sundo

15K 212 1
                                    

~Emma's POV~

SINUNDO ni Emma ngayong araw si Lex kasama ang kuya Rocco niya dahil may pinuntahan ito kaya sumabay na lang ito sa kanila pauwi. Nagkita sila sa park namadadaan nila. Malapit lang kasi ang paaralan ni Lex sa parke. Masaya silang naglalaro ni Lex ng biglang buhatin ni kuya ang bata. Kaung-kalung nito ang pamangkin ng may biglang may tumigil na sasakyan sa harap namin.

“Tita Alli!” sigaw ni Lex.

“Hello handsome!” bumaba ito sa sasakyan at kinuha ang bata sa kuya niya. Binigay naman ito ni kuya Rocco. “Mas lalo ka atang gumagwapo Alexis ha?” bati nito sa bata.

“Ako ba di mo sasabihan ng gwapo?” biro ng kuya ko. Tumawala lang si Alli sa sinabi ng loko kong kuya.

“Naku, Rocco kung sinabi ko yun baka lumaki pa lalo yun ulo mo. Marami ng nagsabi nun kaya wag na. At ang mister ko lang ang gwapo sa paningin ko at siyempre si Alexis.” tatawa sagot nito sa patutsada ni kuya.

“Aray! Ang sakit naman nun. Minsan na nga lang ako makakita ng ng maganda taken pa.hahahahah!” sabad ni kuya.

“Ikaw talaga Morocco puro kalokohan. Halika na at ihahatid ko na kayo sa bahay at gusto ko rin namang makipaglaro kay Alexis.” alok nito sa kanila.

“Yan ang gusto ko sa'yo Allison eh... nakakatipid kami... heheheh.” sabad ni kuya.”Kung gusto mong lubus-lubusin eh manlibre ka na rin ng pizza pasalubong sa bahay namin.” nakangiting dugtong nito. Binatukan ko ang kolokoy kong kapatid at pinandilatan ng mata.

“Ikaw talaga kuya abusado. Nagmamagandang loob nga ang boss ko tapos aabusuhin mo pa.”

“Okay lang yan, Emma. Para lang akong nakikipagkulitan sa kapatid ko. Di na rin naman iba ang turing ko sa pamilya niyo eh.” palagi kasi itong nasa bahay at nakikipaglaro kay Lex kung walang trabaho kaya tanggap ito ng pamilya niya.

“May kapatid po kayo, Tita?” tanong ni Lex.

“Yup. And his also handsome and smart like you. Magkamukhang-magkamukha nga kayo eh. You just have your mother's eyes.” nakangiting sagot nito.

“Pwede ko bang makita yung brother mo para makita kung parehas kaming gwapo at matalino? Kasi nameet at nakalaro ko na si Papito pero yung kapatid niyo di pa.”

Tumingin muna sakin si Alli at binalingan si Lex. “Of course. At sigurista rin katulad mo. Namana mo nga sa kanya yun eh... hahahahah... talagang kailangan mong siyang makita para malaman mong para kayong pinagbiyak na arinola.” natatawang sagot nito. Nakita ko namang natigilan ang kuya ko sa sinabi ni Alli tungkol sa namana nito sa kapatid.

Tinitigan ako ni kuya pero iniwas ko ang aking mga mata. Natatakot kasi akong malaman nito na kapatid ni Alli ang ama ni Lex.

“Halika na at bibili pa tayo ng paborito mong pizza at ice cream.” aya nito samin. Suamakay na kaming lahat sa kotse at nahahalata ko natahimik lang si kuya buong biyahe. Parang may malalim na iniisip.

Pagdating namin sa bahay eh dumiretso na kami sa loob ng bahay at pinagsaluhan ang pizza at ice cream. Nakipagkwentuhan pa nga si Alli sa mga kuya ko bago ito umalis eh.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

guys pasensyahan nyo na yung story... hahahah... thanks sa nagreread.

my boss's babyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon