Epilogue

3.5K 214 52
                                    

Chanyeol's Point of Views.

Pagkatapos ng ilang maraming taon, nakita ko na rin kung gaano kaganda ang mayroon ang mundo na ginagalawan ko. Hindi ko na kailangan ng tulong ng iba para lamang makalakad. Hindi ko na kailangan mangapa-ngapa pa para lang makuha ang gusto ko makita. Hindi ko na rin kailangan magutos na basahan ako kasi nababasa ko na ang bawat salita na..

Nasa notebook ni Baekhyun.

Napangiti ako ng mapait, bakit? Bakit? Mas gugustuhin ko pa na mabuhay sa kadiliman keysa na mawala sya. Ang sakit, parang ako pinapako sa puso. Sana.. sana pinapanood nya ako mula sa itaas.

Iniangat ko ang ulo ko para pagmasdan ang ulap, ang itaas kung saan andoon si Baekhyun.

Nawala ang mapait na ngiti sa labi ko.

Yung huli nyang mga salita, naalala ko pa. Gising ako nun, nagising ako. Umiiyak sya, narinig ko sya. Sinabi nya, huwag ko na daw sya hintayin. Nagtaka ako nung una, akala ko mahaba pa ang buhay nya ngunit.. hindi na pala nagawan ng lunas ang brain tumor nya.

Noong nagising ako, ang una kong nakita ay si Kyungsoo. Namumugto ang mga mata nya, nakakapit sya kay Jongin, pagpapakilala nya sakin sa kasintahan nya. Nang nakita nya ako nakadilat na at nakangiti, nakatitig sa mga mata nya at nagtatanong kung nasaan si B, doon na sya humagulgol.

Hindi daw nakayanan.

Hindi daw nakayanan ni Baekhyun.

Masakit.

Sya yung tao pa naman na inaasahan ko na nasa tabi ko, hawak-hawak ang kamay ko habang mahimbing ako natutulog at paggising ko, gusto ko ngiti at yakap nya ang sasalubong saakin.

I was wrong.

Ang hirap talaga umasa, ngunit wala ako pinagsisihan kasi may worth yung tao na inasahan ko.

Kaya nga lang, bumitiw sya.

Kasi may humatak sakanya pababa.

"B." I whispered, I feel very small right now eventhough I'm tall like a skycraper.

I'm here in his room, it's been a month since Byun Baekhyun died. But whenever I'm inside of his room that became his second home, I felt that I'm not alone.

I feel he's watching me with his cute adorable twinkling eyes.

Lalo nga ako naging emosyonal ng sinabi sakin ng nurse na hindi na ako pwede dumalaw dito kasi may bagong pasyente daw magooccuppied ng kwarto na 'to. Tumango nalang ako sa babae at sinabing naiintindihan ko kahit sa totoo lang, ang hirap intindihin.

Ngayon ang huling pagdalaw ko sa kwarto ni Baekhyun, sa tuwing itatapak ko ang paa ko paloob ng kwarto na ito, sumisikip ang dibdib ko.

Naalala ko nung isulat nya sa notebook nya na muntik na daw ako mahulog sa hagdanan, buti nalang daw nakahawak ako sakanya.

Sana, sa hagdanan nalang din nahulog si Baekhyun. Handa akong hawakan sya, hawakan ng mahigpit o magpahulog din kung yun lang ang paraan.

Sino ba niloloko mo, Park Chanyeol. Bulag ka pa nung mga oras na namatay sya. Bulag ka pa nung mga oras na minahal ka nya. Bulag ka pa nung oras na kinailangan nya ng tao na bubuhat sakanya para hindi sya mahulog at tuluyan na mawala.

"Yeol, dapat ata siguro magpasalamat ka kay Baekhyun. Baka nahulog ka na dun. Niligtas ka nya. Malay mo, kung wala sya dun napilay ka naman."

"Sino si Baekhyun?"

Pinisil ko ang nakapikit kong mga mata, nakasilip sa bintana na kung saan pumapasok ang malamig na hangin sa loob at yinayakap ang katawan ko. Lagi ko nalang tinatanggi si Baekhyun, nakakatawa na sya pa ang tao na sumagip sakin.

Baekhyun, mahal kita.

Mahal mo parin ba ako?

Wag kang maghanap dyan sa langit ng iba ha.

"Aish, Chanyeol. Baliw ka na." Hindi ko na nagawang tumawa, tumungo ako sa hospital bed ni Baekhyun at naupo ako doon.

Nadako ang paningin ko sa gilid, sa may dingding na mayroon na malaking cracked. Kumunot ang noo ko. Curiousity attacks my mind.

My brain keeps on screaming that I should do something with that wall.

I shrugged my shoulders, dumapa ako para mas matignan ang hati ng pader na iyon. Nilapit ko ang mukha ko at bumilis ang tibok ng puso ko ng may makita akong white paper na nakaipit sa loob.

Hindi sya mahirap kunin dahil may tali na panghatak para mailabas ang papel.

Hinatak ko iyon.

Namamawis ang palad ko.

Ng mailabas ko, puro na ito alikabok at may konting dumi na rin ang harapan ng papel.

Ngunit, wala akong pake kung madumi ang papel. Ang labis kong kinabahala ay may nakalagay na malaking C sa likod ng letter.

Nanginginig ang mga daliri ko ng buksan ko ang sulat ni B.

Huli nyang sulat.

Nang mabuksan ko, simple lang pala ito na papel na pinilas sa notebook nya.

C,

If you're reading this right now, I think you finally own my eyes. How is it? I may be not with you, but remember you have my eyes. I want you to face the mirror every morning, stare at your eyes through it and you can see me, you can see me using those eyes. Yeol, I don't want you to keep on seeing the dark side of the world, I want you to see the bright side.

Move on. Move on without forgetting me. Love somebody else. But don't love her just because she remind me of you, love her because you're willingly to spend your life with her.

I am being a masochist now, a sadist or whatever. I love you, Chanyeol.

Byun Baekhyun.

It's not that easy to move on, Baekhyun. Hindi madali. Kung kasing dali lang yun ng pagtulog at paggising ay wala na, edi sana matagal na kong bumitiw.

Pero hindi eh, andito parin.

Nilapag ko ang papel sa kama ni Baekhyun at tumayo para humarap sa salamin. Kanina pa pala ako umiiyak, tsk. Park Chanyeol, tsk.

Hinilamos ko ang mukha ko, tumingin ako sa mga mata ni Baekhyun. Nagulat ako kasi, parang nakikita ko sya.

Katulad ng sabi nya.

Nakikipagtitigan ako sa mata nya sa salamin at biglaan na lamang nagdilim ng may tumakip sa mga mata ko.

Hinawakan ko ang kamay na iyon at para bang pamilyar ang init ng kamay nya.

Sobrang higpit ng takip nya sa mga mata ko, wala ata syang balak na alisin ito.

"C."

Fuck.

That voice.

"Park Chanyeol,"

Shit.

That sound.

"I love you,"

Those three words.

I almost died on the spot.

Nawala na ang kamay na tumatakip sa paningin ko at nagulat ako ng makita ang bukas na bintana kanina ay nakasarado na.

Nagpaparamdam parin sakin si B.

Sapat na ako dun.

Bumalik ulit ang ngiti ko sa labi.

Baekhyun's still watching me.

Gusto daw kasi ng iba ng epilogue so ayan na ;aaaa; bago ako matulog i updated na hihi ;aaaaa; lamyuuuuu.

100 Pages (Chanbaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon