Broken Wings

5 0 0
                                    

Typographical and Grammatical errors ahead.
______________________________________

Isang malakas na sampal namayani sa silid na kinaroroonan ko ngayon.

"Kalapastanganan!!! Isang pagkakamali ang magmahal ng tao!!"

Nanatili akong tahimik at dinadaing ang sampal na inabot ko dahil sa nagawa ko.

"Pinadala ka dun para bantayan sya, pinaglagpas ng mga tagahukom ang ginawa mong pagpapakilala at pagpapakita sa babaeng yun dahil magaling ka, ngayon naman ay inibig mo ito?"

"I don't ca-"

" Alam mo ang mangyayari sa'yo dahil sa ginawa mo" kasabay nang pag alis ng aking ama ay pagdating ni Kael.

"Paano pag di ka nya mahalin pabalik? Kino?"

Napaisip ako at napangisi, imposible sinabi nya sakin na mahal nya ako ano mang mangyari.

"Mahal nya ako Kael" napapailing syang iniwan ako.

**************
"Kino, bilang paglabag sa kautusan ng kataas taasan ikaw ay tatanggalan ng pakpak at ipapatapon sa lupa" I expected this to happen. Pero inaalala ko ang pagtanggal na sinasabi nila hindi lang ito basta maglalaho bigla sa akin. Babaliin nila ito upang di ko na magamit pa muli. Nilingon ko ang kaibigan ko si Kael na nakayuko.
Bago kami pumasok sa silid ng hukuman ay kinwestyon nya ulit ako.

"Kino sigurado ka bang may patutunguhan tong sakripisyo mo para sa babaeng yun?" Tanging pag ngiti lang ang isinagot ko dahil sa totoo lang tanging mga salita lang ni Catherine ang pinanghahawakan ko ngayon.

"Putulan na sya ng pakpak!!" Napasinghap ang lahat. Samut saring bulong ang naririnig ko mula sa apat na sulok ng silid na ito. Napatawa ako ng mapait. Malamang ay hindi nila ito inaasahan.

"Hindi bat sya ang pinakamagaling sa larangang ito?"

"Umibig sya sa tao? Isang ngang kalapastanganan"

"Isa syang kahihiyan sa ating uri"

Isa isang lumapit sa akin ang mas malalaking tagapagbantay. Ramdam ko ang mahigpit nilang pag hawak sa aking pakpak at walang ano ano'y binali ito.

"Aahhhh!!!!" Sobrang sakit, tila binaklas ang buong likod ko huminga ako ng malalim umaasang maiibsan nito ang sakit na dinulot ng ginawa nila sakin. Tanggapin mo Kino para kay Catherine.

"Ipatapon sya sa lupa bilang parusa" yun ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.

****************
"Hoy alis dyan, bawal ka dito"

"Argh" nagising ako sa sakit dahil may kung anong tumama sa likuran ko. Sariwa pa ang mga sugat ko. Minulat ko ang aking mga mata at sinalubong ako ng liwanag at ingay ng siyudad.

"Nasa lupa na ako"

"Oo nasa lupa ka at amoy lupa ka din kaya umalis ka na dito bago pa kita ipadampot sa mga pulis" napalingon ako sa nagsalita isang lalaking tagalupa. Malaki ang tyan kulay puti ang pang itaas at itim ang pang ibaba may hawak din itong baton. Sekyu. Isa syang sekyu nalaman ko ito dahil kay Catherine, ayon sa kanya ay tagapagbantay din daw sila katulad ko ngunit mga establishimento ang kanilang binabantayan, kami tao.

"Cath" sa isiping makikita ko na sya ay napabalikwas ako ng tayo dahilan ng pag sakit ng sugat ko.

"Sssskkk ahh" napakagat ako sa aking labi

"Boy ayos ka lang ba?" Tumango ako at umalis.

**************
Kasalukuyan akong andito sa labas ng bahay ng babaeng mahal ko, Catherine. Makikita ko na sya muli. Gabi na kaya naman wala ng tao sa labas kaya hindi ko inaasahan ang kanyang paglabas, may dala dala siyang isang supot na may laman. Agad akong lumapit at niyakap sya ng mahigpit. Marahil sa gulat ay naitulak nya ako.

"Sino ka? Bakit mo ako niyakap? Rapist!!!" Napakunot ako ng noo sa mga sinasabi nya. rapist? Ano yun?

"Cath, ako ito si Kino" kumunot ang kanyang noo ngunit kalaunay nagulat. Napangiti ako at lumapit muli sa kanya ngunit lumayo sya.

"A-anong nangyari sayo?!"

"Mahal ko hindi na importante iyon ang mahalaga magkasama na tayo tao na ako,wala ng hahadlang sa atin." lumapit ako at sinubukan ko ulit syang yakapin ngunit tinulak nya ako napadaing ako sa sakit dahil sa pagtulak nya ay napahinga ako.

"Nooo, there's no way na sasama ako sayo. Kino look at yourself. Ang dugyot mo na ang layo mo sa Kino na minahal ko. Akala ko pa man din ay pag naging tao ka na ay isa kang mayaman na binata. Kababasa ko to ng wattpad eh pero fuck ang layo mo sa inakala ko!!! Ang baho mo na, pulubi pa. Anong inaasahan mong ipapakain mo sakin? Asaan na ang pakpak mo? I can't believe this. Kadiri ka!" Tumakbo sya sa loob at iniwan akong namimilipit sa sakit at nahakiga sa labas, sa pag kakataong iyon naalala ko ang buong paguusap namin ni Kael.

"Paano pag di ka nya mahalin pabalik? Kino?"

Napaisip ako at napangisi, imposible sinabi nya sakin na mahal nya ako ano mang mangyari.

"Kino maglalaho ka, mawawala ka sa mundong ito at hindi na muli pang maipapanganak!!"

"Mahal nya ako Kael" napapailing syang iniwan ako.

"Pasensya na kaibigan, nagkamali ako akala ko lang pala yun." napangiti ako ng mapait. Kasabay ng aking pagpikit ay ang paglaho ko sa mundong ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken Wings[ One shot ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon