Highschool Perslab Chapter II

32 0 0
                                    

After 4 years..

Nasa kanto ako ng isang subdibisyon kung saan ako nakatira.
Nagaabang ako ng masasakyang jeep papasok sa pinagtiyatiyagaan kong trabaho.

Maliit ang sweldo,nakakaantok na gawain at halos araw araw napakabagal ng oras.
Well,wala namang nagbago dahil kahit nung estudyante pa lamang ako e may ugaling tamad na talaga ako.

Pang apat na jeep na ang lumampas ng wala na akong choice kundi pumara kahit masikip dahil mahuhuli na ako sa trabaho.

Pag akyat ko palang nakita ko na ang isang pamilyar na mukha,kahit bahagyang nakatalikod sya mula sa kinauupuan ko ay alam kong siya yun.

Si perslab..
Hindi sumagi sa isip kong darating ang araw na to'.
Hindi ko alam kung nagkataon lang ba o sadyang pinagtagpo talaga kami ng tadhana para maipagpatuloy yung istorya naming naudlot nung mga estudyante pa lamang kami.

Pero hindi..kasi may girlfriend ako.
Oo,meron nga at mag dadalawang taon na kami ng babaeng nakilala ko lang sa isang clan sa text,na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung papaano ko hihiwalayan dahil tinukso lang naman kami ng tropa kaya ayun..naging kami.

Pero balik tayo sa loob ng jeep kung nasaan ang tunay na kwento.

Nakatitig ako kay perslab at kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa oras na tumingin sya at makita ako.

Nauubos na unti unti ang pasahero..
Nawawala ang mga taong nakaharang sa mga mata kong hindi matinag sa pagsulyap sa kanya.

"Siya na ba talaga to?"
Pabulong kong tinanong sa sarili ko.

Ilang metro nalang ang distansya mula sa lugar kung saan ako bababa.
Nang bigla kong maalalang..

"Shet,hindi pa pala ako bayad"

Agad akong dumukot ng bente sa bulsa at dali dali kong inabot sa aleng katabi ko.
Nag aalangan akong baka pamilyar sa kanya yung boses ko kaya mahinahon kong sinabi sa drayber na..

"Ma' bayad ho! Isa lang sa may alabang"

Hindi lumingon si perslab..
Medyo nakahinga ako ng maluwag.

"Sukli sa bente!"
Sumigaw ang drayber.

Kinabahan ako at agad akong napalingon ng mabilis ng makita kong inaabot na ni perslab ang sukli ko mula sa mga kamay ni manong drayber.

"Eto na!''
Kinakabahan kong bigkas.

"oh hi!,ikaw pala!"
Pabiglang bigkas ni perslab.

Nung mga oras na yun any nakatitig lamang ako sa mapupula nyang labi habang nakikinig sa malambing nyang boses.

"Uhm..eh? Ako nga.. Hehe"
Sagot ko sa kanya.

Halatang halata sa mga pananalita ko na sobrang nahihiya ako,hindi ko man lang siya makuhang titigan sa mga mata.
At alam ko..

NAGMUMUKHA AKONG TANGA.

Pumara na ako at nag atubiling bumaba.
Iniwan ko siya habang nagtataka at nakatitig sakin habang papalayo ang jeep.

Sa unang pagkakataon makalipas ang apat na taon.
Muli ko siyang nakita at hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito ang nararamdaman ko.

KAKAIBA..

________________________________________

Walong oras ako sa trabaho at halos pitong oras lumilipad ang isip ko kakaisip sa kanya.

"Lalo siyang gumanda.."
Nakangiti kong bigkas.

Pauwi na ako at gaya ng palaging gawi,
Maghihintay ako ng jeep na maluwag at wala akong pakealam kahit ilang oras man ang abutin.

Sampung minuto palang ang nakakalipas ng nakita ko ang isang jeep na paparating.

"ayos! Walang nakasakay sa harapan!"

"Ma'bayad ho oh?"
Sabay abot ko sa drayber.

Pinasok ko ang earphone ko sa magkabilang tenga,hinanap ang paborito kong music sa ipod at pinalipad ko ang isip ko habang nakatitig sa mga tanawin na mabilis dinadaanan ng jeep.

"Saraaaaaap"

Nang biglang may kumalabit ng malakas sa balikat ko.

"Kanina pa ko tawag ng tawag sa pangalan mo ah? Sabi na e,hindi mo ko naririnig"
mga salitang nanggaling sa isang pamilyar na tinig.

"Uy ikaw pala!"
Pabigla kong sagot.

(Itutuloy..)

Highschool PerslabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon