"PABILI POOO!!!", isang malakas na sigaw ko nang hindi na ako makapagtimpi sa sobrang tagal lumabas ng tindera.Pang-walong beses ko nang tawag 'to pero wala pa ring lumalabas. Sisigaw pa sana ulit ako nang biglang may lumabas na lalaki sa katabing bahay. Magkahiwalay kasi ang tindahan at ang bahay nung may-ari kaya kapag walang nagbabantay kailangan mo talagang sumigaw. Wala namang sumusubok na magnakaw dahil may nakalagay na CCTV.
"Oo, sandali lang!", sigaw niya habang hawak-hawak ang cellphone. Mukhang naglalaro ata dahil bakas sa mukha niya ang pagkainis. Pumasok siya sa tindahan pero hindi pa rin nawawala ang paningin niya sa kaniyang cellphone.
'You have been slain'
"Tsk. Ano ba yan, wala man lang tumulong. Ang bulok naman nung core!", naiinis na wika niya habang nagkakamot ng ulo. Tumingin siya sakin at biglang nagbago ang kaniyang ekspresyon.
"Anong bibilhin mo Dapdap?", nakangiting tanong niya sakin.
"Hay nako, Kuya Joey. Tigil-tigilan niyo na paglalaro niyan at wala kayong mapapala riyan. Ma-iistress lamang ho kayo.", sabi ko habang turo-turo ang hawak niyang cellphone.
"Pampalipas oras lang naman, ito naman.", sagot ni kuya Joey habang nakanguso.
"Oo nga, sa sobrang pampalipas oras na sinasabi niyong 'yan eh hindi niyo na ho ako marinig kakasigaw ng pabili po.", sabi ko habang naiinis pa rin.
"Ay pasensya na. Ang aga-aga nakakunot na naman 'yang noo mo. Hindi bagay sayo, papanget ka niyan sige ka", natatawang sagot niya habang inaayos ang pagkakakunot ng aking noo. Napatawa naman ako.
"Yan mas bagay.", bola niya.
"Ang lakas niyo talagang mambola kuya Joey." natatawang sabi ko.
"Pabili ho ako ng apat na itlog, isang bote ng mantika, at kape, yung greatest white ho. Samahan niyo na rin ho ng cornbeef." sabi ko nang maalala na nagmamadali nga pala ako. May pasok pa kasi ako, baka ma-late ako. Kailangan ko pang magluto. Ito kasing si Kuya Joey may pa ml pang nalalaman, ang tanda na.
Matapos kong bumili ay nagpaalam na ako.
"Kuya Joey ha, tama na kaka-ml. Susumbong kita kay ate Yen.", pananakot ko sakanya bago umuwi. May sinabi pa siya pero 'di ko na narinig, tumawa nalang ako.
Asawa niya si ate Yen at may isa silang anak na babaeng mas bata kaysa sakin ng dalawang taon. Malapit ang loob ko sa kanila dahil mababait silang tao at masayang kasama. Si ate Yen ang nagtatrabaho at si kuya Joey naman ang nagbabantay ng kanilang tindahan at nag-aasikaso sa kanilang anak na si Alliyah. Sa tuwing may problema sa bahay sila ang takbuhan ko.
Hiwalay na kasi ang parents ko. Tatlo kaming magkakapatid. Iniwan kami ni mama nung sampong taong gulang ako, at sinama ang bunso kong kapatid. Nanirahan sila sa America kung saan nakilala ni mama ang bago niyang asawang foreigner. Naiwan kaming dalawa ni Kyle kay papa at sa bago niyang girlfriend na hindi ko naman ka-close. Mabait naman si ate Gemma at maasikaso pero hindi ko kayang mapalapit sa kanya. Siguro dahil hindi ko pa rin tanggap na wala na sila ni mama. Hindi ko pa kayang ipagpalit si mama kahit na iniwan niya kami.
Pumasok ako sa bahay at nakita kong nagtitiklop ng damit si ate Gemma. Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Daphne, akin na yang binili mo. Ako na magluluto. Maligo ka na at baka malate ka sa school mo.", nakangiting sabi niya. Lumapit siya sa akin at kinuha ang plastic na pinamili ko. Wala na akong nagawa kung hindi ibigay nalang kasi hindi ako puwedeng ma-late. Ayokong mabigyan ng warning slip dahil kapag nakatatlo ako, suspended! Dumeretso muna ako sa kwarto ni Kyle. Nakita kong tulog na tulog pa siya. Anong oras kaya 'to natulog at hanggang ngayon tulog pa rin. Tinapik ko ang balikat niya.
BINABASA MO ANG
Enchanted
Teen FictionI was enchanted to meet you. Please don't be inlove with someone else... A Taylor Swift Series #1