PROLOGUE

125 1 0
                                    

Sabi nila, maghintay lang ako. At darating siya.

Sabi nila, magtiis lang ako. At babalik siya.

Sa mga panahong gustong gusto ko ng sumuko, hindi ko ginawa.

MAHAL KO KASI SIYA. MINAHAL KO SIYA.

Pero bakit ganon? Ako na naghintay, ako na nagtiis, ang masasaktan sa huli?

Nagkulang ba ako?

Hindi ba sapat ang pagmamahal ko sakanya? 

Umuwi nga siya, pero may kasama siyang namang iba. 

 Ansakit sakit. Masaya ka bang nakikita akong nasasaktan?

Masarap ba sa pakiramdam na makita akong lumuluha at tila bang natalo sa isang laro?

Laro lang ba sayo ang lahat? Hindi ko kayang maniwala na laro lang. Dahil sa tuwing tumitingin ako sa mga mata mo, pakiramdam ko isa akong crystal na iniingatan mo at ayaw masaktan. Pero siguro nga pakiramdam ko lang yon. Sinasaktan mo ako e. 

Ano ba talagang nangyari sayo Mahal ko?

Bakit bigla ka nalang nagbago?

Bakit bigla mo nalang akong iniwan at ipinagpalit sa iba?


Loving You For No ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon