Dahan dahang binuksan ng isang babae ang pintuan. May daladala syang tray ng pagkain at inilapag niya iyon sa lamesa.
"Alam mo?"
Napalingon ito sa gawi ng matandang nasa likuran niya. Tulala ito at mukang malalim ang iniisip.
"Ano po yun?"
Tumingin ang matanda sa direksyon niya.
"Nakabalik ako sa nakaraan." Nag bago ang ekspresyon sa mukha ng matanda. Kung kanina ay tulala ito bigla itong nag pakita ng masaya ekspresyon sa mukha.
Humugot ng malalim na hinga ang babae. Mag sasampung taon na syang nag tatrabaho sa mental at palaging ito ang sinasabi ng matanda sa kaniya sa tuwing dadalhan niya ito ng pagkain.
"Kumain ka na po." Pag iiba niya sa usapan saka inihanda ang pagkain sa lamesa na katabi lang ng higaan ng matanda.
"Bakit ba ayaw nyong maniwala na nakabalik nga ko sa nakaraan? E' naka balik nga ako." Seryosong wika nito.
Hindi umimik ang babae. Inihalo nito ang ulam sa kanin saka itinutok ang kutsara sa bibig ng matanda.
"kain na po kayo-"
"Nakabalik nga ko sa nakaraan! Bakit ba ayaw nyong maniwala?!"
Nang gagalaiting sigaw nito saka inalis ang kutsarang nakatutok sa bunganga nya. Dahilan para mahulog ito sa sahig at matapon ang pagkain.
"Nurse!" Pagtawag ng babae sa kapuwa niya nurse nang mag wala na ang kaniyang pasyente. Hinahagis nito ang lahat ng kaniyang madampot at paulit ulit na sinasabing nakabalik sya sa nakaraan.
Nag mamadaling dumating ang ibang nurse para asikasuhin ang matandang nag wawala parin.
"Kayo ang may kasalanan! hindi ako! hindi ako! bumalik ako sa nakaraan kasi kasalanan nyo! kaya bitawan nyo ko!"
Paulit ulit na sigaw nito bago sya mawalan ng malay matapos turukan ng gamot.
BINABASA MO ANG
Living in a dream world
Ficção HistóricaPaano kung sa pag gising mo bigla kang sinampal ng reyalidad na ang lahat ay produkto lamang ng malawak mong imahinasyon?