Kabanata 2

12 2 0
                                    




Bago ako matulog, nagscroll muna ako sa Facebook. Nakita kong muli ang picture na pinakita sakin ni Kyle kanina. Tama nga siya, ang saya-saya nila. Napaisip tuloy ako kung may mga pagkakataon ba na naiisip niya kami? May mga oras ba na naisip niya na meron siyang iniwang anak dito sa Pilipinas na nangangailangan din ng alaga at pagmamahal ng isang ina?

Marahil oo, pero puwede ring hindi.

Gusto kong magalit sakanya. Pero hindi ko magawa dahil kay Kyle. Gusto kong maranasan niya ang masayang pamilya. Gusto niya na makita at makasamang muli si mama kaya hinding-hindi ko iyon ipagkakait sakanya.

Naalala ko bigla yung wallet. Sinearch ko ang pangalan niya, nagbabaka sakali na meron siyang account. At tama nga ako dahil nakita ko agad ang profile niya. Nakaputi siyang long sleeved na polo, nakapatong ang parehong kamay sa lamesa at nakangiti nang malapad sa camera pero hindi labas ang ngipin. Napakalinis niyang tingnan sa picture at napakagwapo. Nagscroll pa ako sa feed niya at nakita ko ang pinakalatest na post niya. 5 minutes ago. Picture iyon ng wallet niya at may caption siyang nilagay.

'Hello! Kung sino man po ang nakapulot ng wallet ko, makikibalik po. May laman po yung 2x2 na picture at cash. Kahit yung picture nalang po ibalik niyo need ko po 'yon para sa portfolio namin. Just pm me. Thank you. :)'

Natawa naman ako sa caption niya. Mas importante pa sakanya ang 2x2 na picture niya kesa sa pera. Mayaman nga. Ang daming nagreact, comment at share nung post niya. Binasa ko ang mga comments.

Hanz: Guys ibalik niyo na yung picture niya. Doon nakasalalay ang grades niya. HAHAHAHA

River: Mama mo blue.

Hanz: @Ladilyn Reyroso, Ma blue ka raw sabi ni River.

River: Hindi po tita @Ladilyn. Gunggong ka talaga Hanz!

Marami pang nagcomment pero di ko na binasa. Nagfriend request ako sakanya at nagmessage.

Daphne: Hi! Ako pala nakapulot ng wallet mo sa tapat ng Ace Wing. Saan tayo puwedeng magmeet para maibalik ko sayo 'to? :)

Ting!

River Samonte Lagdameo accepted your friend request.

Maya-maya ay naseen na niya ang message ko. Lumitaw ang tatlong dots ibig sabihin nagtatype na siya. Bigla naman akong kinabahan. Teka bakit ba ako kinakabahan? Tinanong ko lang naman kung saan kami puwedeng magmeet para maisauli ko itong wallet niya. Puso kumalma ka.

Ting!

River: Hello! Let's meet nalang sa plaza. 5pm. Okay lang ba?

Daphne: Sige. Malapit lang naman yun sa bahay namin. 

Lie. Malayo talaga bahay namin sa plaza. Mga 20 minutes ang byahe papunta ron. Tuwing may free time lang ako nakakapunta don dahil maganda ang ambiance at nakakapag-isip isip ako ron. Deretso nalang ako ron after class para medyo malapit. 

River: Thank you. Btw, ikaw ba yung nakasalubong ko kanina?

Daphne: Ahh oo ako nga yon, hehe. 

River: Ah, so sa Huskin University ka rin napasok?

Daphne: Yup! Grade 12 student. :)

River: Wow, graduating student. Congrats na agad. :) Anong strand mo?

Daphne: Uhm, gwapo, matalino, at mabait.

River: Ha?

Daphne: Charot! STEM ang strand ko. Ikaw? Anong course mo? Sa college department ka diba?

Napatawa ako sa nireply ko. Nakikita ko kasi ito sa Facebook hahaha gusto ko lang itry. Napa 'ha?' naman siya. hahahahatdog.

River: HAHAHAHA, memers ka rin pala? 

Daphne: Anong memers? 

River: Yung tawag sa nagawa or nagsh-share ng mga memes? 

Daphne: Baliw hahaha

River: Pero teka, pano mo nalaman na sa college department ako? Hmm.

Daphne: Hindi naman kasi halata sa uniform mo. :)

Hindi ko na sinabi na pinagtanong ko rin kung saan siya napasok.

River: Ah oo nga pala. Fine Arts kinuha ko. Hilig ko kasi magpaint nung bata pa lang ako. :)

Daphne: Talaga? Mahilig din akong magpaint pero more on traditional art ako.

River: Really? Pero bakit STEM kinuha mong strand hindi Arts and Design?

Daphne: Ayon nga dapat kukuhanin ko kaso naubusan ako ng slot nung Grade 11. Late na kasi ako nakapagpaenroll e. Kaya no choice, kailangan kong magtiis ng 2 years sa nakakabaliw na math. 

River: Hahaha, kaya mo yan.

Daphne: Kakayanin :)

River: So kita nalang tayo bukas? 

Daphne: Okay, bukas :)

River: Okay. :)

Pinatay ko na ang cellphone ko at natulog nang nakangiti dahil may pasok pa ako bukas. Oo masaya ako dahil kahit sa kaunting oras na pag-uusap na 'yon nawala saglit ang lungkot ko.

KINABUKASAN

"Today, I will be discussing word problems involving horizontal motion under Kinematics. But before that, gusto kong malaman kung nagbabasa ba kayo ng libro. Who can define to me what is Kinematics? Anyone?" 

Habang pinagmamasdan ko ang 2x2 na picture ni River hindi ko maiwasang humanga. Bagay sakanya ang makapal niyang buhok na may pagkawavy. Itim na itim ito. Ang kapal din ng kilay niya. Ang tangos ng ilong. Moreno. Pinkish na labi. At higit sa lahat ang mga mata niya.

"Hmm, walang tumataas? Okay magtatawag ako. Daphne?"

Sa tuwing napapatingin ako sa mga mata niya nahihirapan na akong alisin ito. Para bang unang beses pa lang akong makakita ng ganoong klaseng mga mata. Perpekto, mahiwaga, kakaiba. Kapag inaalis ko ang paningin ko sa mga mata niya, may kung anong humahatak pabalik sa mga mata niyang yon. Ayon ang nararamdaman ko.

"Daphne!" malakas na sigaw ni Ma'am Hernandez na ikinagitla ko. Napatayo naman ako agad.

"P-po?" napapahiyang tanong ko.

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot! May pangiti-ngiti ka pang nalalaman. Ano ba yang tinitingnan mo dyan ha at hindi ka makapag-focus sa klase?"galit na tanong niya. Hindi ko namalayan na napangiti pala ako habang tinitingnan ang picture niya.  Ano bang nangyayari sayo self.

"P-pasensya na po Ma'am." nakatungong sabi ko at tinago sa bulsa ang picture na hawak ko. Nakakahiya. 

"Hay nako. Sagutin mo na ang tanong ko. Hindi ko na uulitin ang tanong at kapag hindi mo nasagot 0 ang ilalagay ko sa recitation mo." galit pa rin na sabi niya. Shet! Malaking kabawasan yon sa grades ko. 

Inisip ko kung ano ang tanong niya. Pero hindi ko matandaan! Tsk! Bakit kasi hindi ako nakikinig. Tiningnan ko ang blackboard at nakita kong nakasulat ang word na Kinematics na may ganito '-' sa dulo. Siguro tinatanong niya kung ano ang meaning ng Kinematics. Bahala na. Sana tama ang nasa isip ko.

"A-ah, K-kinematics is the s-study of mathematical description of m-motion. The term is derived f-from the Greek word kinema, which  means m-movement, Ma'am." nauutal na sabi ko. Buti nalang nag-advance reading ako kagabi kaya kahit papaano ay may alam ako sa pag-aaralan. Pero kinakabahan pa rin ako dahil baka hindi ayon yung sagot sa tanong niya. 

"Okay, very good. Kapag nahuli pa rin kitang hindi nakikinig kapag nagdidiscuss ako, makakatanggap ka na sakin ng warning slip." seryosong sabi niya. 

"O-okay po. Pasensya na po." muling sabi ko bago niya ako paupuin. Yes! Buti nalang tama yung sagot ko. Muntikan na!





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon