WMA- Chapter three

215 2 0
                                    

Shane's POV

Alam kong maiiyak na ako kaya naglakad na ako ng mabilis. Napansin kong napatingin siya sakin.

Unti unti ng tumulo ang mga luhang ayaw ko ng iiyak ng dahil lang sa kanya. Ayoko ng iyakan pa siyang muli. Hindi ko na dapat siya iniiyakan! Siya ang dahilan kung bakit ako naging ganito, sinaktan niya ako kaya ako naging ganito. Sabi ko sa sarili ko hindi na ako iiyak ng dahil sa kanya. Pero bakit ganito? Akala ko ba kaya ko na? Akala ko ba wala na yung sakit? Ilang taon na rin ang lumipas pero ano 'to? Ito na nga ba ang tamang oras para maghiganti ako? Pero............. Kaya ko na ba silang harapin?

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Tumigil na rin yung luhang kanina ko pinagos. Buti naman, dahil kung hindi mukha akong tanga dito na umiiyak mag isa. Psh! Kasalanan mo 'toooooooooo!

Gusto ko'ng sumigaw. Gusto ko'ng sabihin sa lahat na niloko ako ng isang hayop na mayaman! Lahat ng nasa dibdib ko gusto ko'ng ilabas. Pwera lang yung puso diba? Hahaha okay. Nagdadrama ako tapos magbibiro. Tch, baliw na nga ako. Bwisit! Makauwi na nga.

Kasalukuyan akong nasa labas na ng mall. Ang tagal ni kuya eh. Tinext ko kasi siya na sa tapat na ako ng mall sunuduin kasi tinatamad na akong maglakad papuntang parking. Ang layo layo eh. Psh!

Habang nagiintay ako kay manong may narinig akong pamilyar na boses. Na nanggagaling mula sa likod ko. Pasimple akong lumingon sa likod at shooooooot! Yung ex ko at yung gf niyang haliparot. Tengene! Papalapit silaaaaaa!

Pinilit ko'ng maitago yung mukha ko sa buhok ko. Tch, kuya naman kasi bat ang tagal mo! Azaaaaar!

"Hatid na ba kita?" psh. Nakatitig pa sa gaga na yon! Ang panget mo leche!

"Hmmm... Wag na. Ayokong napapagod ka ng dahil sakin eh" sabay yakap niya sa ex kong kupal. Yung isa naman may pakiss kiss pa sa noo. Tss.

Kinuha ko yung shades at phone ko sa bag ko. Sinuot ko muna yung shades ko bago ako nagdial kunwari.
Nilakasan ko talaga yung boses ko para mahiya 'tong dalawang malandi sa tabi ko.

"Kuya! Asan ka na ba?! Ang tagal-tagal mo naman eh! Bilisan mo okay?! Ang dami ng NAGLALANDIAN DITO SA TABI KO ANO BA!!" huh! Akala niyo ah. Napansin ko naman na naghiwalay na sa yakap yung dalawang tao sa tabi ko. Psh! Gusto ko sanang sabihin na 'Ex over here'. Landi landi bwisit.

Ng mapatingin ako sa kanila. Nakita ko'ng nakatitig sakin yung ex ko'ng tarantado. Uh-oh. Bat parang chinicheck niya ako. Iniwas ko ka agad yung tingin ko at yumuko.

Lord, hindi pa ako ready ngayon. Please? Ayoko pa siyang makausap ngayon.

Taena! Kinikilabutan ako! Ramdam ko parin yung mga titig niya. Huhuhu :'( kuya, asan ka na ba?

May nakita akong kotse na paparating! Pero....

Hindi samin! Narinig ko'ng nagpa alam na yung babae.

"See you tommorrow babe. Bye!" may pa smack smack pang nalalaman 'to. Tch

Nakasakay na yung babae na yon. At siya? Nakatitig parin! Nararamdaman ko'ng papalapit siya sakin! Wag ngayon! Hanggang sa malapit na talaga siya sa akin. Ng magsalita siya sa tabi ko.

"Uhhm, miss? Do you need a ride?" Shetness! Namiss ko yung boses na.ganyan. Yung boses na halong may paga-alala. I tried to answer him pero kusang naglakad yung mga paa ko papuntang parking lot. And guess what? Nakasunod parin siya. Nagmadali na akong maglakad.

Nang makapasok ako sa parking lot. Hinanap ko ka agad yung kotse namin. Whooo! Asan na ba yon? Hanap lang ako ng hanap. Ramdam ko parin siya sa likod ko.

We meet again (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon