Chapter II part3

14 0 0
                                    

"Pare mahabang kwento"
Agad na nilinaw ni tropa.

Sabay biglang pasok ng babaeng pamilyar ang boses.

"Oh kamusta kana?"
wika nya ng may pag aalala.

Nakatingin ako sa kanilang dalawa at hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ng dalawa kong mata.

"Hahahaha"

natawa ako bigla ng makita ko ang class president naming sipsip sa guro na madalas nagsusumbong kapag hindi kami napasok.

"Akalain mo nga naman pare? Kayo pala ang magkakatuluyan?" dagdag ko pa.

"Kaya ayokong ikwento sayo e! Siguradong aasarin mo lang ako".wika nya habang nagkakamot ng ulo.

"Sabi nga nila kapag kayo talaga,kahit ayaw mo pa sa kanya e magiging kayo parin sa huli"
Sabi ko kay tropa habang hawak sa balikat.

Nagtawanan kami at biglang nahinto dahil sa isang nakakalokong na tanong.

"Eh pano naman yung sitwasyon mo?
yung sa babaeng gusto mo?maging kayo kaya?"
Agad na tanong ng asawa nya habang inaabot sa akin ang kape.

"Pare,may nakapagsabi sakin na namamasukan daw siya sa isang nightclub"
Wika ni tropa.

Nabigla ako sa nalaman ko.
Para bang may humihila sakin para tumayo at agad siyang hanapin.
Ibinaba ko ang hawak kong kape sa malapit na mesa at agad isinuot ang mga sapatos.

"Pare!salamat sa pagpapatuloy sakin pero kailangan ko siyang kausapin"
Pasigaw kong sinabi habang natataranta.

Alas otso palang ng umaga noon at hindi ko naisip na sarado pa ang pinapasukang club ni perslab.
Ngunit ng makarating ako sa harapan ng pinto ng club ay bigla akong nanglumo..

Nakita ko ang isang poster.
Mukha nya ang nasa harap.
Nakasuot siya ng maiksing damit habang may nakakaakit na tingin.

"MAIN EVENT"

Hindi ko alam ang nasa utak ko.
Kahit anong iwas kong isipin kung ano ang trabaho niya ay hindi ko magawa.

Pakiramdam ko ay nababastos siya o di kaya ay nakikisalamuha sa mga lasing na kalalakihan.

Parang ang simpleng katorpehan ko sa pag-amin sa nararamdaman dati ay nabalot naman ng takot
sa pwede kong malaman.

Naisipan kong umuwi muna dahil masyado pang maaga.
_____________________________________________

Alas tres ng hapon ng muli akong magising dahil sa sobrang init.
Agad kong inabot ang cellphone at agad na nakita ang halos labing walong misscalls galing sa boss ko.

Bigla ko na lamang naalalang may pasok pala ako!

"Lintik na buhay to oh! Maliit na nga ang sahod makakaltasan nanaman!"

Pero naisip kong magandang pagkakataon yun para makita ko kung anong trabaho ni perslab at paano siya napunta sa ganung lugar.
_____________________________________________

Kinagabihan ay handa na akong malaman ang lahat.
Agad akong bumyahe ngunit may pag aalinlangan.
Natatakot ako kaya minabuti kong tawagan si tropa upang magpasama.

"Hello pare? Pwede ka ba ngayong gabi?
Kita tayo dito sa alabang sa tawiran sa tapat mismo ng club"

Nang ano ano'y bigla ko na lamang naibaba ang cellphone ko.

"Anak ng!"

Nakita ko si perslab habang papatawid ng kalsada.
Hindi ko alam kung tatalikod ba ako?
Kung saan ako pupunta o kung magtatago ba ako sa malapit na poste.

Bitbit nya ang bag na kumikislap habang naiilawan ng mga kotse.
Napakaikli ng suot niyang damit at balot ng make up ang mukha at makapal na lipstick sa labi.

"Siya ba talaga to?"
Magulong tanong sa isip ko.

Bigla akong tumalikod at nagpanggap na may kausap sa cellphone dahil malapit na siya sa kinatatayuan ko.

At naramdaman ko ang isang kalabit sa balikat mula sa likuran ko.

"Anong ginagawa mo dito ha?!"

(Itutuloy)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Highschool PerslabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon