Kabanata 1

12 2 0
                                    




Daphne's POV

Pinagmamasdan ko ang wallet niya habang pinapadaan ang mga daliri sa nakaburdang pangalan nito. Nandito na ako sa classroom namin nakaupo at nagdidiscuss naman sa harapan ang isa kong kaklase dahil may reporting. Hindi ko magawang makinig dahil nakatuon pa rin ang pansin ko sa wallet na napulot ko.

"River Samonte Lagdameo", mahinang bigkas ko.

Hmm. His name sounds familiar. Inisip ko kung saan ko nga ba narinig o nakita ang pangalan niya, pero 'di ko na matandaan. Inalala ko muli ang nangyari kanina. May kung anong nagliparan sa tiyan ko nang maalala ko ang pagtatagpo ng aming paningin. Kakaiba ang epekto sakin ng mga tingin niya lalo na nang ngumiti siya pabalik. I was wonderstruck.

Bigla kong naalala ang uniform na suot niya. Itatanong ko nga pala ito kay Ivy kung anong school ang may kulay pulang uniform. Nilingon ko si Ivy na tutok na tutok ang paningin sa harapan. Tiningnan ko kung sino ang nagrereport at nakita ko si Paul sa unahan. Kaya naman pala hindi maalis ang paningin. Ultimate crush naman pala niya ang nasa harapan. Kinalabit ko siya.

"Huy wag ka-titig baka matunaw yan." biro ko sakanya.

"Ang pogi niya kasi tapos ang talino pa. Grabe sis, halos nasa kanya na lahat, ako nalang ang kulang sa buhay niya hihi.", kinikilig na sabi niya. Iba talaga pag in love. Napangiti ako.

"Siya nga pala may itatanong ako. Alam mo ba kung anong school ang may uniform na red?" tanong ko sakanya. Dalawa lang naman kasi ang school dito sa lugar namin, ang Huskin University na pinapasukan ko at ang Crawford University na nasa katabing simbahan malayo ng konti sa university namin. Pero ang pagkakaalam ko kasi sa uniform ng CU ay color green.

"Kulay red? Ang alam ko sa college department yon ng University natin." sagot niya nang hindi inaalis ang paningin sa harapan.

"Hindi ba kulay blue rin ang uniform nila?" takang tanong ko.

"Hindi na, napagpasyahan last year ng school na baguhin ang kulay para raw madaling malaman na mga college students sila." sagot niya. Tumango naman ako. Madali kong masasauli ang wallet niya gayong nasa iisang University lang pala kami. Kaso nasa kabilang building pa ang college department. Kailangan ko pang magtricycle para mapuntahan 'yon. After ng klase pupunta ako ron at ipagtatanong ko sa mga estudyante kung kilala nila si River. Oo tama.

Napatingin naman sakin si Ivy nang makita akong tatango-tango. Tumingin din ako sakanya at ngumiti. Nanliit naman ang mata niya.

"Teka, bakit mo pala naitanong? May crush ka ron 'no?", tanong niya nang may nanunuksong tingin. Napailing naman ako.

"Wala akong crush don. May nakasalubong kasi akong lalaki kanina nakauniform na red, tas nahulog niya itong wallet niya. Ibabalik ko na sana sakanya kaso nakaalis na. Wala namang contact card na nakalagay sa loob kaya di ko alam kung saan ko siya hahanapin. Pangalan niya lang yung nakalagay. Ito oh." Ipinakita ko sakanya ang nakaburdang pangalan sa likod ng wallet. Binasa niya ito at agad namang nanlaki ang mga mata niya.

"OMG! River Lagdameo?!" napalakas naman ang sabi niya kaya nasita kami nung teacher. Humingi naman ako ng tawad at sabay siko kay Ivy.

"Wag ka ngang maingay! Kilala mo ba yan?" tanong ko sa kanya.

"Hindi." deretsong sagot niya. Nabatukan ko nga. Ang OA maka-react hindi naman pala kilala.

"Ay bakit may pasigaw-sigaw ka pang nalalaman hindi mo naman pala kilala?" tanong ko sakanya.

"Eh kasi naman ang pogi ng pangalan. Pang-mayaman. Atsaka tignan mo 'tong wallet niya oh may Gucci na logo. Bigtime." paliwanag niya sakin. Napatawa ako. Dahil lang don napasigaw pa siya.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon