"Mama tama na po!"
"Mama!"
Nagmamakaawang sigaw ng batang babae na kung tatansiyahin ay na sa siyam na taong gulang pa lamang. Paulit ulit siyang hinahataw ng kahoy sa walistambo ng kaniyang ina.
Hindi lang ito ang unang beses na sinaktan niya ang sarili niyang anak dahil makikita ang mga dating galos sa katawan ng bata na hindi pa nag hihilom.
Ilang saglit pa ay naging tahimik na ang paligid. Tumigil na rin sa kakasigaw at kakaiyak ang batang babae kaya binitawan na ng kaniyang ina ang hawak nitong walis. Dahan dahan itong na pa upo sa sahig na animo'y natauhan sa nangyari.
"Anak, pasensya ka na ah? nagawa lang ng nanay yun kasi mahal na mahal kita."
Naluluhang wika nito saka hinimas himas ang buhok ng kaniyang anak na duguang na ka handusay sa sahig at wala nang malay.
BINABASA MO ANG
Living in a dream world
Tarihi KurguPaano kung sa pag gising mo bigla kang sinampal ng reyalidad na ang lahat ay produkto lamang ng malawak mong imahinasyon?