WMA- Chapter Five

205 2 1
                                    

Lawrence's POV

tumayo na yung babae at nagsimula ng maglakad. Ba't parang kilala ko yun? matanong nga.

"Uhhm, miss?" sabi ko. kaya naman napahinto siya. Nakayuko siya kaya hindi ko makita yung itsura niya. kaya lumapit pa ako ng husto.

"Miss? naligaw ka yata?" Pilit ko parin tinitignan yung mukha niya pero parang ayaw niya talaga ipakita.

Bat ko natong na naligaw yata siya? simula ng magbreak kami pinasara ko na itong spot na 'to. Sinabihan ko na wala dapat makakapasok sa lugar na ito. at mas lalong walang makaka akyat sa tree house namin.

Ayaw ko kasing masira itong lugar na ito eh. Ito na lang kasi ang nagsisilbing alaalako sa kanya, mga alaala namin nung masaya kami. kaya hanggat maaari walang pwedeng makapunta dito. Gusto ko rin kasi na kapag bumalik siya, dito kami ulit gagawa ng panibagong buhay para sa amin.

Balik tayo doon sa babae. Sa pagkaka alam ko kasi wala talagang nakaka alam kung saan 'tong lugar na ito eh. masyado na kasing liblib itong burol na ito kaya wala ng nagbabalak na pumunta rito. nakausap ko rin kasi yung mga napakiusapan ko na magbantay dito. ang sabi rin nila wala talagang pumupunta dito. pero bakit may babae dito? posible kayang siya na 'to? Pero imposible eh. Wala pa akong nababalitaan na nakauwi na siya sa pilipinas. Pero baka nga siya na 'to? kakausapin ko ulit.

"Miss, pipi ka ba? bat hindi ka nagsasalita? atsaka bakit nakayuko ka? hindi ba nangangawit yang leeg mo dyan?" Iniharap ko na yung babae sakin at............ Nagulat ako kasi?...............
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi pala siya :(

Nagulat din yung babae sa ginawa ko kaya binitawan ko na siya.

"Ay! sorry miss. teka ba't ka nga pala nandito? hindi mo ba alam na bawal tumambay dito?" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Ah. eh. kuya *sniff* sorry po. Napadpad lang po ako dito eh" Yumuko na naman siya.

"Sa ngayon papatawarin kita. pero kapag naulit ito? ewan ko na lang. wag ka ng babalik dito ah? at sana wala ng maka alam ng lugar na ito. naiintindihan mo?" Tumango na lang siya at umalis na.

Umupo na muna ako at nagpahangin. kailan kaya siya babalik? teka, babalik pa nga ba siya? kamusta na kaya siya? may mahal na ba siyang iba?

siguro kung hindi ko siya sinaktan,sana hanggang ngayon kami parin. siguro mas masaya pa kami sa dati.

Nawala yung pag iisip ko ng may tumawag

Calling Jasmine.....

Accept/Decline

inon ko na ulit yung phone ko kanina kasi pinicturan ko yung view. nakalimutan ko naman patayin ulit. psh. Sinagot ko na yung tawag niya. niloud speaker ko na lang. kasi alam kong sisigaw 'to eh.

"......." -ako

"Nasaan ka ha?! Bakit hindi mo sinasagot yung tawag ko kanina! at bakit na ka off pati yung phone mo?! nambabae ka no?! Sagot!" sabi na sisigaw to eh.

"Wala akong babae okay? busy ako kaya pinatay ko yung phone ko. Hindi ko masagot kasi nagpapahinga ako. ano may tanong ka pa?" Walang kareaksyon reaksyon kong sagot. ewan ko ba. simula nung bumalik siya nagulo na yung buhay ko.

"Oh. im sorry, babe. Sige magpahinga ka na muna. i'll call you later okay? byeeee! i love you"

"Okay bye" inend call ko na. nagtataka kayo kung bakit walang i love you too? simple lang kasi hindi ko na talaga siya mahal.

ngayon napatunayan ko ng hindi ko na talaga siya mahal. siguro nung tumawag siya sakin nadala lang ako ng pagkamiss kaya ko lang nagawa yun sa ka isa isang babaeng mahal na mahal ko.

We meet again (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon