"Nea, nakikinig ka ba?" saad ni Matty
"Ha?" sagot ko.
"Kanina pa ako nagtatalak dito tapos hindi ka pala nakikinig?" may tampo sa tono nito.
"Sorry na Matty. May iniisip lang." Tumingin siya sa mga mata ko na may pag aalala.
"Nea, alam kong may problema ka. Ilang buwan ka ng ganyan e. Ano bang problema?" Napagbuntong hininga nalamang ako.
"Hindi pa kasi siya tumatawag. Ni text wala. Kinakabahan na ako. Baka hindi niya na ako balikan. Matty ayoko. Hindi ko kaya." Naiiyak kong sabi.
"Nea, wag kang mag-alala. Mahal ka nun. Babalik yon. Magtiwala ka lang sakanya. Atsaka, isa akong saksi sa pagmamahal niya sayo noh. Hindi niya kayang iwan ka." Hinagod niya ang likod ko at marahang tinapik ang aking balikat.
-
Ilang araw pa ba ang kailangan kong hihintayin? Buwan ba? Taon ba? Chace, malapit na akong sumuko. Malapit na. Limang taon na ang nakalipas mula nang nilisan mo ang bansa. Limang taon na ang nakalipas mula nang mahawakan ko ang iyong mukha at mayakap ka. Miss na miss na kita. At ngayon, apat na buwan ka nang hindi nagpaparamdam. Anong nangyari? Ayokong isipin na may iba ka na dahil hindi ko makakaya.
Nga pala, ako si Selenea Menevidez. Simple tao lamang. Hindi sikat, pero maraming nakakakilala. Nasa average lang rin ang aming buhay. Hindi mayaman, at hindi rin mahirap-sakto lang. May isa akong kapatid. Kapareho kong babae. Ngunit wala siya rito, nasa tita ko. Doon kasi siya nagtratrabaho. Si mama lang ang kasama ko. Dahil si daddy, nasa trabaho. Isa siyang arkitekto. Dalawang araw bago siya umuuwi.
Si Matty Mendez naman ang isa sa mga kaibigan ko. Nasa bakasyon kasi sila Van. Well, karamihan sa aming magkakaibigan ay lalaki.
-
Nagising ako dahil sa dampi ng araw sa aking mukha. Umaga nanaman. Agad kong tiningnan ang cellphone ko, nagbabakasaling tumawag na siya. Agad naman akong nakaramdam dismaya dahil wala ni isang text akong natanggap mula sakanya. Kainis!
Agad akong bumangon at naghanap ng susuotin. Idadate ko nalang muna ang sarili ko para kahit papano ay maibsan naman ang kalungkutan ko.
--MALL--
Habang naglalakad ako ay may nabundol akong buntis na babae. Hmm. Kaedad ko lang siguro ito. Agad ko siyang tinulungang tumayo.
"Pasensya na ha. Hindi kasi kita napansin." pagpapaumanhin ko.
Ngumiti ito, "Ayos lang yon. Hindi rin kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko."
Ngumiti rin ako pabalik at inabot ang kamay ko.
"Ako nga pala si Selenea Menevidez."
"Mikaela Fortez." at inabot ang aking kamay. Parang hindi siya nagtratrabaho dahil sa lambot ng kamay nito.
"Nagmamadali ka ba? Kain muna sana tayo, if you don't mind?"
"Sorry. Kailangan ko na kasing umalis. Baka magalit pa sa SIYA. Ayaw NIYA kasi akong lumalabas ng mag-isa. Sige. Bye. Ingat ka paguwi Selene." Sa huling pagkakataon ay ngumiti siya.
Sino tunutukoy nun? Tsk. Tsk.
-
Umuwi na ako matapos bumili ng sandamakmak na damit. Ansakit na rin kasi ng paa ko. Nang makauwi ako ay nadatnan ko si Mamang nanunuod.
"Oh anak, lika rito. Nuod muna tayo."
"Pass muna ako ma. Gusto kong matulog."
"Sige. Gisingin nalang kita mamayang hapunan."
Tumungo na ako sa kwarto. Nagbihis at natulog.
BINABASA MO ANG
Loving You For No Reason
RomancePS: I'm warning you. May mga grammatical errors po dito sa story na to. At kung ang hinahanap niyo ay ang perpektong story, well, hindi ko po rinerecommend na basahin niyo toh. ^_^ just sayin'. -MissNelle-<3