Chapter 2

55 2 0
                                        

"HARLEY PEREZ! Napanaginipan mo ba na mawawalan ng pagkain kaya sobrang dami ng inorder mo?!"

Si Elle yan yung bestfriend ko. Oo. Siya yung bestfriend kong kontra sa pagdedaydream ko. Siya si Isabelle Granada. Joke. Siya si Isabelle Delos Reyes.  Elle for short. At eto siya ngayon nagdadaldal dahil marami akong binili.Para ko yang nanay na makapagsermon wagas pero kahit ganyan yan Mahal ko yan.

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

"Oy tara na Ley, Baka malate tayo"

Dali dali siyang tumayo at kinuha ang gamit niya.

"Elle! Teka. Ang sakit ng tiyan ko. Samahan mo ako sa CR saglit."

" Ayan kasi ang dami daming kinain, ayan tuloy tinatawag ka ng kalikasan".

"Antayin mo ako sa labas ng CR."

"Oo na. oo na. Dalian mo at baka mapagalitan pa tayo ni maam Katakutan."

"Okkkkkkk".

Pagkatapos kong maglabas ng sama ng loob ay naghugas ako ng kamay at dali daling lumabas.

" Tara na sucess!"

Patakbo kaming pumunta ng room. At hindi nga kami nagkakamali start na ng klase.  Pagbukas namin ng pinto ay napatigil kami. May nakatayong lalaki sa harapan. Dahan dahan kaming pumasok para hindi mahuli ni Maam Katakutan pero hindi kami nagtagumpay.

"Miss Perez and miss Delos Reyes! Why are you late?"

Nabigla ako hindi dahil sa pagsigaw ni Maan kundi sa Pagharap ng lalaking nakatayo kanina sa harapan.

Tama ba ang nakikita ko? Kung panaginip to wag na sana akong magising. Please. Nakatingin siya sa akin. Nagtataka siguro kung bakit ako nakatingin sa kanya. Dug. Dug.Dug. dug. dug. dug. Ganyan ang kabog ng dibdib ko.

"Miss Perez! Are you listening?"

Nanatili akong nakatingin sakanya. Huwag na sana akong gumising kapag panaginip ito. Handa akong mabangungot kung bangungut man ito. Kasi this is the sweetest bangungot ever kung bangungot man ito.

"Miss Perez! Miss Perez!!"

"Huh? Maam?"
"Ano bang nangyayari sa iyo? Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka dyan. Are you okay? May sakit ka ba?"

"Wa- wala po maam. Sorry po"

Dali dali akong pumunta sa upuan ko. Bigla akong tinapik ni Elle.

"Hoy babae, anong nangyayari sa iyo? "
" Elle! Si ano.. si anooo..."

"Ah? ano Ley. Nakdrugs ka ba?

"Hindi. Elle. Yung boyfriend ko..."

" Ano? Hoy! Nakadrugs ka nga ata? Wala ka namang boyfriend ah!"
"I mean yung wallpaper boyfriend ko. Siya yung wallpaper boyfriend ko."

"Huh? Timang ka talaga.  Artista ata yang boypren boyprenan mo na iyan."

Napatigil kami noong nagstart ng magsalita si....

" Hello. Good morning. Im Edward Corpuz. 16 years old. I transfered here because of some Private matters."

Shiiiiit... Edward. Hindi siya poser. Yun ang pangalan niya s facebook.

Ahhhhhhh... Natupad na ata ang pangarap ko. Hindi ko na kailangan ng private investigator para ipahanap siya dahil siya na ang kusang nagpapakita.

O my! I think Im gonna die. My wallpaper boyfriend is here...

To be continue....

Thank you for reading....
Comment po kayo....... Salamat. <3

&quot;My Wallpaper Boyfriend&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon