Chapter 6

27 0 0
                                    

Pagpasok ko sa loob ng bahay tinanong agad ako ni mama kung sino yung lalaking naghatid sa akin kanina. Napagkamalan pang boyfriend ko si Edward. Pinaliwanag ko naman sa kanila na classmate ko siya at partner ko ito sa Investigatory Project namin. At ayun duon tumigil si mama s katatanong.
Kung alam mo lang ma. Siya yung lalaki sa wallpaper ko na lagi kung pinagpapantasyahan.

Kaso hindi ko pwede sabihin kay mama yun dahil baka kung ano ano nanaman ang isipin nila.

Andito ako sa kwarto ko ngayon. Nakahiga,nagiisip habang nakatingin sa kisame. Kanina nagrerewind sa utak ko yung paguusap namin ni Edward kanina at yung mga kilos niya. Hindi lang pala siya gwapo kundi sweet din pala siya. Waaaah. Kinikilig talaga ako kanina. Nilibre niya ako ng milktea,nag alala siya s akin kung bakit ako nakatulala at panghuli hinatid niya ako sa bahay.

"Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeehhhh!!!!"

*Knock»knock»knock»

"Anak! Bakit ka tumitili dyan. May problema ba?"

Hala. Narinig pala nila mama. Kasi naman! Parang sasabog ang puso sa sobrang kilig. 

"Wala po ma. May ipis lang po akong nakita."

"Okay. Kunin mo yung spray sa cabinet at iispray mo para mapatay yung ipis."

"Si-ssge po"

Hahahaha. Kung ipis lang sana tong feelings ko ay matagal ko ng inisprayhan ng pestiside para naman mawala na ito at matigil na itong kabaliwan ko. Parang sobrang bilis ng pangyayari. Hanggang ngayon hindi talaga ako makapaniwala na classmate ko siya. Parang panaginip lang kasi ang lahat. Oh Edward! Ako ang Bella ng buhay mo!

HAHAHA. Baliw na talaga ako.

**************

Kinabukasan muntikan ma akong malate sa first period ko dahil nalate ako ng gising. Eh paano ba naman hindi ako makatulog kakaisipsa kanya.

Di makatulog sa gabi sa kaiisip...
Lalalalalala....

"Hoy bae! "

"Oh bakit?" Tanong ko kay Elle.

"Tulala ka nanaman."

"Hindi naman ah. May iniisip lang"

"Sus! Si Edward yan noh"

"Hindi noh." Pagdedeny ko.

"Tss. Deny pa more! Btw, anong nangyari sa meeting niyo kahapon?"

"Okay lang naman." Sabay ngiti ko sakanya habang naalala ko nanaman yung nangyari kahapon.

"At paanong okay? Kwento na dali!"

"Tss. tsismosa!"

"Tsismosa agad? Bespren tayo kaya may karapatan akong pagkwentuhan ng ganyan."

"Tss. Oo na."

At ayun kwenento ko sakanya yung nangyari. Kinilig naman ang lola nyo.

"Aww. ang sweet nya pala.Baka type ka nya Ley?"

"Tss.Type? Hindi yan noh. Malabong mangyari yun"

"Eh bakiit naman?"

"Gwapo sya. Maganda ako.Hindi kami bagay.Hahahaha" Pagbibiro ko.

"Baliw ka talaga."

"Pero seryoso Elle. Malabo sigurong magustuhan niya ako. hindi naman ako kagandahan kagaya ni Stacey na naakit lahat dahil sa kagandahan "

"Malay mo maduling siya at mainlab sayo?Hahahaha"

"Tsee.  Kalokohan mo talaga"

+-+-+-+-+-+-+-+

"Nakaisip na ako ng topic natin"

Sabi ko kay Edward. Asa room kaming dalawa at nagplaplano paea duon sa IP namin.

"What is that?

"According to my research. Avocado maraming proteins and vitamins and rich siya sa vitamin D. Ang pinagiisipan ko ay gagawa tayi ng facial mask gamit ito. Pero merong karagdagan ingredients. Tsutsu.."

"Okay. I like that. Nice Idea!"

"Thanks. So let's start for our write ups"

"Sige"

Madilim na ng matapos kami. Nakakapagod talaga gumawa ng IP.

Hays. Kung hindi lang ito compulsary hindi ako sasama dito. Hays.

"Tara na. Hatid na kita"

"Edward. Huwag na maabala ka pa."

"Hindi. mahirap na babae ka pa naman. tyaka konsensya ko pa kung may nangyari sa iyo dahil hindi kita inihatid"

"Eh. Hindi mo na ako responsibilidad. Okay na ako."

"Hays. Wag ka na lang makulet ihahatid na kita. Okay?"

"Okay"

Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.Dug.

Puso ko! Mabilis nanaman ang pagtibok nito. Hays. Edward.Bakit ka ba ganyan ang sweet mo parang gusto ko na tuloy maniwala kay Elle na type mo ako.

Kung totoo ng yun. Baka ako na ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa.

To be continue....

Helloo!!! Salamat sa pagtyatyagang basahin itong story ko. Pasensya na po sa mga errors. Mapawrong grammar man at spelling pati na ri ang typo error. Sensya na po.

Enjoooy reading! Salamat talaga mga readers. <3

(@Sparksley)


&quot;My Wallpaper Boyfriend&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon