan kaya ni Girlie 'tong binili kong engagement ring."
Sa tama ng ilaw ay kuminang ang sising sa palad ni Anthony. Simple lang ang design kung tutuusin pero tiyak na hindi biro ang halaga niyon.
She don't know what to say. Hindi niya alam kung ano ang tamang reaksiyon ang puwede niyang ibigay kay Anthony.
Namalayan na lang niyang inabot nito ang isang kamay niya at isinuot sa daliri niya ang singsing.
At that moment ay gusto niyang mangarap subalit hindi iyon ang tamang oras.
At sa kalooban niya ay ramdam niyang nagluluksa na ang puso niya para kay Anthony.
Ang dahilan kung bakit isinuot nito sa kanya ang singsing ay dahil alam ni Anthony na magkasukat sila ng daliri ni Girlie.
At habang nakatingin ito ngayon sa kanya, sa mga mata ni Anthony, ay nasalamin ni Mica na ini-imagine nito na si Girlie ang nakikita nitong may suot ngayon ng singsing.
Mariing nginangatngat ng lungkot ang puso niya.
"Anthony, may sasabihin ako sa 'yo... tungkol kay Girlie," aniya na hindi na kayang patagalin ang dahilan na nagpapaligalig sa kanyang sistema.
Nahimigan ni Anthony ang kaseryosohan sa tinig niya. Ang ngiti sa mukha nito ay unti-unting nawala.
"What about her?" May bumangong pangambang tanong ni Anthony.
Sa isip ni Mica ay maaaring nakalipad na nang mga oras na iyon ang eroplanong maghahatid kina Girlie at Jojo papuntang America.
"Umalis na siya," aniyang walang ligoy. "Umalis na si Girlie, kasama si Jojo."
Ang pagkagulat sa mukha ni Anthony ay hindi mailarawan ni Mica. Agad nitong naunawaan ang sinabi niya.
Kung puwede lamang niyang bawiin ang sinabi.
Ang sunod na namalayan niya ay sinusundan na niya si Anthony patungo sa parking lot ng restaurant. Nakita niya kung paanong sinuntok nito ang pintuan ng kotse nito.
Hindi agad ito sumakay ng kotse. Sa halip ay nanatili lamang nakatayo sa gilid niyon si Anthony. Bakas sa mukha ang labis na sakit sa ginawa ni Girlie.
She felt heavy in her chest nang makitang may butil ng luha ang pumatak mula sa mata ni Anthony.
She knew na walang salita ang puwedeng magpagaan ngayon sa nararamdaman ni Anthony.
Nais niyang ibahagi rito ang kanyang simpatya, lumapit siya at nakuha niya itong yakapin.
Walang salitang hinayaan lamang siya ng binata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon