Highschool Perslab

129 2 0
                                    

Unang araw ng pasukan.

Isang natural na araw para sa isang normal na estudyanteng kagaya ko.

Bagong polo,usong sapatos,pants na pinatahi ko pa kay nanay yung laylayan para magmukang baston,bag na pinaglumaan pero naglalaman ng mga bagong kwaderno na handa nang madrawingan ang likod.

Walang magandang nangyari sa araw na to kundi makakilala ng isang taong makakadikit ko sa klase' taong makakasama ko sa kalokohan at pagliban sa klase' lahat planado na at walang araw na hindi susulitin pag kasama ko si tropa.

Isang buong araw na pagpapakilala,isang buong araw na makikinig ka sa batas ng bawat guro mo sa ibat ibang subjects.

Hanggang sa di ko namalayan,mag uuwian na pala.Hindi ko naramdaman yung excitement kong pumasok para bukas' walang nagtutulak sakin para sipaging mag aral.

Unang araw sa eskwela,ayoko na agad.

Paulit ulit ang eksena hanggang sa nangyari ang una kong pagliban sa klase at syempre kasama si tropa.

Una hanggang sa huling subject wala kaming ginawa kundi magtago sa mga kaklase namin,lalong lalo na sa sipsip naming presidente sa klase.Ewan ko ba kung anong nagtulak sakin para magtaas ng kamay para sa kanya nung bilangan ng boto,pero isa lang ang alam ko, isa yun sa pinagsisisihan ko.

Sumunod na araw lalo akong tinamad.

Pakiramdam ko hindi ko na gustong pumasok kundi dahil sa baon.

Makapal na mukha ko nun at halos wala na akong pakealam makita man ako ng guro ko.

Kaya naisipan kong tumambay nalang sa canteen,si tropa?wala tinamaan ng konsensya at nagtino sa pagaaral.

Nung mga panahon na yon napansin kong hindi lang pala ako yung lumiliban sa klase nun.

Meron ding iba na nanggaling pa sa ibang section.Natuwa ako kasi kung babagsak man ako? Hindi ako nagiisa.May kasama ang nanay ko na ibang magulang upang magmakaawa sa mga guro ko.

Nilamon na ako ng sistema,nangawit na ata yung utak ko kaya madalang ng di gumagana.

Hanggang dumating ang parteng kinakatakutan ng lahat'. Hindi yung pagbasak. Kundi yung eksenang hihinto ang paligid mo habang nakatitig ka sa taong kumuha ng atensyon mo.

Grabe'binata na talaga ako at di ko maipaliwanag yung pakiramdam ko habang dumadaan sya sa harap ko.Magmula nun' nagsimula ang panibagong katangahan sa buhay ko maliban sa pagpapabaya sa pag aaral.

Mas kabisado ko pa ang buo nyang pangalan kesa sa mga guro ko.

Mas madalas ko pang isulat ang pangalan nya kesa sa sariling pangalan ko. Tinamaan na ako.

Yung mga sumunod na araw ko,inilaan ko para sa pagmamatyag.Anong oras sya kumakain at umuuwi,nasa isip ko lahat yan.Walang araw na di ko sya nakikita at palagi lang akong nakamasid sa likod nya.

Palihim na umiibig,palihim na nagmumukang tanga.

Haaay.. Ang sarap nyang titigan pero hindi ppwedeng puro sulyap lang ako. Kailangan gumawa ng hakbang para makilala ko sya ng personal. Kaya inilabas ko na ang malupit kong sandata. Ang panyo kong may pulbo sa gitna.

Eto na ang pagkakataon ko at pagkakataon ko nang marinig ang boses nya.Pero pano kaya kung di nya ako kausapin? Pano kaya kung suplada pala sya at hindi sya nakikipag usap sa kagaya ko?

Itinulak ako pabalik ng pagdududa.Nasayang yung pulbo ko sa mukha dahil sa pawis na sanhi ng pag aalangan. Nalaman kong bukod sa katamaran ko ay nawala na rin ang tiwala ko sa sarili.

Highschool PerslabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon