Baccalaureate Courses Offered After SHS (ABM Edition)

69 3 2
                                    

Hi, guys, your Ateng Mavi is back!

So, ginawa ko 'tong chapter na 'to para sa mga estudyante na katulad ko na gustong mag-pursue ng business-related courses sa kolehiyo at sa mga estudyante na hindi alam kung anong kukuning kurso matapos aksidenteng magpa-enroll sa ABM strand o 'di kaya mga nag-ABM dahil do'n mga friends nila o dahil wala na silang choice kasi ayaw nilang mag-STEM at HUMSS o 'di kaya mga nag-ABM dahil trip lang nila HAHAHAHAHA hoy aminin, nagawa 'yan ng iba rito! Itong chapter din na ito ay para sa mga nakapagtapos na ng SHS major in ABM strand na hindi pa alam kung saan sila pupunta. Dun chuworiwori, sagot kita! Because this chapter is for all of us!

Ang ibang kursong nakatala sa ilalim ay pamilyar ko na at ang iba ay hindi pa, pero may ideya na ako. May mga kurso rin na hindi ko naisali dahil hindi ko pa kilala kaya pagpasensiyahan niyo na ako, okay? Kung may alam kayong iba, comment niyo lang sa ibaba.

Listed below are the Baccalaureate Courses Offered after graduating Senior High School in ABM Strand.

1. Bachelor of Science in Accountancy

2. Bachelor of Science in Accounting Information Systems

3. Bachelor of Science in Internal Auditing

4. Bachelor of Science in Customs Administration

5. Bachelor of Science in Office Administration

6. Bachelor of Science in Tourism Management

7. Bachelor of Science in Real Estate Management

8. Bachelor of Science in Business Administration with specializations in:

a. Financial Management

b. Marketing Management

c. Human Resource Management

d. Operation Management

e. Business Economics

9. Bachelor of Science in Hospitality Management

10. Bachelor of Science in Management Accounting

11. Bachelor of Science in Agribusiness

12. Bachelor of Science in Entrepreneurship

So, kaunting tip lang sa mga JHS at SHS diyan na mag-isip-isip na hanggang maaga pa kung anong kukuning kurso sa college para hindi kayo nganga kapag mamimili na kayo ng kurso sa susunod. Sa mga nakapagtapos na ng SHS at hindi pa rin alam kung anong kukunin, piliin ang kurso na malapit sa damdamin niyo, alam niyong kaya at kakayanin niyo hanggang sa huli. 'Wag kayong matulad sa akin na nagsisi sa kinuhang kurso HAHAHAHAHAHA pero beybs, still happy pa rin kasi nasa linya pa rin ng pangarap ko.

Sa mga nagtatanong diyan kung ano ang kinuha ko, hulaan niyo! Kidding aside, I took BSBA major in Financial Management kasi alam kong hindi ko makakaya ang BS Accountancy HAHAHAHAHAHA kasi mahina ako sa Business Laws at Taxation, thank you very much! Pero ayern, may Business Laws at Taxation pa rin ang kursong kinuha ko, traydor lang HAHAHAHAHAHA.

I know this is kinda late but I want to congratulate all graduates this School and Academic Year! We made it, guys! 'Yong akala mo hindi mo malalampasan at makukuha, pero akala mo lang 'yon dahil nakaabot ka at nakuha mo 'yon! Know that Ate Mavi is so proud of you! Kung nakayanan natin ngayon, kakayanin pa natin sa susunod! Keep it up, guys!

Wonders of AccountingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon