First love, first heartbreak

56 0 0
                                    

Incoming 4th yr highschool student ako nun, nung magkakilala tayo through common friends. Pero since sophomore ako crush na kita. Sabi mo na nun kaya moko nakilala kasi ang ingay ingay ko. Holy week comes, sa prusisyon dun tayo start nagkausap. Akala ko that time my girlfriend ka yun pala nililigawan lang. Dun mo din hiningin number ko.

Naging textmate tayo. Until one day. Sa isang game sa vleague, bigla mong hinawakan kamay ko di ko naman tinanggal kaya ayun napagkaisahan na tayo ng mga barkada mo, e di ko alam may nililigawan ka pala nun that time na player so nakita nya na magkahonding hands tayo so nagalit sya.

Habang magkatext tayo isang araw, nagkaroon tayo ng deal thru a boxing fight. If I win di ka iinom, if you win magiging tayo. Ending naging tayo. Natalo ko. Masyado kong sineryoso yun pero sayo pala joke lang yun. May 2, 2010 yun pero para di pa tayo sure parehas if totoo nga yun. The next day hinatid nyo ko with our other friend dito and nag decide tayo na dito na kayo mag sleep over kaya dun na tayo nagdecide na official na tayo.

May 14,2010 nakita kita kitang kasama mo yung nililigawan mo bago ako. I was so hurt that night. Iyak ako ng iyak. Di kita mahila dahil muka kang masaya, pero naayos din natin yun.

Naging masya tayo. First 5mons of our relationship was wonderful. Nasa iisang bahay tayo. Ihahatid moko sa school sa umaga pag may pasok ako, sa tanghali sa inyo ko, sa hapon suunduin kita at uuwi na tayo sa bahay. Di yo nagloload masyado kasi araw araw tayong magkasama. Pag may liga ka ng volleyball lagi akong nandun para suportahan ka. Pag may practice ka kasama parin ako. Namamalengke tayo na magkasama.

Naging sobrang saya ko na sa bawat pagmulat ng mata ko nakikita ko yung taong mahal ko. Habang nagluluto ako may tayong naghihintay na matapos ako. May sumasabay sa kalokohan ko. Pag naging sya sa tanghali at wala ako sa tabi nya hahanapin nya ko sa buong bahay kasi akala daw nya iniwan ko na sya. Pag tininotoyo ako yayakapin nya ko at papatawanin nya ko sa mga jokes nya o kaya sasabihin nya kung gano nya ko kamahal.

Ang bilis. Sobrang bilis ng mga panahon na masaya kami. Hanggang sa napapadalas na yung paglabas nya kasama mga barkada nya. Pumapayag ako kasi alam kong magiging masaya sya. Hanggang sa uuwi ka nalang sakin ng lasing. Hanggang sa nagloko ka na.

Nahuhuli nalang kita na may nga babae. Yung iba hinaharap mo pa sakin. Minsan sinurprise kita sa court dahil may liga sya, pero may babaeng andun at pinauwi moko sabi mo pa gabi na kasi. After ilang days sinurprise kita uli pero ibang babae nanaman yung nasa harap ko. May time pa na sabi mo nasa inyo ka pero tawag ako ng tawag pero nasagot mo ng di sinasadya at nadidinig ko usapan nyo andun ka pa sa isang babae mo. May time din na dineny moko na girlfriend mo. Kahit ganun, kahit sobrang dami namin. Naging kaibigan ko silang lahat. Nakausap. Tinanggap ko naman lahat yun kasi mahal kita. Pero kahit ikaw may kasalanan madalas ikaw pa galit. Ako pa nagsosorry.

Isang araw kasama ko pinsan nya, nagtext sya "bhe wag mong dadalin dito si *insert my name* andito si *insert Tropa daw nya's name* nabasa ko ng di sinasadya. Pumunta ko sa kanila, nakita ko silang sobrang sweet at gulat na gulat silang dalawa na nakita ko. Kinausap ko sya. Sabi nya pupuntahan lang daw nila yung isa nilang barkada sasamahan lang daw nya yung babaeng tropa lang daw nya, pero before ko pa sya sinasabihan na layuan yun. At dahil dun tinwagan ko yung common tropa nila pareho nung sinagot yung phone sabi ko " pakisabi jan sa bestfriend mo, matuto syang pumunta sa bahay ng mag-isa hindi sinasama pa si *insert my ex's name"

Umuwi akong umiiyak, dahil pinauwi ako nung ex ko. (Kami pa that time) badtrip umulan pa at naglalakad lang ako. At nakatanggap ako ng text mula sakanya "ayoko na, maghiwalay na tayo" mas lalo akong umiyak. Ako: bakit? Sya: masyado ka kasing mabait.

Pumayag ako kasi sabi ng mga kaibigan ko kung mahal ka nun babalik yan kaso di ako binalikan. Nanatili yung communication. May time na nagmamakaawa ako na bumalik sya kaso wala hanggang sa pumunta sya ng Davao. At sumunod dun si girl( sya din si tropa) at dun naging sila. Masakit man tanggapin pero wala nako magagawa dun. Para kong sinampal sa mukha. Lalo na ng nga dati kong barkada na alam nila yung totoo at tinago sakin ang lahat.

Minsan na napagtripan nya ko na itext nung nasa DVO pa sya nasa school ako nun "baby san ka? Sundo kita" nataranta ko. Sabi ko pauwi nako sige. Tapos sabi mo " tagal ka pa pala wag na" sabi ko hindi saglit lang to. Sabi mo "joke lang".

At dun ramdam ko na wala nalang talaga ko sayo. Alam ko sa araw na yun masaya ka na. Masaya ka na wala ako.

Destiny (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon