Chapter 4

472 10 0
                                    

Chapter 4

Isang katok ang narinig ko mula sa pintuan, alam ko namang si Dustin yun kaya di ko na pinansin at pinagpatuloy na ang ginagawa ko.

Nagtext sakin kanina si Neil na pupunta sya dito, mga 11:30 am. Pero di pa ako nakapag grocery, kaya baka sa labas nalang kami kakain mamaya.

Ilang minuto pa ay natapos ko na ang ginagawa ko, kaya pumunta na ako sa cr at nag shower dahil ang lagkit ko na. Halos white ang disenyo ng Cr, and kwarto ko naman ay color blue pastel ang kulay. Sigurado akong pinaayos na toh ni mommy, dahil na tawagan nya ako ng isang araw kung ano daw ang paborito kong kulay.

Pinagmasdan ko sa salamin ang itsura ko ngayon. Naka white sweater ako, at leggings na black, sinuot ko narin ang binili kong house sleepers. Tapos nun ay lumabas ako ng kwarto kasama ang libro ko at nagbasa sa sala. Ngayon ko lang napansin na wala na si Dustin dahil mukhang tahimik na ang unit o sadyang tahimik lang sya, hindi naman halata na tahimik siya.

I check the ref. At may laman na iyon. Baka sa kanya lang yan, so mamaya na ako bibili ng grocery ko.

Pagkasara ko ng ref ay may nakita akong note na naka dikit sa ref.

"I'll be back later, may kukunin lang ako sa office. Wag kang magpapa pasok ng kung sino rito, wag mo na akong lutuan sa labas ako kakain," Basa ko sa nakasulat.

"Huh! Feeling mo ba paglulutuan kita?" Sabi ko. Bigla namang may nag doorbell kaya binuksan ko yun, at tumambad ang pamilyar na mukha sakin.

"Chiel! Mabuti naman may time ka," Sabi ko at kinarga ang aso ko, mukhang natuwa pa ito ng makita ako.

"Engineer Samson is here to help ma'am," Sabi nya sakin, at sumaludo na parang pulis.

"Hali ka pasok," Sabi ko kay Neil.

"Ganda ng unit mo ah, bakit mo naisipang mag iba ng unit? Medyo malayo toh sa hospital ah," Sabi nya at naglibot, at umupo sa sofa sabay lapag ng bag ni Chiel sa mesa. Mukhang feel at home ang loko.

"Wala lang, gusto ko lang itry," Pagsisinungaling ko.

"Kumain kana?" Tanong ko sa kanya at binitawan muna si Chiel at naghugas ako ng kamay sa kusina.

"Pa fall ka? Haha joke lang wala pa," Sabi niya sakin, kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"May I take your order sir?" Pabiro kong sabi kay Neil.

"Isang chicken mc nuggets nga," Sabi niya sakin.

"Di' toh MC Donald gagi," Sabi ko sa kanya.

"Sinong kasama mo dito?" Tanong nya sakin.

"Anong kasama? Ako lang nandito, may nakikita ka pa ba maliban sakin? Tatakbo ako," Sabi ko sa kanya, hindi ko kasi alam kung pano ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyon ko eh, sana nalang talaga hindi nagsumbong ang mga bruha dito.

"Wala naman," Sabi niya.

"Teka! Sigurado ka? Sa laki neto ikaw lang?" Tanong nya sakin kaya tinanguan ko siya.

"Yung kwarto ko andyan sa kanan, magluluto lang ako," Sabi ko sa kanya. Pinatawag ko kasi siya para tingnan ang kwarto ko kung maayos naba o may kulang pa sya palagi yung engineer slash architect eh hahahaha.

Babayaran ko nalang mamaya si Attorney para sa mga kinuha kong grocery nya.

I cooked pasta, and adobo since nasa diet si Engr. Sa kanya yung pasta. Nagluto narin ako ng kanin, at saktong lumabas ng kwarto ko si Niel naluto narin ang kanin sa rice cooker. Linapag ko na sa counter top ang mga linuto ko.

"Naks naman, amoy na amoy ko hanggang sa kwarto mo ang niluto mo ah, pasta lang sakin ah. Nagpapamacho ako para makabingwit ako mamaya sa bar," Sabi niya sakin.

"Naks, di ka busy," Sabi ko sa kanya.

"Di eh, basta inuman muna kami ni Kia sa bar mamaya kasama sina Myca at Dian. Ikaw di ka sasama?" Tanong nya sakin.

"Maaga pa ako bukas eh," I said and send a apologetic smile.

"Fine, basta bawi ka samin sa susunod ah," Sabi nya sakin kaya tumango naman ako.

Matapos naming kumain ay nag-usap lang kami ni Neil, sobrang daldal eh kwinento pa sakin kung ano nangyare sa kanya nung isang gabi. In details pa talaga. Letseng lalake.

Tumunog naman ang phone ko at call iyon pero di nakasave sa contacts ko ang phone number kaya sinagot ko.

"Hello po?" Tanong ko.

[Pakibukas ng pinto, nalimutan ko kung ano yung password eh nasa baba na ako,] pamilyar na boses ang narinig ko. Si Dustin yun.

"Sino ba kausap mo dyan, akin nalang kasi si Chiel mukhang anak ko na toh eh," Sabi ni Neil kaya agad akong lumayo kay Neil.

[Sinong kasama mo?]

"Ah sige," Sabi ko sa kanya, at pinatay ang tawag.

"Bakit?" Tanong ni Neil ng pinatayo ko sya.

"Parating na si Daddy," Sabi ko sa kanya, dahil takot naman talaga sya kay daddy eh.

"T-teka, putragis naman oh, a-alis na ako," Nagmamadaling sabi ni Neil at lumabas na, sana di sila magkita ni Dustin sa ilalim.

I was washing the dishes when I heard a doorbell, si Dustin na ata yun. I opened the door and see Dustin in a suit, magkasalubong ang kilay nito.

"Sinong kasama mo dito?" Tanong nya sakin, at umupo sa sala.

"Hey there! Sino toh?" Tanong ni Dustin sabay haplos ng ulo ni Chiel ng tumalon si Chiel papunta kay Dustin, wow himala mabait ka ngayon ah.

"Chiel come here," Sabi ko sa aso ko kaya lumapit ito sakin.

"Again, sinong kasama mo dito kanina?" Tanong nya sakin.

"Kaibigan ko bakit?" Tanong ko sa kanya, ang daldal kasi ni Neil eh baka pag-isipan na naman ako ng masama netong attorney na toh.

"Diba sabi ko wag kang magpapa pasok ng kung sino-sino dito? Bahay natin toh, at lalake pa ang kasama mo, tapos kayong dalawa lang dito, anong ginawa nyo?" Sabi niya sakin at nakakrus na ang mga braso neto ngayon. Para akong nasa interrogation neto.

"This is a unit," Pagtatama ko sa kanya, hindi toh namin bahay. Unit ito ng daddy nya.

"Tsaka, pake mo? Kaano-ano ba kita?" Tanong ko sa kanya. Bakit? selos ka?

"I'm your husband," Sabi niya.

"HINDI PA, and FYI hindi ako gumagawa ng milagro unlike you. As what I've said I'm Virgin," Sabi ko sa kanya.

"Ano ba nangyayare sa mommy mo? Pag kinuha ko ba ang virginity nya titigilan nya na ang pagsabing Virgin sya?" Tanong ni Dustin kay Chiel, and Chiel just barked at him. Did she just agree?

"Anong ginawa dito ng mommy mo at nang FRIEND nya?" He asked Chiel and he emphasize the word FRIEND.

"Why? Are you jealous?" Tanong ko sa kanya, but he remained calm. Di ko tuloy nakuha ang inaasahan kong reaksyon.

"If I said Yes, will you believe me?" Tanong nya na ikinagulat ko.

_

;)

My Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon